Hirang Sadi

16 4 0
                                    

*** Sa daigdig nina Mia at Julie

" Diane libro ng Ang Misteryong Alamat" mga salitang sinaliksik ni Kenji sa google matapos niyang mabasa ang kaganapan sa pagsiwalat ng Hirang Sadi na nagngangalang Diane kaugnay sa librong Ang Misteryong Alamat.

Dito ay kanyang natuklasan ang bali balita na ang sikat na Robinsons Mall ay pagmamay ari ng nagngangalang Diane Gokongwei na ayon sa kanyang nabasa na ang swerte nito sa negosyo ay nanggaling sa isang libro. Agad sinaliksik ni Kenji ang buhay ni Diane Gokongwei.

Si Diane Gokongwei ay naintriga na nagkaroon ng kambal na anak at ang isa dito ay isang taong ahas. Sinasabi na ang anak niyang taong ahas ay tinatago niya sa loob ng basement ng Robinsons Mall. Naging tampulan ng takot ito lalo na sa mga kababaihan. Kumakalat kasi na ang lahat ng fitting room at cr ng mall ay may lagusan papunta sa basement kung saan maraming babae daw ang nawawala dahil ginagawang pagkain para sa taong ahas na anak ni Diane.

Natuklasan rin niya na si Diane Gokongwei ay anak ni Paul John Gokongwei na matalik na kaibigan ng ama ni Haida na siyang unang Hirang ang Hirang Meno.

Sa kanyang pangamba ay agad tinawagan ni Kenji ang numerong nakita niya sa website upang makausap si Diane habang binabasa parin niya ang libro.

" Magandang gabi po! Pwede ko po sanang makausap si Ma'am Diane pakisabi na hawak ko ang Ang Misteryong Alamat." malugod na sabi ni Kenji sa sumagot sa numerong nakalagay sa website ng Robinsons Mall.

" Hello, sino to? anong kailangan mo sa mommy ko? Bakit nasayo ang librong iyan?" tanong ng lalaking sumagot sa telepono.

" Ah ako si Kenji. May importante lang sana akong itatanong sakanya tungkol sa libro. Nasan ba ang mommy mo? Maaari ko ba siyang makausap?" pakiusap ni Kenji.

" Si Theo ito, ang anak niya. Ngayon ay nasa malubhang lagay ang mommy ko. Sinagot ko ang tawag mo dahil akala ko ay kamag anak ka namin na papunta na dito. Pero matagal nang hinahanap ni Mommy ang librong iyan. Maari mo bang dalhin yan dito?" sagot ni Robinson.

" Ganun ba? Sige ngayon din ay aalis na ako. Itext mo nalang sakin ang lugar kung nasaan kayo." sabi ni Kenji at ibinigay ang kanyang contact number sa kausap.

Agad tinungo ni Kenji ang lugar ng ospital na kinaroroon ni Diane.

" Mabuti ay nakarating ka. Dala mo ba ang libro?" naniniyak na sabi ni Theo.

" Oo dala ko. Bakit ano bang nangyari? Nasan naba ang Mommy mo?" mariing tanong ni Kenji.

" Bigla na lamang siyang nanghina eh  halos tatlong araw na ang nakakalipas. Kahit anong suri ng doktor ay hindi nila maipaliwanag kung anong karamdaman niya." paliwanag ni Theo.

" Patawarin mo ako, ngunit ano bang maitutulong ng librong ito? Bakit gusto mong dalhin ito sakanya?" mariing tanong ni Kenji.

" Narito kasi sa loob ng librong ito ang aking ama. Magmula ng higupin ng librong ito ang aking kakambal ay hindi na kailanman pa gustong hawakan ito ni Mommy. Subalit makalipas ang labing limang taon ay bigla na lamang nagbago ang isip niya. Kung saan saan niya hinanap ang librong ito subalit hindi na niya ito makita. Sigurado ako na magiging masaya siya at baka bumuti pa ang kanyang lagay kung sakaling ibigay ko ito sakanya." paliwanag ni Theo.

" Anong sabi mo? hinigop ng librong ito ang kakambal mo? diba taong ahas ang kakambal mo?" takang tanong ni Kenji.

" Ahhaha naniniwala ka rin pala sa kwento kwentong kumakalat na yon. Walang katotohanan ang mga balitang iyon. Kahit nga si Alice Dixson ay walang patunay sa binibintang niyang dinukot siya sa fitting room. Ginawa lang siguro yun ng mga kalaban namin sa negosyo upang siraan kami." paliwanag ni Theo.

" Kung gayon ay nasa daigdig ng Misala ang iyong kakambal?" mariing tanong ni Kenji.

" Paano mong alam ang lahat ng iyon?" gulat na gulat na sabi ni Theo.

" Naroon din kasi ang nakababata kong kapatid. Tatlong araw na rin ang lumipas nang siya ay higupin papasok ng libro." paliwanag ni Kenji.

" Anong sabi mo? panibagong hirang na naman ang naitalaga kagaya ng aking ina?" tanong ni Theo nang mabigla sa sinabi ni Kenji.

" Ganun na nga. May alam kaba sa kwento ng iyong ina? Gusto ko sana malaman para matulungan ko aking kapatid." mariing tanong ni Kenji.

" Ganito ang kwento sakin ni Ina...." paumpisang kwento ni Theo kay Kenji.

Ang lolo ni Theo na si Paul John Gokongwei ay kababata at matalik na kaibigan ng sumulat ng librong Ang Misteryong Alamat. Si Paul John lamang ang pinagkakatiwalaan ng matalik niyang kaibigan na ito. Dahil dito ay siya ang binilinan ito upang mag ingat at magtago ng librong Ang Misteryong Alamat. Hindi naniwala si Paul John sa mga kwento at babala ng kanyang matalik na kaibigan. Subalit sinunod parin naman nito ang utos na itago at ingatan ang libro. Ito ay kanyang inilagay sa isang kahon at kinandado sa tambakan ng kanilang mga lumang gamit. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahikayat si Diane  ang ina ni Theo at bunsong anak ni Paul John na buksan ang kahon at basahin ang libro dala ng mapusok na pagtawag ng bathalumang Sadi.

Si Diane ay hinigop papasok ng libro at itinalaga na maging Hirang Sadi. Dito niya nakilala si Otan na isa sa mga tagapagtanggol ng Sadi. Lubos siyang umibig dito habang napagtagumpayan naman niyang matipon ang mga tagapagtanggol at matawag ang bathalumang Sadi. Sa pagkakataon na iyon ay una niyang hiniling na magkaroon ng kasaganahan at kaunlaran sa kagubatan ng Sadi. Maingat na inisip ni Diane ang kanyang mga kahilingan. Pangalawa niyang hiniling na magsama at magkatuluyan sila ni Otan sakanyang daigdig subalit hindi ito nagawang tuparin ng Bathalumang Sadi dahil hindi sakop ng kapangyarihan nito ang ibang daigdig.

Gayun pa man naging mainit parin ang pag iibigan nila Diane at Otan at sila ay nagpakasal sa Misala. Si Otan ang ginawa ni Diane na tagabantay at tagapangalaga ng kwintas ng pagsamo dahil sakanya lamang ito nagtitiwala at umaasa ito na makakabalik pa siya sa Misala upang si Otan ang kanyang unang makita kung sakaling higupin muli ito pabalik sa kanyang daigdig.  Hindi nga nagtagal ay unti unting nanghina si Diane dahil hindi angkop ang kanyang katawan sa daigdig ng Misala at hindi na nito kaya mamuhay ng matagal doon. Dahil dito ay nagpakamatay si Otan upang sapilitang bumalik si Diane sa kanyang daigdig para wala na siyang maging rason pa upang mamuhay sa Misala.

Matapos nito ay hiniling ni Diane na siya ay magbalik sa kanyang daigdig bilang kanyang pangalawang hiling. At ang kanyang naging huling hiling ay ang maging matagumpay at maging marangya ang kanyang pamumuhay.
Dito nabiyayaan si Diane ng samut saring swerte nakapagtayo siya ng isang negosyo na ngayon ay kilala bilang Robinsons Mall. Subalit lingid sa kanyang kaalaman ay nagbunga ang pagmamahalan nila ni Otan at kambal ang kanilang supling. Pinangalanan niya itong Theo at Robinson.

Matapos lamang manganak ay muling binuksan ni Diane ang libro. Dito niya nabasa na buhay pa ang kanyang pinakamamahal na si Otan ang tatay ng kanyang kambal. Pinilit bumalik ni Diane sa loob ng libro subalit sa hindi inaasahan ay ang isa niyang anak ang hinigop ng libro papasok sa loob nito habang kalong kalong niya ito.

" Nagmakaawa, nag iiyak, nagsisisi si Mommy kung bakit niya pa binuksan muli ang libro. Ilang taon na rin siyang nangungulila sa kakambal kong si Robinson. Dahil kahit anong gawin niya hindi na niya maibalik pa ang kakambal ko o kahit makabalik din siya sa daigdig ng Misala." pagtatapos ng kwento ni Theo kay Kenji.

" Kaya ba Robinson ang pangalan ng Mall niyo kasi nangungulila ang mommy mo dito?" tanong ni Kenji.

" Ganun na nga. Pinagbawalan nga rin ako ni Mommy na hawakan o buksan ang librong yan dahil baka higupin din daw ako eh. Kaya sa pagkakaalam ko ay tinapon na niya iyan dahil kahit anong sunog at sira ang gawin niya ay nanunumbalik ito." paliwanag ni Theo.

" Sige ako na lamang ang magdadala nito sa iyong mommy. Tara samahan mo ko, saan ba ang kwarto niya?" pagyaya ni Kenji kay Theo para puntahan na si Diane.

Agad namang sinamahan ni Theo si Kenji patungo sa kwarto ng kanyang ina.

HirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon