Ang Muling Pagtatagpo

13 2 0
                                    

" Hira Mia? Sinong Haring Arden? Ginoo nagkakamali ka ata. Ang pangalan ko ay Mari." takang sagot ni Mia habang kumawala sa pagkakayakap ni Tome.

" Anong sinasabi mo? pano ka napunta dito? anong nangyari sa mga kasama natin?" paglilinaw ni Tome.

" Mari mahal ko! San kaba nagpupu punta sabi ko naman sayo eh huwag kang lalayo." bulyaw ni Ramil ng makitang nag uusap sila Mia at Tome habang dala dala ang mga pagkain kinuha niya sa kanyang tahanan.

" Ramil? buhay ka? bakit kasama mo si Hira Mia?" mariing tanong ni Tome kay Ramil.

" Ikaw pala yan Tome, nako nakita mona pala ang asawa ko. Nagpagkamalan ko rin siyang si Hira Mia noong una ko siyang nakita. Isa siyang magsasaka rito at siya ang sumagip sakin." paliwanag ni Ramil habang kinakabahan dahil hindi niya alam pano napunta doon si Tome at natatakot siyang malaman nito ang katotohanan.

" Ganun ba? akala ko talaga ay siya si Hira Mia. Mabuti na lamang ay buhay ka. Bakit ka narito? Alam mo bang pinaslang ng iyong kakambal ang aking ama sa pag aakalang ako ang pumatay sayo." mariing tanong ni Tome.

" Anong sabi mo? hindi magagawa iyan ng kakambal ko. Patawarin mo siya tiyak ay utos lamang iyon ni Balkan. Hindi lubos na masama ang kakambal ko. Kaya nga ba pinili kong mamuhay ng tahimik dito kasama ang asawa kong si Mari. Masaya ako sa aking desisyon na talikuran ang Hesron." paliwanag ni Ramil.

" Wala na akong magagawa kundi tanggapin na wala na ang aking ama. Sana ay magawa ng matawag ni Hira Mia ang bathalumang Adaro para matapos na ang lahat ng ito." malungkot na sagot ni Tome.

" Sana nga Tome. Oh siya sige na Tome mauna na kami ni Mari kami ay kakain pa." pagpapaalam ni Ramil habang hawak ang kamay ni Mari at bitbit ang mga pagkain.

" Gayon ba sige. Mag iingat kayo ng asawa mo." sambit ni Tome habang patuloy na tinititigan si Mia dahil nararamdaman niya ang maigting na pangungulila niya dito.

Agad umalis sina Mia at Ramil upang pagsaluhan ang pagkaing dala nito.

" Mahal, sino ba ang Tome na iyon? bakit niya akong napagkamalang si Hira Mia? at may kakambal ka pala hindi ko pa siya nakikilala ah." mariing tanong ni Mia.

" Ah, eh!.. Si Tome ay kababata ko sa Hesron. Hindi naging maganda ang pakikitungo sakin ng kakambal ko kaya hindi na kami pa ulit nagkita matapos kong mahulog sa bangin. Masninais ko nalang kasi manirahan dito kasama ka at ang bago kong pamilya. Nakakalungkot nga eh inakala pala ng kapatid ko na si Tome ang tumulak sakin sa bangin. Pero huwag kang mag alala, isang araw ay magkikita muli kami ng kakambal ko at ipakikilala rin kita sakanya. Maaari ba namang hindi ko ipakilala ang mahal na mahal kong asawa." paliwanag ni Ramil sabay halik sa noo ni Mia.

" Gayon ba? pero sino ba si Balkan at haring Arden na binabanggit niya?" tanong ulit ni Mia.

" Sila ang Hari at heneral ng Hesron. Naglilingkod kasi kaming kambal sa palasyo ngunit tumiwalag na ako dito." paliwanag naman ni Ramil.

" Gayon ba? pasensya kana ang dami ko ng tanong. Ubusin mo na nga yang pagkain mo upang makauwi na tayo." sabi ni Mia kay Ramil.

Masaya si Ramil dahil nagawa niyang mapagtakpan ang totoong katauhan ni Mia. Subalit kinakabahan parin siya sa maaaring mangyari kaya inisip niyang tumakas papunta sa gitnang bahagi ng Misala upang walang sino man ang makakilala sakanila.

HirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon