Ang Isinumpang Hirang

12 3 0
                                    


Malungkot na naglakbay sina Mia, Tome at Ikoy pabalik ng kapatagan. Wala nang kakayahang maglaho ni Ikoy kaya hindi na niya kayang gumawa pa ng lagusan gamit ang kanyang sombrero. Matapos ang isang araw na paglalakbay ay matagumpay silang nakabalik sa kapatagan kung saan nakatira sila Poy.

" Hira Mia, mabuti ay ligtas kayong nakabalik. Nakita naming lahat ang pulang liwanag na bumalot sa buong kalangitan. Matapos nito ay nawala na ang lahat ng aming kapangyarihan pati na rin ang mga marka sa aming mga katawan. Kaya alam naming lahat na ito ay hudyat ng pagtawag sa bathalumang Hesron." pagsalubong ni Haring Arden kila Mia.

" Patawarin ninyo ako, ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang mapigilan ito subalit huli na ang lahat ng dumating kami." nangingiyak na sabi ni Mia.

" Huwag kang mag alala Hira Mia, naniniwala kami na hindi magaganap ang alamat tungkol sa huling hirang. Hindi nalang natin itutuloy pa ang pagtawag sa bathalumang Adaro." pagpapagaan ng loob ni Haring Arden.

Hindi na sumagot pa si Mia at ito ay nagpatuloy nalang sa paglalakad patungo sakanyang silid. Subalit habang papunta doon ay nakita niya si Poy na nakatulala habang tumutulo ang mga luha sa isang lupang punong puno ng mga bulaklak.

" Ano pong nangyari Lolo Poy?" mariing tanong ni Mia.

" Wala na ang mahal kong si Teng. Pinatay siya ng babaeng lava na nagpanggap na kaibigan mo. Noong una pa lamang ay may hinala na ako na may panganib siyang dala. Sana pala ay sinunod ko ang kutob ko. Edi sana buhay pa ngayon si Teng sana hindi nila natawag ang bathalumang Hesron. Kasalanan ko tong lahat." paninisi ni Poy sa kanyang sarili.

" Lolo Poy hindi po totoo yan. Ako po ang may kasalanan ng lahat. Hindi po ako naging maingat at nagpadala po ako sa pagmamahal ko sa kaibigan ko. Kung hindi ko po sana pinagkaloob sakanya ang kwintas ng pagsamo ng sadi ay hindi po mangyayari ang lahat ng ito. Uto uto po kasi ako Lolo Poy. Wala po akong kwentang Hirang. Hindi po ako karapatdapat dito sa Misala." paninisi naman ni Mia sa kanyang sarili.

Nagyakapan at nag iyakan ang dalawa. Pinagaan nila ang loob ng isat isa. At matapos nito ay naghanda na sila Mia at mga tagapagtanggol ng Adaro upang bumalik sa palasyo ng Adaro.

" Mag iingat kayo. Nawa ay basbasan kayo ng mga bathaluman. Hira Mia magagawa mo ring mapatunayan na walang katotohanan ang alamat. Hindi ikaw ang isunumpang Hirang. Ikaw ang magiting na Hirang." pamamaalam ni Poy sakanila.

Agad umalis sina Mia at mga tagapagtanggol ng Adaro upang maglakbay pabalik ng Adaro. Ngayon silang lahat ay mga normal na mamamayan na lamang sapagkat wala na silang kapangyarihan pati na rin ang mga marka sa kanilang katawan.

Lumipas ang ilang araw ay matagumpay na nakabalik ang lahat sa Adaro. Dito bumungad ang samut saring usapan at masasamang tinginan kay Mia dahil siya nga ang isinumpang hirang. Walang mukang maiharap si Mia sa mga mamamayan ng Adaro kaya buong paglalakbay nila papuntang palasyo ay nakayuko lamang siya.

Pagbalik nila ng palasyo ay malugod parin silang sinalubong ng mga kawal nito. Dito sila sinalubong ng aso ni Musmus at pusa ni Gamor na dala dala ng kanang kamay ni Haring Arden.

" Kamahalan mabuti na lamang ay nagbalik kayo, ilang araw din kayong nawala. Pinahanap na namin kayo kung saan dahil tampulan na ng bali balitang natawag na ang bathalumang Hesron at ang himpapawid ng Adaro ang magtatalaga ng sinumpang hirang na wawasak sa Misala. Nakita ko nga pala ang dalawang ito sa inyong silid." pagpapaliwanang ng kanang kamay ng Hari.

" Meooww!!!"
" Awwww, awww!!"
pagsalubong ng alaga ni Gamor sakanya.

Matapos mawalan ng kapangyarihan si Ikoy ay nanumbalik na ang mga ito sa kanilang totoong anyo. Mabuti na lamang ay walang nakasaksi sa pagbabagong anyo nila.

HirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon