" J....Julie?" sigaw ni Mia habang nanghihina parin sa pagkakasuntok sakanya ni Tome matapos siyang sumulpot sa pasilyo malapit sa silid ni Julie.
" Narito kana pala Mia." mataray na sabi ni Julie.
" Julie, anong ginawa niyo kay Tome? nasabi niya naba sayo na kailangan mo nang sumama samin para makabalik na tayo sa ating daigdig." tanong ni Mia kay Julie.
" Oo, pero isa kang hangal kailangan ko pabang ulitin sayo na kailanman man ay hindi na ako babalik pa sa daigdig natin. Nang malaman ni Tome na may balak kang bumalik sa daigdig natin ay mas pinili niya ako dahil kailanman ay hindi kaming dalawa maghihiwalay. Wala ako ginawa sakanya mas pinili lang niyang maging tagapagtanggol ng Hesron kaysa maging tagapagtanggol ng Adaro dahil makasarili ka Mia. Sarili mo lang ang iniisip mo. Kaya umalis kana dito bago pa kita ipahuli kay Balkan." pagbabanta ni Julie sabay talikod palayo kay Mia.
Wala nang nagawa pa para pigilan ni Mia si Julie na umalis dahil nanghihina na ang kanyang katawan. Sa pagkakataon na yun ay biglang sumulpot si Ikoy dala ang kanyang sombrero.
" Muntik na tayo doon Hira Mia. Mabuti na lamang ay natakasan natin siya. Halika na bumalik na tayo kay Nyebes." mungkahi ni Ikoy kay Mia.
Sa kabilang dako, mabilis na nakarating si Tome sa dapat na tagpuan nila Mia. Doon niya naabutan si Nyebes na naghihintay.
" Ikaw naba si Pareng Tome? Nako po akala namin ay hindi kana darating." malugod na pagsalubong ni Nyebes kay Tome.
Akmang lalapitan na ni Nyebes si Tome upang akbayan ito ngunit sinalubong siya ni Tome ng isang malakas na suntok sa sikmura sabay sa pagliwanag ng markang dragon nito sa batok.
" Isa kang kalaban. Hindi mo man lang ipinaalam sakin nang sagayon eh naging patas ang laban natin pare!" nakangiting sabi ni Nyebes at hindi ininda ang suntok ni Tome dahil hindi siya naapektuhan sa init ng kamao nito dahil sa kapangyarihan niyang yelo. Sa pagkakataon na iyon ay agad naman nagliwanag din ang markang ibon sa dibdib ni Nyebes.
Nagpalitan ng suntok sina Nyebes at Tome. Halos manghina na si Nyebes dahil natutunaw ang kanyang yelo sa nagbabagang katawan ni Tome. Halos mapatay na ni Tome si Nyebes na hindi parin sumusuko sa pakikipaglaban hanggang dumating na sila Ikoy at Mia na naghihina parin.
" Nyebes! Sumuko kana kundi mapapatay kana niya! " sigaw ni Ikoy habang nakaalalay parin kay Mia.
" Walang akong sinusukaan Ikoy! pero sige pagod na rin ako eh!" sabay gumawa ng isang malaking tipak ng yelo bilang panangga kay Tome upang magkaron sila ng pagkakataon na matakas dito.
Akma na sanang tatakas ang tatlo nang biglang dumating si Balkan at pinigilan ang pagpasok ng tatlo sa sombrero gamit ang kanyang salamangkang itim.
" Muli na naman tayong nagkita aking kapatid na Ikoy pero hindi kayo makakatakas sakin." bulyaw ni Balkan habang nanlilisik ang mga mata sa tatlo.
Ginamit agad ni Nyebes ang kanyang yelo upang gumawa ng isang malaking pananggala para sa paglusob nila Balkan at Tome subalit mabilis itong natutunaw ng nagbabagang kamao ni Tome at nang mga bolang apoy ni Balkan. Agad ginamit ni Ikoy ang kanyang salamangka upang panandalian silang makalipat ng pwesto. Hindi na niya kasi magamit ang kanyang sombrero dahil kinokontra ni Balkan ito.
" Hindi sila makakalayo. Hindi magagamit ni Ikoy ang kanyang teleportasyon. Hanapin sila!" sigaw ni Balkan sa mga kawal.
Nailipat ang tatlo sa lugar kung saan madilim at napaliligiran ng maraming cactus. Nag isip agad ng paraan si Ikoy kung paano sila makakatakas dahil alam niyang ilang saglit lamang ay mahahanap din sila sa pinagtataguan nila.
" Meow! Meow!!!" biglang sumulpot ang alagang pusa ni Gamor na lihim palang sumama sakanila.
" Mabuti nalamang ay nandito ka Alpa, maaari kitang gawing komunikasyon upang makausap ko si Gamor para makahingi ng tulong." nakangiting sabi ni Ikoy na di alintana ang paso at nanghihinang katawan.
Mabilis na ginamit ni Ikoy si Alpa na pusa ni Gamor para kausapin ang mga naiwan na tagapagtanggol sa palasyo.
" Gamor! Gamor! Ako to si Ikoy!!" alingaw ngaw na tunog na naririnig ni Gamor sa kanyang silid.
" Alpa? papanong nakakalutang kana?" takang tanong ni Gamor sa kanyang pusa.
" Ako to si Ikoy, narito sa amin si Alpa. Nasa panganib kami at hindi ko magamit ang aking teleportasyon dahil kinokontra ito ni balkan. Sabihin mo ito sa iba pang tagapagtanggol." paliwang ni Ikoy habang nakikita ni Gamor ang imahe ng kanyang pusa na lumulutang sa kanyang harapan.
" Anong sabi mo? Sige sandali lamang huwag niyong pababayaan diyan si Alpa." pag aalalang sabi ni Gamor sabay tungo sa silid ng mga tagapagtanggol.
" May naiisip ba kayong paraan para matulungan kami dito?" tanong ni Ikoy sa mga kasama.
" Ano bang nakakaya ng pusang ito? nakakagigil at lumulutang pa siya." patawang tanong ni Neri.
" Nakagawa ako ng komunikasyon sakanila ni Gamor na nag uugnay sakanila na naging rason kaya tayo nakakapag usap." paliwanag ni Ikoy.
" Kung gayon ay maari naming gamitin ang tunog ng plawta ni Ramil upang alisin ang salamangkang kumokontra sa iyong teleportasyon nang sagayon ay mabigyan ka ng pagkakataon na gamitin ito." mungkahi ni Gamor sa mga kasama.
" Tama, sige sandali lang at ilalapit ko ang pusang ito malapit kay balkan kasabay ng pagtugtog ni Ramil ng kanyang plwata upang magamit ko na ang aking teleportasyon." paliwanag ni Ikoy.
Nagtagumpay na nakatakas sina Ikoy sa palasyo ng Hesron at agad silang pinagaling ni Gamor matapos makabalik sa Adaro.
" Nasan naba si Tome? Bakit hindi niyo siya kasama? Sino ba ang may gawa sainyo nito? Grabe naman halos mamatay na kayo napakawalang puso naman niya." tanong ni Neri kila Mia.
Hindi sumasagot si Mia bagkus tulala lamang ito at nangingilid ang mga luha.
Naiisip ni Mia kung paanong nagawa ni Tome na saktan siya at kung bakit bigla nalamang ito nagbago." Yung Tome na susunduin namin ang may kagagawan nito. Isa siya sa tagapagtanggol ng Hesron." paliwanag ni Nyebes sa mga kasama.
Nagulat ang lahat sa isiniwalat ni Nyebes sa pagiging isang tagapagtanggol ng Hesron ni Tome. Sila Haring Arden at Neri ay hindi makapaniwala dahil lubos nila itong kilala at alam nilang hindi magagawa ito ni Tome. Matapos ang pagpupulong ng mga tagapagtanggol ay nagsipagbalik na sila sa kani kanilang silid upang magpahinga.
Sa kabilang dako, inutusan ni Balkan si Tome na magbalik sa Adaro upang patayin ang lahat ng tagapagtanggol pati na ang Hirang Adaro upang matiyak ang katapatan nito sa Hesron.
BINABASA MO ANG
Hirang
FanfictionKung ikaw ba ay magiging isang tauhan sa libro maspipiliin mo bang maging bida o kontrabida? Kung ang pagganap mo naman ay kapalit ang mabigyan ka ng tatlong kahilingan? Ano ba ang maspipiliin mo ang pag ibig o ang itinalaga sayo? Ito ay kwento ng d...