"Hindi digmaan ang solusyon. Kailangan natin magtulungan para sa kapayapaan." matapang na sabi ni Haring Arden sa mamamayan ng Adaro.
Sa loob ng bulwagan sa palasyo ng Adaro ay nagaganap ang pagpupulong kung saan hinihikayat ni Haring Arden na magtulungan para sa kapayapaan. Nagbibigay payo siya para sa pag asa sa kanyang mga nasusukapan dahil sa takot ng bawat isa sa pananakop ng mga taga Hesron.
"Sandali lamang, nagbalik na ang ating Hirang. Magbigay pugay kayong lahat." ang maligayang sigaw ni Haring Arden nang makitang biglang sumulpot si Mia habang nagliliwanag ng kulay asul sa harapan ng rebulto ng Adaro sa loob ng bulwagan, ang Bathaluman na wangis ng isang Phoenix na magiting at dalisay.
"Anong meron?" nagtatakang tanong ni Mia na nagulantang din sa kanyang pagbabalik sa daigdig ng Misala.
"Isang buwan na ang nakalipas Mia simula noong bumalik ka sa inyong daigdig. Ngunit panibagong hirang ang dumating, ang hirang Hesron. At dahil dito naging matapang ang mga taga Hesron upang sakupin ang Adaro. Ayon kasi sa alamat ang huling hirang ay ang isinumpa at sakanyang pagdating sa daigdig ng Misala ay magbubunga ng katupasan at kawasakan sa daigdig na ito. Kaya gustong sakupin ng mga taga Hesron ang Adaro upang wasakin ang Adaro at tuluyan na itong maglaho sa daigdig ng Misala nang sa gayon ay hindi na matupad pa ang alamat sa isinumpang hirang." pagpapaliwanag ni Haring Arden kay Mia.
"Isang buwan? Anong pinagsasabi mo? apat na oras lang ako nawala, naligo at kumain lang ako sa bahay. Pano nangyari yun? takang takang sagot ni Mia.
"Marahil ay iba ang takbo ng oras sa inyong Daigdig Hira Mia. Subalit masayang masaya kami sa iyong pagbabalik dahil alam namin na hindi ikaw ang isinumpang hirang." nakangiting sabi ni Haring Arden dahil nabigyan siya ng pag asa sa pagbabalik ng hirang Adaro.
Ang mamamayan ng Hesron ay nakatira sa lupain ng Disyerto kung saan napapaligiran ng Bulkan. Lubhang mainit at mataas ang temperatura rito kaya nagnanais silang humanap ng lupain sa himpapawid kung saan nakatira ang mamamayan ng Adaro. Ang kanilang Bathaluman ay si Hesron na kawangis ang isang dragon na mabagsik.
Sa pag alis ni Mia sa daigdig ng Misala ay dumating naman ang bagong hirang Hesron. Sa nakaraang mga dekada, dalawang hirang na ang napagtagumpayan na tawagin ang kanilang bathaluman. Nauna ang Hirang Meno at makalipas ang sampung dekada ay sinundan ito ng Hirang Sadi. Lumipas na ang mahigit labing limang dekada matapos ang Hirang Sida. At sa pagkakataon na ito ay dalawang hirang ang dumating, at kung sino man sakanila ang huling hirang ay siya ang isinumpa. Mangayayari lamang ang pagiging ganap na hirang kapag napagtagumpayan na niyang tawagin ang kanilang bathaluman at mabuo ang kanyang tatlong kahilingan.
"Ang ibig sabihin ba nito, katunggali ko ang hirang hesron? pagtitiyak ni Mia habang iniisip na maaaring si Julie ang hirang hesron.
" Ganun na nga Hira Mia, kailangan natin silang maunahan na matawag ang ating bathaluman nang sa gayon ay hindi ikaw ang maging isinumpang hirang. " paliwanag ni Haring Arden kay Mia.
"Si Julie kakalabanin ko? Ang bestfriend ko? Hindi to maaari." mga agam agam ni Mia sa kanyang sarili habang hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari.
Dahil hindi alam ni Mia ang gagawin ay agad niyang hinanap si Tome upang humingi ng payo rito. Alam rin niya sa sarili niya na labis labis na ang pangungulila niya dito dahil ito rin ang dahilan kung bakit siya nagbalik sa Misala.
"Sandali, nasan naba si Tome? gusto ko sana siyang makita." tanong ni Mia.
"Noong nawala ka ay nagpasiya si Tome na umalis na sa palasyo. Kailangan niya raw magtrabaho para sa kanyang mga kapatid at kanyang ama na may sakit." sagot naman ng Haring Arden kay Mia.
"Ganun ba? eh si Neri nasan na?" tanong ulit ni Mia.
"Nariyan lamang siya, siya parin ang mayordoma ng palasyo, subalit noong umalis ka ay hindi na kami gaano nagkikita sapagkat may kaunting galit parin ako sa kanya sa pagkakapahamak mo dat at naging abala rin ako sa pagsupil sa mananakop na mga taga Hesron." mariing sagot ni Haring Arden.
Agad naman pinuntahan ni Mia si Neri at tuwang tuwa ang magkaibigan sa kanilang muling pagkikita. Samantalang pinaghigpit na ni Haring Arden ang Adaro sapagkat nagbalik na kanilang Hirang.
"Neri, maari mo ba akong samahan na hanapin si Tome? sa totoo lang ay labis na akong nangungulila sakanya eh!" pakiusap ni Mia kay Mayordomang Neri.
"Walang problema Hira Mia, bukas na bukas din ay sasamahan kita." nakangiting sabi ni Neri sabay yakap ulit kay Mia.
Pinayagan naman ni Haring Arden na umalis sina Mia at Neri upang hanapin si Tome dahil kailangan din nila ito sa paghahanap pa ng ibang tagapagtanggol. Nagpasama siya ng mga ilang kawal upang makasama sa paghahanap ng dalawa.
Nasa kalagitnaan na ng himpapawid ng Adaro sila Mia at Neri kasama ang iba pang kawal ng makasalubong nila ang ilang mamamayan ng Adaro na nagbubunyi.
"Napakahusay mo talaga Tome, ikaw ang aming bayani!" paghanga ng isang matandang lalaki habang isinigaw ito sa mga kasama.
"Mia bilisan mo! Nakita ko na si Tome." maligalig na sabi ni Neri habang mabilis na tumungo sa mga nagbubunyi na mamamayan ng Adaro.
"Hoy! Tome ano na naman tong palabas mo?" sigaw ni Neri kay Tome habang hila hila si Mia.
Biglang natigilan ang kapaligiran ng makita ni Tome si Mia na hila hila ni Neri patungo sakanya. Natulala ito at hindi alam ang gagawin.
"Mia? totoo ba to? nagbalik kana? kailan pa? paano? sabay yakap na mahigpit kay Mia.
"Kagabi lamang, ano bang nangyayari dito at bakit nagbubunyi kayo?" tanong ni Mia kay Tome.
"Nakipaglaban lang naman ako sa mga taga Hesron kanina eh lahat sila sugatan lahat din sumuko at nagsipagtakbuhan. Pero Hira Mia hindi ako pumapatay ah iniiwan ko silang sugatan at mahina subalit hindi ko sila pinapatay. Ganito na kasi ang trabaho ko simula noong umalis ka, ako ang isang mandirigma na tagapagtanggol tapos ay binabayaran naman nila ako sa pagtatanggol ko sakanila." paglilinaw ni Tome.
Habang nag uusap sila ay bigla na lamang umulan ng palaso na nababalot ng apoy na naging hudyat ng kaguluhan. Ang iba ay natamaan ng palaso habang ang iba naman nagtakbuhan. Samantalang si Neri at Tome ay abala sa pagligtas sa mamamayan ng Adaro. Hindi nila napansin si Mia na napahiwalay na sakanila.
" Isang sombrero na lumulutang? " takang taka sabi ni Mia sa sarili habang nakikita ang sombrero na nalutang nang siya ay napahiwalay sa mga kasama.
Nang bigla niyang napansin ang palaso na napupuno ng apoy na papunta sa direksyon kung saan naroon siya. Wala na siyang ibang nagawa kundi isangga ang sombrerong lumulutang na malapit sakanya dahil kundi hindi ay matatamaan na siya nito.
Ngunit pagkahawak pa lamang niya sa sombrero na ito ay nabulatan na siya ng lamig at siya ay hinigop ng sombrero papasok sa loob nito.
BINABASA MO ANG
Hirang
FanfictionKung ikaw ba ay magiging isang tauhan sa libro maspipiliin mo bang maging bida o kontrabida? Kung ang pagganap mo naman ay kapalit ang mabigyan ka ng tatlong kahilingan? Ano ba ang maspipiliin mo ang pag ibig o ang itinalaga sayo? Ito ay kwento ng d...