Ang Kabilugan ng Buwan

14 3 0
                                    

" Anong nangyari? Hindi!"hangos ni Mia ng siya ay magising at makitang wala na siyang saplot.

Agad nagbihis si Mia ng makita niya ang mga damit niya na nakakalat at natulala na lamang sa mga nangyari.

" Hindi...Hindi maaari to!" mga salitang paulit ulit ni binigbigkas ni Mia habang hinahanap si Balkan sa silungan. Wala siyang taong nakita roon kaya mabilis siyang tumakas habang patuloy na lumuluha ang kanyang mga mata.

Hindi alam ni Mia ang kanyang gagawin. Hindi niya alam kung saan pupunta. Hanggang pumasok na lamang sa isip niya na magpakamatay dahil wala ng saysay kung mabubuhay pa siya. Hindi na siya maaari maging Hirang dahil wala na ang pagkabirhen niya. Hindi na rin siya tatanggapin ni Tome dahil pinagtaksilan niya ito. Hindi na siya makababalik pa sakanila dahil galit sakanya si Julie. Ang pagpapakamatay lamang ang naging tanging niyang magagawa upang matapos na ang lahat.

Nagtatakbo si Mia hanggang makarating siya sa matarik na bahagi ng kabundukan. Dito siya kusang tumalon upang kitilin ang kanyang sariling buhay.

*** Sa kapatagan sa pinakamababang bahagi ng Sadi

" Nasan ako? Anong nangyari? Bakit buhay pa ako?" mahinang sabi ni Mia habang tumulo na naman ang luha sa kanyang mga mata.

" Bakit ka umiiyak Hira Mia? Ano bang nangyari sayo?" mariing tanong ng lalaki na nagligtas sa kanya sa pagkahulog niya sa matarik na kabundukan.

" Buhay ka pa pala Ramil. Nasan ako? Papaanong nabuhay pa ako sa pagtalon ko?" tanong ni Mia.

" Nakita kitang walang malay sa patubigan ng palayan. Maswerte ka rin kagaya ko. Ako rin ay nakaligtas matapos kong tumalon sa dulong himpapawid ng Adaro. Narito tayo ngayon sa kapatagan sa pinakamamababang bahagi ng Sadi. Ano bang nangyari sayo? bakit ka tumalon?" paliwanag ni Ramil.

" Ganun ba? Mapalad paba ako? eh wala ng saysay ang buhay ko." umiiyak na sabi ni Mia.

" Kung hindi mo mamarapatin ay maari mo namang sabihin sakin ang problema mo Hira Mia. Lahat ng problema ay may solusyon.Siya nga pala, humihingi ako ng tawad sa nagawa ko, kung hindi dahil sakin ay paniguradong natawag mona ang bathalumang Adaro. Utos lamang iyon ni Balkan at wala na akong magawa dahil papatayin niya daw ang aking kakambal kapag hindi ko siya sinunod. Kaya kahit nakaligtas ako ay maspinili ko nalang na mamuhay dito kasama ang bago kong pamilya na nagligtas at kumupkop sa akin. Ang pagtiwalag ko sa Hesron ang pinakatama kong ginawa sa buhay ko." paliwanag ni Ramil kay Mia.

" Kalimutan mona yun. Kalimutan mona rin na hirang ako. Kailanman ay hindi na ako magiging hirang at hindi ko na matatawag pa ang bathalumang Adaro." umiiyak na sabi ni Mia.

" Ano bang nangyari Hira Mia? Baka maari kitang matulungan gamit ang kapangyarihan ko?" mariing tanong ni Mia.

" Matutulungan mo lamang ako kung makakalimutan ko ang lahat ng nangyari sakin. Gusto kong tanggalin ang lahat ng alaala ko para hindi ko na maramdaman ang bigat sa kalooban ko." paliwanag ni Mia.

" Huwag kang mag alala Hira Mia gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang matulungan ka." pagpapagaan ng loob ni Ramil habang iniisp na gamitin ang tunog ng kanyang plawta upang burahin ang lahat ng mapapait na alala ni Mia.

Sa kabilang dako naman sa lugar din ng kapatagan ay natagpuan ang walang malay na si Tome ng mag asawang matanda.

" Gising kana pala. Maswerte ka wala kang bali at mababaw lamang ang mga sugat na natamo mo sa pagkahulog." pagbati ng isang matandang lalaki kay Tome.

" Nasan po ako? Nasan po ang mga kasama ko? " nag aalalang tanong ni Tome.

" Mag isa ka lamang nung ikaw ay aming natagpuan sa patubigan ng palayan. Narito ka ngayon sa kapatagan sa pinakamababang bahagi ng Sadi." paliwang ng matandang lalaki.

" Ano pala ang iyong pangalan? Napansin ko ang markang dragon sa iyong noo. Isa kang tagapagtanggol ng Adaro kaya pala napakakisig mo marahil ay madami ka ng napaiyak na babae." tanong ng isa pang matandang lalaki.

" Ako po pala si Tome at opo tama kayo isa po ako sa tagapagtanggol ng Adaro. Maraming salamat po sa pagsagip ninyo sakin. Utang ko po sa inyo ang aking buhay. Subalit kailangan ko na pong umalis nasa panganib po ang mga kasama ko." mariing sagot ni Tome.

" Ako si Poy at ito naman ang asawa kong si Teng. Masaya kaming makilala ka Tome. Ngunit hindi kapa maaaring umalis. Hindi pa kaya ng iyong katawan. Mabuti pa ay dito kana muna magpagaling. " mungkahi ni Poy kag Tome.

" Ano pong sabi mo? mag asawa po kayo? eh parehas po kayong lalaki ah?" gulat na tanong ni Tome matapos magpakilala ang dalawang matanda.

" May problema ba kung parehas kaming lalaki? nagmamahalan kami at walang masama doon." paliwanag ni Poy.

" Ah, eh! ngayon lang po kasi ako nakakita ng dalawang lalaki na mag asawa. Ipagpaumanhin niyo po ang aking naging reaksyon." paghingi ng tawag ni Tome sa mag asawang matanda.

Wala nang iba nagawa si Tome kundi ang magpagaling dahil mahina pa ang kanyang katawan sa pagkakahulog. Malugod siyang pinagsilbihan ng matandang mag asawa at patuloy nitong inusisa ang kanyang pagiging tagapagtanggol ng Adaro.

Samantala sa tahanan ni Ramil ay buong araw niyang pinagsilbihan si Mia at mapapansin ang matinding pag aalaga nito sakanya. At nang kinagabihan ay sumapit na ang kabilugan ng buwan.

" Hira Mia, ngayong gabi ay malakas ang potensyal na kapangyarihan ko dala ng kabilugan ng buwan. Patutugtugin ko ang aking plawta upang mapagaan ang iyong kalooban." mungkahi ni Ramil dahil plano niyang burahin ang mapapait na alaala ni Mia upang mawala na ang sakit na nararamdaman nito.

Hanggang sa mga oras na iyon ay tulala parin si Mia at ang tanging naging sagot niya kay Ramil ay ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Marahang pinatugtog ni Ramil ang kanyang plawta upang hipnotismohin si Mia at burahin ang ala ala nito. Matapos nito ay nagpakilala siyang asawa ni Mia.

" Sana ay hayaan mo akong maging asawa mo. Hayaan mo akong punan at kulayan ang walang saysay mong buhay. Bigyan mo lamang ako ng pagkakataon Hira Mia, pangako ko na ikaw ay aking paliligayahin sa muling pag asa ng iyong buhay." sambit ni Ramil sakanyang sarili dahil may matinding lihim na pagtingin ito kay Mia mula pa noong makilala niya ito ng lubos sa kanyang pagpapanggap bilang huwad na tagapagtanggol ng Adaro.

Nakatulog na si Mia sa pagkakarinig ng tunog ng plawta ni Ramil. Ito rin ang hudyat na nagtagumpay si Ramil na burahin ang alaala ni Mia. Kinabukasan ay maagang nagising si Mia.

" Mari mahal ko,gising kana pala. Kamusta na ang iyong pakiramdam?" mariing tanong ni Ramil matapos baguhin ang pangalan ni Mia at nagpakilalang asawa nito.

" Okay naman ako mahal ko. Gusto ko na sana lumabas dito upang makalanghap na ako ng sariwang hangin. Maari mo ba akong samahan mahal ko?" pangkukumbinsi ni Mia sa akala niyang asawa na si Ramil.

Wala nang nagawa pa si Ramil dahil nagpumilit si Mia lumabas. Agad niya itong dinala sa palayan at sila ay nagharutan bilang mag asawa.

" Mari mahal ko, wag kang lumayo ah. Sandali lamang at kukuha ako ng ating makakain." pagpapaalala ni Ramil kay Mia at mabilis itong bumalik sa kanilang tahanan upang kumuha ng pagkain.

Sa hindi kalayuan ay naglalakad lakad si Tome na may benda parin sa kanyang braso dala ng kanyang pagkahulog.

" Hay, hanggang kailang kaya ako rito. Nangungulila na ako sa mahal kong si Mia eh." agam agam ni Tome habang pinagmamasdan ang palayan.

Hindi napansin ni Mia na siya ay nakalayo na habang sinusundan ang isang ibong maya sa palayaan kung saan naroon din si Tome at makalipas lamang ang minuto ay sila ay nagtagpo.

" Hira Mia? Anong ginagawa mo dito? 
Nasan na sila Haring Arden?" mariing tanong ni Tome habang gulat na gulat ng makita si Mia.

Nagkatinginan ang dalawa at agad namang niyakap ng mahigpit ni Tome si Mia.

HirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon