" Julie?" bulong na tanong ni Tome sa isang babaeng nakahiga sa kama matapos niyang pasukin ang isang silid sa loob ng palasyo ng Hesron sa paghahanap niya kay Mia.
" Ikaw nga Julie? Nagkita naba kayo ni Hira Mia? tanong ulit ni Tome ng tumingin sakanya si Julie at bumangon na sa pagkakahiga.
" Tome ? Anong ginagawa mo dito? Wala dito si Mia. " palit na tanong ni Julie kay Tome.
" Tama nga ang hinala niya na nandito ka sa Hesron Julie. Paanong hindi pa kayo nagkita eh pinuntahan ka niya rito? " paglilinaw na tanong ni Tome.
" Ganun ba? Nagkita na kami pero hinuli siya ni Balkan at hindi ko alam kung nasan na siya. Iniwan niya na ako dito kaya wala na akong pakialam sakanya." sagot ni Julie.
" Anong sabi mo? Wala ka man lang ginawa sa matalik mong kaibigan para iligtas siya? Paano kung napahamak na si Hira Mia? " galit na wika ni Tome habang palabas na ng kwarto.
" Sandali lamang Tome, hindi kaba natatakot kay Mia? Siya ang isinumpang hirang. Siya ang wawasak sa Daigdig ng Misala." pagpigil ni Julie kay Tome.
" Hindi totoo yan. Marahil ay ikaw ang isinumpa hindi si Hira Mia. Nagtitiwala ako sakanya. Kahit siya man ang isinumpa ay mahal na mahal ko parin si Hira Mia at kahit anong mangyari ay poprotektahan ko siya." pahayag ni Tome.
" Hindi mo ba naalala nang iniligtas mo kami sa mga tulisan. Ako yung babaeng nagpakilala sayo. Ako ang unang nakakita sayo. Magmula noon ay minahal na kita Tome. Lalo na noong binabasa ko pa lamang ang libro ay umiigting na ang nararamdaman ko sayo Tome." nangingiyak na sabi ni Julie kay Tome.
" Anong libro? Bakit minahal mo ko ako sa pagbabasa mo? Oo, natatandaan ko yun subalit si Hira Mia lang ang tanging minahal ko simula noong nakita ko kayong dalawa. " takang sabi ni Tome.
" Ikaw ay isang tauhan lamang sa libro sa daigdig namin ni Mia. Sa pagbabasa ko ng libro ay naramdaman ko maigting na pagmamahal ko sayo. Pinuntahan ako ni Mia dito dahil gusto na niyang bumalik sa daigdig namin. At wala na siyang pakialam sa pagmamahal mo sakanya. Subalit hindi ako pumayag dahil sayo Tome, dahil mahal kita. Matagal na kitang pinapahanap sa mga kawal subalit palagi kang nanlalaban at hindi nakikinig sakanila. Kailanman ay hindi na ako babalik sa aming daigdig. Kaya Tome ako nalang ang mahalin mo, wag na si Mia. Hinding hindi kita iiwan Tome kahit isa ka lamang tauhan sa libro." paglalabas ng damdamin ni Julie kay Tome.
" Nasisiraan kanaba? Mahal ako ni Hira Mia at kailanman ay siya lang din ang mamahalin ko. Sige na, aalis na ako hahanapin ko siya." paliwanag ni Tome.
" Tome pakiusap mahal na mahal kita. Pagsisisihan mo pag si Mia ang pinili mo. " sabay yakap ng mahigpit kay Tome.
Habang niyayakap ng mahigpit ni Julie ay bigla na lamang umilaw ng kulay pula ang batok ni Tome. Nakaramdam ng matinding init si Julie kaya bumitaw ito sa pagkakayakap.
" Tome? Anong nangyayari? bakit may marka ka ng dragon sa iyong batok? Isa kaba sa aking tagapagtanggol? " tanong ni Julie kay Tome habang manghang mangha sa nakita.
" Anong pinagsasabi mo? Tagapagtanggol ako ng Adaro at hindi ng Hesron." sabi ni Tome habang hindi matanggap ang nasaksihan.
Sa pagkakataon na iyon ay biglang dumating si Balkan at agad ginamitan ng salamangkang itim si Tome.
" Sandali lang Balkan. Huwag mo siyang sasaktan. Isa siya sa tagapagtanggol ng Hesron." pagpigil ni Julie kay Balkan habang akmang sasalakayin siya ni Tome.
" Wag ka mag alala Hira Julie. Hindi ko siya papaslangin. Hindi ba siya ang minamahal mo? Ako nang bahala sakanya. " sagot ni Balkan.
Naglaban ang dalawa subalit hindi mapailaw ni Tome ang kanyang markang ibon sa noo kaya hindi niya magamit ang kanyang pambihirang lakas bagkus ay ang pulang ilaw sa kanyang batok na may markang dragon ang patuloy na nagbibigay init sa kanyang katawan. Hindi nakayanan ni Tome ang init na ito at siya ay tuluyang nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Hirang
FanfictionKung ikaw ba ay magiging isang tauhan sa libro maspipiliin mo bang maging bida o kontrabida? Kung ang pagganap mo naman ay kapalit ang mabigyan ka ng tatlong kahilingan? Ano ba ang maspipiliin mo ang pag ibig o ang itinalaga sayo? Ito ay kwento ng d...