Ang Kweba ng mga Sirena

18 4 1
                                    

Sa pagkakataon na gagamitin na ni Gamor ang pagtanggal ng Hininga at sa pagpapaalam ng limang tagapagtanggol nang nakahawak sa nanghihingalo at sunog na sunog na katawan ni Neri. Bigla na lamang naglinawang ang purselas ni Ikoy at ang singsing ni Gamor na siyang bigay ni Mata sakanila.

" Anong nangyayari? unti unting nanumnumbalik at naghihilom ang katawang lupa niya?" gulat na gulat na sabi ni Haring Arden.

" Sa tingin ko ay dahil ito sa pinagsama naming kapangyarihan ni Gamor. Maraming salamat Ina! Maraming salamat sa purselas na handog mo!" masayang sabi ni Ikoy sa mga kasama.

Ang purselas ni Ikoy ay nagbigay kakayahan sa kapangyarihan niya na magpanumbalik ng kahit anong bagay maliban sa kanyang kapangyarihang maglaho at sumulpot. Ang singsing naman ni Gamor ay nagbigay kakayahan sa kapangyarihan niyang maghilom ng mga sugat. Sa pinagsamang kapangyarihan nila ay muling nanumbalik at naghilom ang sunog sa buong katawan ni Neri. Bumalik na ang dating ni Neri at bumungad sa mga tagapagtanggol ang hubad na katawan nito kung saan nalaman ng lahat na siya ay isa palang lalaki.

" Napakamatipuno pala ni Neri. Kapag siya ay tinitigan mo ay hindi makakailang masmagandang lalaki pa siya sa atin." pabirong sabi ni Nyebes.

" Ngayong alam niyo na ang tunay niyang pagkatao. Sana ay ganun parin ang maging turing niyo sakanya. Mabuting tao si Neri sinakripisyo niya ang buhay niya upang iligtas tayong lahat." paliwanag ni Haring Arden sa mga kasama.

" Mahinang mahina pa ang katawan niya. Hindi na natin siya maaaring isama sa paglalakbay." mungkahi ni Gamor habang sinusuri ang wala paring malay na si Neri.

" Kung gayon ay babalik na kami sa palasyo ni Neri upang doon na siya magpalakas. Upang matiyak ko na rin anong ginagawa ng huwad na hari doon hindi magtatagal ay baka mahalata sila dahil ito ay mga aso at pusa lamang. Ako na lamang ang magpapanggap muling hari at hahalili upang pamumunuan ang Adaro." mungkahi naman ni Ikoy.

Pumayag naman ang hari sa mungkahi ni Ikoy. Mabilis niyang isinaayos ang kanyang sombrero upang gawing lagusan pabalik ng palasyo.

Pagka alis ng dalawa ay naghanda na rin sina Haring Arden, Gamor, Nyebes at Musmus upang maglakbay na patungong kweba ng mga sirena. Habang si Nyebes naman ay bitbit ang pares ng sapatos ni Neri at titiyaking maibibigay ito kay Mia na bilin ni Neri sakanya.

Sa kabilang dako, sina Mia at Tome naman ay nakarating na sa unahan ng Kweba ng mga sirena. Dito nila hihintayin ang mga kasama dahil ito ang naging usapan nila ni Neri na hindi sila papasok ng kweba hanggang hindi sila kompleto.

" Hira Mia, totoo bang isa lamang akong tauhan sa libro?" mariing tanong ni Tome.

" Ah,eh. hindi ko rin maipaliwanag eh libro kasi ang naging daan upang makapasok ako rito sa mundo ng Misala. Makaibang mundo kasi ang ating ginagalawan eh!" paliwanag ni Mia.

Ngunit sa pag uusap nila habang naghihintay ay bigla na lamang silang nilusob ng mga syokoy na nagbabantay sa harapan ng kweba.

" Tome, natatakot ako!" pabulong na sabi ni Mia kay Tome.

" Wag kang matakot Hira Mia, hinding hindi kita pababayaan." sagot ni Tome.

" Sino kayo? bakit kayo narito ?" tanong ng pinunong syokoy sa dalawa.

" Wag kayong mag alala, narito kami upang hanapin ang kwintas ng pagsamo hindi gulo ang dala namin." paliwanag ni Tome.

" Anong sabi niyo? hinahanap niyo ang kwintas? umalis na kayo, mahigpit na binabantayan ng mga tagapangtanggol ng Meno ang kwintas." sagot ng pinunong syokoy.

" Ngunit hindi kami aalis hanggang hindi namin dala ang kwintas kailangan namin ito upang matawag ang aming bathalumang Adaro." matapang ng paliwang ni Mia.

" Kung gayon ay mga kalaban nga kayo. Lusubin sila!!!" sigaw ng pinunong syokoy.

Magiting na pinrotektahan ni Tome si Mia at nasupil niya ang mga lumusob na mga syokoy subalit matapos nito ay madami at ilang batalyon na syokoy pa ang paparating.

" Hira Mia, lubhang napakarami nila hindi ko na ito kakayanin kung ako lamang mag isa." pabulong na sabi ni Tome kay Mia.

Akma na sanang tatakas ang dalawa dahil sa ilang batalyong syokoy na susugod sa kanila nang bigla na lamang lumitaw ang isang palaso na umiilaw na isang isa sumipil sa ilang batalyong syokoy.Dito nila natanaw ang apat pang tagapagtanggol ng Adaro na sina Haring Arden, Nyebes, Gamor, at Musmus.

" Mabuti na lamang at dumating kayo. Hindi ko na alam ang gagawin dahil ilang batalyon ang lulusob sa amin at mag isa lamang ako." pasasalamat ni Tome.

" Napakahiwaga ng palasong binigay sakin ni Mata. Natanaw na kayo ni Nyebes sa kalayuan at sa isang tira ng aking pana ay nakakaya ng palaso na sumunod nang aayon sa kampay ng hangin na nilikha ko kaya naubos ko ang ilang batalyon ng syokoy na lumulusob sa inyo." paliwanag ni Haring Arden.

" Pero nasan naba si Neri pati si Ikoy? Bakit hindi niyo siya kasama? mabuti na lamang ay naabutan kayo ni Neri at hindi na kayo tumuloy papunta sa baybayin ng maninisid." mariing tanong ni Mia.

" May masamang nangyari kay Neri. Sunog na ang kanyang buong katawan ng siya ay makapunta samin upang sabihin na mali ang landas na aming tinatahak. Iniligaw kasi kami ng mga pirata ang sabi nila kay Nyebes inilipat na ng mga sirena ang kwintas sa baybayin ng mga maninisid dahil marami na ang nagtatakang kumuha ng kwintas. Subalit wag ka nang mag alala sa tulong ng purselas at singsing nina Ikoy at Gamor ay nanumbalik at naglihom ang kanyang mga sugat. Pinabalik na namin sila ni Ikoy sa palasyo upang doon na siya magpagaling." paliwanag ni Haring Arden.

" Mabuti naman subalit nag aalala parin ako para sakanya. Sana ay bumuti na ang kanyang kalagayan. Maraming na talagang natulong satin ang mga kagamitang bigay satin ni Mata. Nagpapasalamat ako at naisalba rin nito ang buhay ni Neri." pasasalamat ni Mia.

" Hira Mia, ito pala ang pares na sapatos na bilin sakin ni Neri na ibigay sayo." sabi ni Nyebes habang inaabot ang pares ng sapatos kay Mia.

" Kasyang kasya sa akin ah parang hinulma ang mga paa namin ni Neri. Kahit na wala siya rito ay ramdam ko naman ang presensya niya suot ang pares ng sapatos na ito." masayang pagsuot ni Mia ng pares ng sapatos ni Neri.

Matapos nito ay agad pumasok ang hirang at mga tagapagtanggol ng Adaro sa loob ng kweba.

Maraming magagandang tinig ang kanilang naririnig sa loob ng kweba. Tila isang konsyerto kung saan nag sisipag awit ang mga sirena. Bigla na lamang natulala si Nybes na siyang nauuna sa grupo.

" Ang mga tinig ay may enerhiyang nakakatanggal ng ulirat." sigaw ni Haring Arden sa mga kasama at agad itong gumawa ng isang ipo ipo kung saan sila ay nasa gitna nito upang maging pananggala sa mga tinig na nakakapagpatulala ng sino mang makarinig dito.

" Wala na siya sakanyang sarili, hindi ko lubos maisip anong nangyayari sakanya dahil tumutulo rin ang kanyang laway." paliwanag ni Gamor habang sinusuri ang tulalang si Nyebes.

" Kung gayon ay hindi ko tatanggalin ang pananggalang ipo ipong ito hanggang mahanap natin ang kwintas." mungkahi ni Haring Arden.

Sa patuloy na paglalakad ay nakarating na sila sa isang talon na bumubos ng malakas ang tubig na tila isang lagusan.

" Haring Arden, ano na ang ating gagawin? hindi natin alam anong meron sa likod ng talon na iyan." natatakot na sabi ni Mia.

" Huwag kayong mag alala. Ako nang bahala upang makatagos tayo diyan." paliwanag ng Hari sa mga kasama.

Gumawa ng isa pang ipo ipo si Haring Arden at kanyang hinati sa gitna ang tubig na malakas na umaagos sa talon. Dito bumungad ang mga sirena kung saan dito nanggagaling ang mga tinig na tila isang konsyerto.

HirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon