Ang Mahusay na Bata

17 3 1
                                    

" Kasalanan ko po ang lahat ng ito. Kung hindi lamang po ako nahuli ay napigilan ko po sana ang huwad na tagapagtanggol." magalang na paninisi ng bata sakanyang sarili na nasa edad sa pagitan ng pito o walong taon. Yakap yakap niya ang kanyang aso habang siya ay umiiyak.

" Ano kaba bata wag mo sisihin ang iyong sarili. Iniligtas mo kaming lahat sa panganib. Siguro ay may dahilan bakit nangyari ang mga ito." pagpapagaan ng loob ni Neri sa bata habang pinapatahan sa pag iyak ito.

" Ano ba ang iyong pangalan? Mag isa ka lamang? Nasan ang iyong mga magulang? mabuti ay narating mo itong palasyo?" tanong ng hari sa bata.

" Ako nga po pala si Rasmus. Pero Musmus po ang madalas tinatawag sakin. Mga maestro po ang aking mga magulang. Nasa eskwelahan po sila ngayon. Narito po ako ngayon sa palasyo para sa pagsusulit ng bagong tagapayo ng palasyo subalit hindi alam ng aking mga magulang dahil tutol sila rito." paliwanag ni Musmus sa hari.

" Ikaw magiging tagapayo? sa batang mong yan? pano mangyayari yun?" sabat ni Nyebes habang natatawa.

" Narinig ko nga na may isang batang may pambihirang katalinuhan ang nais maging tagapayo ng palasyo. Sabi ng punong tagapaglingkod kahit na bata kapa lamang ay malaki ang kaibahan mo sa normal na dapat ikaw ay mag aaral pa lamang sa iyong edad. Ngunit lubhang kamangha kamangha ay iyong kaisipan at kahusayan. Mas higit ka pa daw na masmahusay sa dating tagapayo ng palasyo." paliwanag ng Hari.

" Ganoon po ba? Pero nababasa ko po lahat ang iniisip niyo eh lahat kayo ay minamaliit ako dahil ako ay isang paslit. Kanina po pagdating ko pa lamang po dito ay naramdaman ko na po agad ang kaba sa aking dibdib. Napanaginipan ko po kasi kagabi na mamamatay po ang hirang Adaro at ang lahat ng tagapagtanggol nito at ako lamang po ang matitirang buhay." sagot ni Musmus.

" Kaya nga kami ay nagpapasalamat sayo dahil dumating ka. Nahuli ka man eh nailigtas mo naman ang buhay naming lahat." pasasalamat ng hari.

" Pero teka! paano mo ba nagawang kontrahin ang musika ni Ramil?" mariing tanong ni Neri.

" Nasa karwahe pa lamang ako noong marinig ko ang nakakarinding tunog ng plawta na iyon. Nagawa kong kopyahin ang enerhiya ng kanyang kapangyarihan kaya gamit ang dahon ay nakalikha ako ng tunog upang kontrahin ito."  paliwanag ni Musmus kay Neri.

Si Musmus ay anak ng parehong maestro. Siya ay lumaki sa eskwalahan kung saan ang kanyang mga magulang ay doon nagtatrabaho. Nag iisang anak lamang siya kaya istrikto at masyadong protektado sila kay Musmus. Ipinangak siyang may markang ibon sa kanyang tiyan at kahit alam ng mga magulang niya na may kinalaman ito sa pagsamo sa bathalumang Adaro ay pilit parin nilang itinago ang pagiging isa niyang tagapagtanggol upang proteksyonan siya dahil alam nilang mapanganib ito at dahil bata pa lamang siya. Dahil dito ninais niya maging isang tagapayo ng palasyo upang maglingkod dito at upang malaman niya kung anong misyon niya bilang isang tagapagtanggol. Inakala ng mga magulang ni Musmus na ang kakaibang kagalingan , kahusayan at katalinuhan ang kapangyarihan nito. Subalit nasa kanyang kaispan pala ang kanyang tunay na kapangyarihan, nakakaya niyang bumasa ng isip at makita ang hinaharap sa kanyang panaginip. Bukod pa dito gamit ang hangin ay nagagawa niyang malaman ang enerhiya at isktraktura ng isang kapangyarihan ng ibang elemento. Nakakaya niyang kopyahin ang kapangyarihan ng ibang elemento gaya ng elemento ng apoy sa mga tagapagtanggol ng Hesron, elemento ng tubig sa mga tagapangtanggol ng Meno at elemento ng lupa sa mga tagapagtanggol ng Sadi. Tanging elemento lang ng hangin sa mga tagapagtanggol ng Adaro ang kapangyarihang hindi niya kaya kopyahin dahil ito ay katulad na ng enerhiya at istraktura ng kanyang kapangyarihan.

Natuklasan niya ang kapangyarihan niyang na ito nang lusubin ng mga taga Hesron ang eskwelahan na kanilang tinutulyan. Nagawa niyang kopyahin ang bolang apoy ni Balkan na heneral at tagapagtanggol ng Hesron. Matagumpay niyang nailigtas ang mga maestro at mag aaral dito dahil sa pambihirang pagkopya niya ng kapangyarihan.

HirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon