"Ito ang pares ng mga hikaw na hinahanap ni Mia ngayon sa lawa! Hahaha hangal siyang tunay, akalain mo ba namang hahanapin niya ito sa lawa kahit madilim at nakakatakot dun." masayang sabi ng mayordoma sakanyang mga alalay.
"Hindi pala talaga yan nawawala Madam. Kawawa naman si Hira Mia naghahanap siya ng wala naman siyang hinahanap." pag aalalang sabi ng isang alalay sa Mayordoma.
"Hahaha! Magaling talaga akong umarte diba inakala niya tuloy na talagang nawawala ito. Mabuti nga sakanya nang sumuko na siya sa pakikipagkaibigan sakin. Hahahaha!" maligalig na wika ng Mayordoma sa mga alalay.
Sa kanilang pag uusap ay hindi sinasadyang napadaan ang Haring Arden sa silid at narinig ang lahat ng ito. Sa pag aalala ay agad itong tumungo sa lawa upang hanapin si Mia.
" Hira Mia! Nasan ka?" sigaw ng hari habang hinahanap si Mia sa lawa.
Lumusong sa malamig na tubig ng lawa ang hari at nakita niya ang laso na tinatali ni Mia sa kanyang mga buhok. Agad sumisid pailalim sa lawa ang hari upang hanapin si Mia subalit sa kadiliman at kalamigan ay hindi niya maramdaman ang presensiya ni Mia.
Hanggang lumiwanag ng kulay asul ang kanyang markang ibon sa kanyang leeg at doon niya natanaw sa kailaliman ng lawa si Mia na walang malay. Biglang nakalikha si Haring Arden ng malaking buhawi na umikot papunta sa kinaroroonan ni Mia. Nawalan ng tubig ang kinaroroonan ni Mia dahil nasa gitna ito ng buhawi. Agad binuhat ng Hari si Mia papunta sa baybayin ng Lawa habang ang liwanag sa kanyang leeg ang nagsilbing ilaw sa madilim at nakakatakot na lawa.
Si Harden Arden pala ay may kakayahang kontrolin at manipyulahin ang hangin. Kung saan nakalilikha siya ng buhawi at ipo ipo.
"Hira Mia gising! pag aalalang sigaw ng hari sa walang malay na si Mia.
Pinilit sagipin ng Hari si Mia. Paulit ulit niya itong binigyan ng hangin subalit hindi parin ito gumigising. Humihinga parin si Mia pero mahina na ang tibok ng puso niya. Kaya agad dinala ng hari si Mia sa palasyo.
"Magmadali kayong dalhin dito ang pinakamagaling na manggagamot!" utos ng hari sa mga kawal.
"Anong nangyari kay Hira Mia kamahalan?" pag aalalang tanong ni Tome habang buhat ng hari ang walang malay na si Mia.
Ginamot ng pinakamagaling na manggagamot sa kanilang palasyo si Mia. Nagising na ito subalit siya ay nakatulala lamang at hinang hina ang katawan.
"Masyado ng mahina ang kanyang katawan, kailangan na niyang maibalik sa kanyang daigdig upang siya ay lumakas." paliwanag ng manggagamot sa hari.
Hindi alam ng hari ang kanyang gagawin dahil alam niyang hindi maaaring bumalik si Mia sakanilang daigdig dahil hindi pa niya natitipon ang apat pang mga tagapagtanggol upang matawag ang bathalumang Adaro. Subalit kung hindi babalik si Mia sa daigdig nila ay maaari manganib ang kanyang buhay.
" Si Mata lamang ang makakatulong sa atin upang makabalik ang hirang sa kanilang daigdig. Ngunit paano natin mahahanap si Mata?" tanong ng hari.
Si Mata ang pinakamagaling na salamangkero sa daigdig ng Misala. Sa kanilang paniniwala siya lamang ang tanging nakakasagot ng kahit anong kasagutan. Subalit kailanman ay wala pang nakapagsabi kung saan siya makikita. Maraming alamat na siya ay matatagpuan sa kalagitnaan ng Misala kung saan mahirap mahanap dahil ito ay napalilibutan ng salamangka. Tanging mga salamengkero lamang ang nakatutunton sa tunay na kinalalagyan ni Mata.
BINABASA MO ANG
Hirang
FanfictionKung ikaw ba ay magiging isang tauhan sa libro maspipiliin mo bang maging bida o kontrabida? Kung ang pagganap mo naman ay kapalit ang mabigyan ka ng tatlong kahilingan? Ano ba ang maspipiliin mo ang pag ibig o ang itinalaga sayo? Ito ay kwento ng d...