" Hira Mia, tumahan kana sa pag iyak mo. Nangako si Tome na babalik siya. Magtiwala lang tayo sakanya." pagpapakalma ni Neri kay Mia matapos nilang makabalik sa Adaro.
" Hindi ko rin lubos maintindihan si Tome, pero laking pasasalamat ko dahil nakabalik kayo ng ligtas ni Neri." masayang sabi ng Haring Arden ng makitang matagumpay na nakabalik ang dalawa sa tulong ni Ikoy.
" Huwag na tayong mag aksaya pa ng oras. Tutungo tayo sa aking Ina na si Mata upang humingi ng tulong para mapabilis ang paghahanap sa iba pang tagapagtanggol." mungkahi ni Ikoy sa mga kasama.
Agad namang tinungo ng apat ang gitnang bahagi ng Misala. Ay pagkarating nila dito ay malugod silang sinalubong ng mga bata at mabilis na nakaharap si Mata.
" Hihingi sana kami ng tulong sayo Ina upang mabilis namin mahanap ang mga tagapagtanggol ng Adaro." salubong ni Ikoy kay Mata habang nagbibigay pugay.
" Inaasahan ko talaga ang inyong pagdating. Narito at inihanda ko na ang kwintas na magiging katulong niyo sa paghahanap." wika ni Mata sa apat.
Ipinaliwanag ni Mata kung paano makakatulong ang kwintas na ito sa paghahanap at marahang inabot kay Mia.
" Pakaingatan mo ang kwintas na ito dahil ang palawit nito ang natitirang bagwis ng ibong Adaro. Gagamitin mo rin ito sa orasyon sa pagtawag sa bathalumang Adaro dahil ito ang mag iisa sainyo upang marinig niya ang iyong pagsamo. Sa sandaling makarating kayo sa lupain kung saan naroon ang tagapagtanggol ay iilaw ang palawit nitong bagwis. " paliwanag ni Mata kay Mia habang sinusuot ito sakanya.
" Iingatan ko ito kapalit man ang aking buhay Mata. Maraming salamat at hindi kita bibiguin. Hindi ko bibiguin ang mga taga Adaro. Subalit may isa pa sana akong ipapakiusap sayo Mata. Nabanggit sakin ni Julie na nagpunta siya rito upang bumalik sa aming daigdig ngunit nabigo siya. Maari mo bang sabihin sakin anong nangyari sakanya sa nakalipas na isang buwan?" tanong ni Mia kay Mata.
" Totoo ang iyong sinambit. Handa kabang makita ito? Halika at ipapakita ko sayo." sagot ni Mata kay Mia.
Nagpunta sila Mia at Mata sa bulwagan kung saan ang ulap ay naging isang imahe at dito idinula ang mga nangyari kay Julie simula noong makarating siya sa Misala.
*** Ang nakaraan bago lumipas ang isang buwan.
" Mia! " sigaw ni Julie ng makita ang asul na liwanag na bumabalot rito.
Habang nagliliwanag si Mia ay isang panibagong ilaw na kulay pula ang pumukaw sa atensyon ni Julie. Tila isang Dragon ito at dahil dito napunta ang kanyang atensyon ay unti unti nang nawala si Mia sa kanyang paningin at nabalot na lamang ng pulang liwanag ang buong silid aklatan. Nagkamalay na lamang si Julie nang makaramdam siya ng init sa kanyang katawan. Tumutulo na ang pawis galing sa kanyang noo. At sa pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa isang Disyerto siya na napaliligiran ng mga bulkan.
Tumayo agad si Julie at agad hinanap si Mia sa paligid. Sumisigaw siya ngunit walang sino man ang nakaririnig sakanya. Paulit ulit lamang na Mia ang kanyang sinasambit dahil siya ay takot na takot na.
Isang buong araw na naglakad si Julie sa Disyerto hanggang nakarating siya sa isang bayan kung saan ang mga tao ay balot na balot at tanging mga mata lamang ang nakalitaw sa kanilang mukha. Ramdam na ramdam niya ang pagod at uhaw subalit walang ni isa ang tumulong sakanya upang painumin siya. Pumasok siya sa isang kainan kung saan puro lalaki lamang ang mga kumakain dito. Agad siyang humingi ng tubig sa mga ito subalit siya ay hinupuan lamang ng mga ito dahil na rin sa suot niyang palda na uniform niya. Tumakbo si Julie palabas ng kainan ngunit mabilis parin siyang sinundan ng mga kalalakihan. Habang tumatakbo ay sumisigaw si Julie ng tulong at tanging pangalan lamang ni Mia ang paulit ulit na nasasambit nito.
" Mia tulungan mo ko!" hangos ni Julie habang tumatakas sa mga kalalakihan.
Sa kasamaang palad ay naabutan si Julie ng mga kalalakihan at nawalan na lamang siya ng malay sa kapaguran at kauhawan habang tuluyang napalibutan ito ng mga kalalakihan sa lugar kung saan wala ng masyadong tao ang nagdaaran.
" Nasan ako? sino ka?" wika ni Julie ng magkamalay at sa kanyang pagdilat ng mata ay isang matipunong lalaki ang bumungad sakanya.
" Nandito ka sa palasyo ng Hesron. Ako si Heneral Balkan ang namumuno sa mga kawal ng palasyo. Huwag ka nang matakot kasi ligtas kana." sagot ni Balkan kay Julie.
" Ikaw ba ang nagligtas sakin? nasan na ang mga kalalakihang humahabol sakin? " tanong ulit ni Julie.
" Wala ka nang malay nung ikaw ay aking nakita. Wala kang saplot at tila naghihingalo kana. Ginamitan kita ng aking salamangka upang ikaw mabuhay." paliwanag ni Balkan.
Hindi na nakapagsalita pa si Julie. Umiyak na lamang ito ng umiyak hanggang makatulog.
Nag iisang anak lamang si Julie. Ang kanyang ina na lamang ang bumubuhay sa kanilang dalawa sa paglalabada nito. Bata pa lamang siya ay iniwan na sila ng kanyang ama. Matalinong bata si Julie, simula elementarya hanggang high school ay lagi siyang Valedictorian at ang kanyang scholarship lamang ang nagpapa aral sakanya. Hindi naging maganda ang buhay ni Julie dahil isang kahig at isang tuka lamang silang mag ina. Hindi niya rin alam kung papano siya makakapag kolehiyo dahil tuition fee lang naman ang maililibre sakanyang scholarship. Plano niyang maging working student at alam niyang mahirap ang kakaharapin niya makapagtapos lamang ng kolehiyo.
Kaya para sa kanya malaking bagay na makarating siya sa Misala at maging hirang. Dahil bilang isang hirang ay nakakakain siya ng maayos, pinagsisilbihan siya at nakakamit niya lahat ang kanyang gusto. Ninanais din niyang hilingin ang maging mayaman sila ng kanyang ina sa daigdig niya kung sakaling matipon niya ang mga tagapagtanggol at matawag ang bathalumang Hesron.
*** Kasalukuyan sa gitnang bahagi ng Misala
" Tama na Mata, hindi ko na kaya pang makita ang susunod na mga nangyari." pakiusap ni Mia kay Mata matapos makitang mawalan ng malay si Julie matapos habulin ng mga kalalakihan.
" Naway patawarin kapa sana ikaw Mia ng iyong kaibigan sa paghubad mo sa iyong uniform. Masalimuot ang kanyang dinanas sa pagdating niya rito sa Misala. Ngunit Mia wala kang kasalanan doon, kaya wag mo sanang sisihin ang sarili mo. Iyon ang nakatadhana sakanya." paliwanag ni Mata kay Mia.
Pagkalabas nila Mia at Mata sa bulwagan ay agad silang tumungo kung saan naroon si Haring Arden, Neri at Ikoy.
" Humayo na kayo. Binabasbasan ko ang inyong tagumpay. Sa ngalan ng bathalumang Adaro. " basbas ni Mata sa apat.
Agad namang umalis ang apat upang maglakbay para hanapin ang iba pang tagapagtanggol ng Adaro.
BINABASA MO ANG
Hirang
FanfictionKung ikaw ba ay magiging isang tauhan sa libro maspipiliin mo bang maging bida o kontrabida? Kung ang pagganap mo naman ay kapalit ang mabigyan ka ng tatlong kahilingan? Ano ba ang maspipiliin mo ang pag ibig o ang itinalaga sayo? Ito ay kwento ng d...