Ang Mandirigma

17 3 1
                                    

" Hira Julie, ngayong hating gabi ay susundiin na ako nila Hira Mia. Sumama kana sa amin. Matatawag na ni Hira Mia ang Bathalumang Adaro at hihilingin niya na makabalik na kayo sa inyong mundo." paliwanag ni Tome bilang pagsunod sa utos ni Mia.

" Ganun ba Tome? Sige sunduin mo ko sa aking silid mamayang hating gabi." sagot ni Julie.

Wala ng balak pang bumalik si Julie sa kanilang mundo dahil na rin sa mga masasalimuot na pinagdaanan niya. Kaya agad humingi ng tulong si Julie kay Balkan ng malaman niya na aalis na si Tome sa Hesron. Nagalit si Balkan kay Tome dahil hindi ito tumupad sa kanilang kasunduan kaya gumawa siya ng isang salamangkang sumpa para dito.

" Hira Julie, ilang oras na lamang ay muling magtatagpo na sila Tome at Mia. Naihanda ko na ang Salungat na gamot para kay Tome. " sabi ni Balkan kay Julie.

" Sige akin na, ano ba ang dapat kong gawin para tumalab ang gamot na ito?" tanong ni Julie.

" Kailangan mo lamang mapainom ito sakanya sa pamamagitan ng iyong mga halik nang sa gayon ay gumana ang sumpa." paliwanag ni Balkan.

Ang Salungat na gamot ay isang itim na salamangkang sumpa upang salungatin ang lahat ng nararamdaman ng isang tao. Kung galit ka sa isang tao ay mamahalin mo ito at kung mahal mo naman ang isang tao ay kamumuhian mo ito. Kung sino man ang magpainom ng gamot na ito gamit ang kanyang halik ang siyang magiging panginoon at sasambahin ng taong isinumpa. Walang kahit anong lunas ang maaaring makagamot dito kahit na ang mga palad ni Gamor.

Ilang minuto na lamang ay mag hahating gabi na. Sinundo na ni Tome si Julie sakanyang silid. Pagpasok niya sa silid ni Julie ay nakita niya itong walang saplot sa katawan.

" Tome, Mahal na mahal kita. Bago sana tayo umalis ay angkinin mona ang katawan ko dahil pag nasa Adaro na tayo ay hindi mona ito magagawa dahil kay Mia." pang aakit ni Julie kay Tome.

" Hira Julie, hanggang kailan ko ba ipapa ulit ulit sayo na si Hira Mia lang ang tanging mahal ko. Sige na magbihis kana aantayin na lamang kita sa labas ng iyong silid." pagtanggi ni Tome sa nais mangyari ni Julie.

" Alam ko yun Tome pero pagbigyan mo naman sana ako kahit ngayong gabi lang." pang aakit parin ni Julie habang pilit hinalikan si Tome at matagumpay niyang napainom ang Salungat na gamot dito.

" Ano ba Hira Julie? tama na. Aalis nalang akong mag isa kung ayaw mong sumama." sagot ni Julie.

Tumakbo paalis si Tome sa silid at habang siya ay patungo sa tagpuan nila ni Mia ay bigla nalamang siyang nahilo at nawalan ng malay sanhi ng umeepekto nang salungat na gamot.

Paggising ni Tome ay agad niyang naisip si Julie. Pinuntahan niya ito sa silid nito at humingi ng tawad sa mga nangyari.

" Hira Julie, patawarin mo ko kung natanggihan kita." sambit ni Tome sabay mainit na humalik sa labi ni Julie.

Naramdaman ni Julie na umepekto na ang sumpa at hindi siya naging komportable dahil alam niyang wala sa sarili si Tome. Tinulak niyang palayo si Tome at agad itong pinaalis sa kanyang silid. Naisip ni Julie ang katraydoran na ginawa niya kay Mia, nakokonsensya siya sakanyang mga ginawa kaya tumulo nalang ang kanyang mga luha.

Sa kabilang dako, ilang oras na ang lumipas ay naghihintay parin sina Mia, Nyebes at Ikoy sa kanilang tagpuan.

" Darating paba si Tome Hira Mia?" tanong ng naiinip nang si Nyebes.

" Oo nangako siya, mag antay lang tayo dito darating din yun." sagot ng umaasang paring si Mia.

Lumipas na ang ilang oras at malapit na sumikat muli ang araw ay wala paring Tome ang dumadating.

" Nag aalala na ako kay Tome. Kailangan na natin siyang puntahan sa loob ng palasyo ng Hesron." pakiusap ni Mia kay Ikoy.

" Halika ka dito Hira Mia pumasok na tayo sa aking sombrero dadalhin tayo nito sa loob ng palasyo kung saan naroon si Tome. Ikaw naman Nyebes ay maiwan dito para kung sakaling dumating si Tome ay may maabutan siya dito. Madali lamang kami dahil paniguradong mararamdaman ito ni Balkan." mungkahi ni Ikoy.

Agad pumasok sina Mia at Ikoy sa sombrero at sila ay dinala nito sa silid ni Tome.

" T...Tome? Bakit hindi ka sumipot sa tagpuan natin?" mabilis na tanong ni Mia matapos makitang nakaupo si Tome sa kanyang silid.

" Bakit naman ako sasama sainyo? Eh tanging sa Hesron lang ang katapatan ko dito na ako naglilingkod. Kalaban niyo na ako ngayon. Umalis na kayo bago ko pa kayo mapatay." pagbabanta ni Tome.

" Anong pinagsasabi mo Tome? Isa kang tagapagtanggol ng Adaro." sambit ng naguguluhang si Mia sabay yakap kay Tome.

" Ano ba? Kinamumuhian kita, ikaw ang nagpalungkot sa pinakamamahal kong si Hira Julie." sigaw ni Tome sabay piglas sa pagyayakap ni Mia.

Hindi nagpatinag si Mia sa pagpiglas ni Tome bagkus masniyakap niya ito ng mahigpit. Sa galit ni Tome ay sinuntok niya ng malakas si Mia sa sikmura sabay ng pag ilaw ng pula ang markang dragon sa kanyang batok.

***
Si Tome ay pinanganak sa Adaro, ang kanyang ama ay dating isang Mandirigma ng Adaro at kanyang ina naman ay isang pugante ng Hesron. Limang magkakapatid sina Tome at nang ang bunso niyang kapatid na si Talia ay kakapanganak pa lamang ay nabunyag ang lihim ng kanyang ina na siya ay taga Hesron at hindi taga Adaro. Agad ipinahuli ang kanyang Ina ng mga taga Hesron dahil sa katraydoran na ginawa nito sa mga taga Hesron. Mahigpit na pinagbabawal na magsama ang magkaibang lahi sa Misala dala na rin ng mga paniniwala nito. Maraming ipinatang na maling akusasyon sa ina ni Tome tulad ng pagiging isang espiya, traydor at ang hindi pagsunod sa batas ng Misala. Kaya kamatayan ang naging parusa sa ina ni Tome habang ang kanyang ama ay pinilit iligtas ito kaya nilumpo siya ng mga taga Hesron upang hindi ito mailigtas. Bunga nito ay si Tome na ang nagtrabaho para sakanilang pamilya dahil lumpo na ang kanyang ama at patay na ang kanyang ina. Bata pa lamang si Tome ay napansin na nang kanyang ama ang markang dragon sa kanyang batok subalit pinilit itong itago ng kanyang ama sa takot na malaman na may dugong Hesron si Tome.

***
Tila isang malaking nagbabagang bato ang tumama sa sikmura ni Mia at ramdam niyang napaso siya init ng suntok na ito. Kaya napatalsik siya sa sahig at agad siyang inalalayan ni Ikoy. Gulat na gulat ang dalawa sa nasaksihan dahil isa pala si Tome sa tagapagtanggol ng Hesron.

" T... Tome? Tome!!!!" sigaw ni Ikoy habang inaalalayan ang tulala at naghihina paring si Mia.

Nanlilisik ang mga mata ni Tome at ang kanyang katawan ay tila nagbabagang bato na. Akma na sanang susuntok si Tome sa kanilang dalawa ngunit iniligtas ni Ikoy si Mia at mabilis na ipinasok sa kanyang sombrero. Tanging si Mia lang ang nakapasok sa sombrero sa bilis ng pagkilos ni Tome at si Ikoy nga ang tinamaan ng nagbabagang kamao nito.

Tumalsik si Ikoy hawak ang kanyang sombrero. Agad din siyang pumasok dito ng magkaroon ng pagkakataon habang papalapit pa lamang si Tome sakanya.

Samantala sa pagkakalaho nina Mia at Ikoy ay agad pinuntahan ni Tome si Balkan para ibalita na sila ay napasok ng mga taga Adaro. Ipinag utos ni Balkan na pumunta si Tome sa pinakamalaking cactus sa gitnang bahagi ng palasyo para ipapatay ang mga tagapagtanggol.

HirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon