Ang Pagsamo sa Bathalumang Hesron

11 3 0
                                    

*** Sa palasyo ng Hesron

" Binabati kita Hira Julie dahil matagumpay nating nakuha ang mga kwintas ng pagsamo. Mamamayang kabilugan ng buwan ay isasagawa na natin ang ritwal kaya ihanda mona ang iyong sarili." pagbati ni Balkan kay Julie.

" Nararapat lang na magtagumpay ako dahil marami akong sinakripisyo makuha lang ang mga kwintas na ito. Pero nakatitiyak kabang hindi tayo pipigilan at guguluhin ng mga Adaro? Kinakabahan ako mamaya ay maudlot din ang pagtawag ko kagaya ng nangyari kay Mia." pag alala ni Julie.

" Nakatitiyak akong kampante sila lalo na at hawak nila ang pekeng kwintas na binigay mo. Hindi rin sila maghihinala dahil naroon si Lahar upang magpanggap na ikaw. Kaya huwag mo sana akong bibiguin sa ating kasunduan na gawin akong pinakamakapangyarihan sa Misala." paniniyak ni Balkan.

Lahat ng ito ay plano ni Balkan. Pinilit niyang magpanggap si Julie na bumaliktad na sakanya at tinalikuran na ang pagiging Hirang Hesron. Pinaniwala nilang si Julie ay nagsisisi sa kanyang mga nagawa at umarte itong kaanib na ng Adaro upang matagumpay na makuha ang kwintas ng Sadi. Ang pekeng kwintas na binigay ni Julie kay Mia ay likha ng itim na salamangka ni Balkan upang maging kawangis talaga nito ang kwintas. Sa mga pagkakataon na ginagamit ni Mia ang kapangyarihan nito habang kasama si Julie ay si Julie talaga gumagamit ng kwintas. Napag aralan at natuklasan na ni Julie ang potensyal na kapangyarihan ng kwintas ng pagsamo ng Meno kaya madali niya itong nagagamit. Ginawa niyang anyong likido ang kwintas at ito ay isinilid niya sa garapon nang sa gayon ay hindi ito mapansin nila Mia. Matapos naman makuha ni Mia ang kwintas ng pagsamo ng Sadi ay plano talaga silang lusubin nila ni Balkan upang makuha ni Julie ang kwintas kay Mia dahil alam nila na hindi pa nito lubos kayang gamitin ang potensyal na kapangyarihan ng kwintas kaya ito ay ipagkakaloob muna kay Julie dahil tanging mga hirang lamang ang maaaring maghawak nito at mahihirapan si Mia na gamitin ng sabay ang mga kwintas. Labis labis ang kaba rin ni Julie na baka ang pekeng kwintas ng pagsamo ng Meno ang ibigay sakanya ni Mia subalit nauto niya ito at siya ay nagtagumpay sakanyang plano. Matapos lubusin ni Balkan gamit ang salamangkang itim sila Mia ay agad tumakas silang dalawa ni Julie dala ang mga kwintas ng pagsamo. Habang naiwan naman si Lahar upang magpanggap na Julie para hindi maghinala sina Mia dito. Naging kampante ang lahat dahil imposibleng matawag ni Balkan ang Bathalumang Adaro dahil kasama nila Mia ang huwad na Hirang Hesron at hawak din nila ang pekeng kwintas ng pagsamo ng Meno.

Matapos masiwalat ang mga ito ay masamang masama ang loob ni Mia at labis labis ang galit niya kay Julie dahil pinagtaksilan siya nito. Marami siyang sinabi at ikinwento upang maging maayos ulit sila subalit hindi pala ito ang tunay na Julie kundi kay Lahar niya ito lahat nagawa. Ang buong akala ni Mia ay nagkapatawaran na sila at bumalik na ang pagiging matalik nilang pagkakaibigan subalit lahat ng ito ay puro pagpapanggap lamang. Tuluyan ng nilamon ng kasamaan at kasakiman ang dati niyang kaibigan nang dahil sa mga panloloko ni Balkan sakanya.

Sa pagkakataon na iyon ay nakarating na sila Mia, Tome at Ikoy sa palasyo ng Hesron dala ng lagusan sa sombrero ni Ikoy. Agad nilang nahanap si Julie na sinasagawa na ang ritwal habang si Balkan ay gumawa ng salamangkang itim na pananggala at proteksyon upang walang gumambala dito.

" J...Julie " sigaw ni Mia matapos niyang makita si Julie ng nakasuot ng pulang bestida at ayos na ayos habang nakatayo ito sa tabi ng rebulto ng Bathalumang Hesron at kanyang suot suot ang mga kwintas ng pagsamo.

Sa kaganapang iyon ay nagliwanag ng kulay pula ang buong kapaligaran hanggang kaitaas taasan. Walang ng nagawa pa sila Mia, Tome at Ikoy dahil huli na ang kanilang pagdating hindi na rin nilang magawa pang pigilan ito dahil sa pananggalang gawa ni Balkan.

Tuluyan nang natawag ni Julie ang Bathalumang Hesron. Habang nagniningning at nagliliwanag ang buong kalangitan ay isang dragong kulay pula ay bumaba galing dito. Mabangis at nanlilisik ang mata nito. Pagkababa nito ay sumanib ito sa rebulto na katabi ni Julie at nag anyong binata. Isang makisig at magandang lalaki na may pulang buhok. Ito na ang tunay na anyo ni Bathalumang Hesron ang nangangalaga sa apoy.

" Ikaw ba ang Hirang na tumawag sa akin mula sa kaitasaan? Binabati kita sa iyong tagumpay. Ngayon ay pagkakalooban kita ng aking mga kapangyarihan kasabay ng tatlong kahilingan aking Hirang." paliwanag ng Bathalumang Hesron kay Julie.

" Gayon ba? Ako rin ay malugod kang tatanggapin. Ngayon din ay ibibigay ko na ang aking unang kahilingan." sagot ni Julie.

" Kahit anong kahilangan ay ipagkakaloob ko sayo basta nasasakop sa potensyal kong kapangyarihan. Bigkasin mo ang Hesron ipagkaloob mo kadugtong ng iyong kahilingan." paliwanag ng bathalumang Hesron.

Agad naghanda si Julie upang ibigay na ang kanyang unang kahilingan. May kasunduan sila ni Balkan na ibibigay niya rito ang isa sa kanyang kahilingan. Ngunit nagdadalawang isip si Julie dahil nais niya sanang gamitin ang tatlong kahilingan. Nasa isip niya na ang unang hiling niya ay ang ibalik si Mia sa kanilang daigdig upang hindi na sila magkatuluyan pa ni Tome. Ang pangalawa naman ay maging mayaman ang kanyang Ina sa kanilang daigdig at ang huli ay ang iangkop siya sa Misala upang manatili dito kasabay ng kapangyarihan at pagmamahal ni Tome sakanya. Hindi niya alam na ang maaaring huli niyang kahilingan ay hindi sakop ng kapangyarihan ng bathaluman dahil hindi niya alam ang kwento ni Hira Diane at Otan.

Ngunit sa hindi kalayuan ay nakita niyang umiiyak si Mia habang kasama si Ikoy at habang yakap yakap ni Tome. Dahil dito ay mas naigting ang inis at galit niya kay Mia. Habang nag iisip siya ay nakita niya rin si Balkan na nanlilisik ang mga matang nakatingin sakanya na tila inuutusan siyang tuparin ang kanilang pinagkasunduan.

" Hesron ipagkaloob mong ilipat ang lahat ng kapangyarihan sa Misala kay Balkan." ang kahilingang binigkas ni Julie sa bathalumang Hesron.

" Matutupad Hirang. Sa susunod na ibibigay mona ang iyong natitirang mga kahilingan ay sambitin mo lamang ang " Hesron magpakita ka!". Paalam hanggang sa muli Hirang!" paliwanag ni Bathalumang Hesron at agad tinupad ang unang kahilingan ni Julie kasabay ng paglaho nito.

Matapos nito ay bumagsak sa sahig ang nanghihina si Julie. Nawalan ito ng malay at agad itong binuhat ni Balkan sa kanyang silid.

Habang si Mia naman ay tulala parin at hindi makapaniwala sa mga nasaksihan. Hindi kasi lubos maiisip ni Mia na matutupad ang kinatatakutan niya. Bilang huling Hirang na isinumpang wawasak sa Misala.

Sina Tome at Ikoy naman ay nakaramdam ng kakaibang panghihina. Nakita nilang naglaho na ang kanilang kapangyarihan at wala na rin ang kahit anong marka sa kanilang katawan.

Nang mailapag ni Balkan si Julie ay hindi maipinta ang ngiti nito. Nagtagumpay na siya sa kanyang mga plano. Labis ang kanyang kagalakan sapagkat naramdaman na niya ang paglipat ng lahat ng kapangyarihan sakanya. Ngayon ay siya na ang pinakamakapangyarihan sa daigdig ng Misala.

HirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon