"Hira Mia! Narito kami sa taas!" sigaw ni Haring Arden galing sa taas.
"Haring Arden! Papaano kayo napunta diyan? at sino yang nakayakap sayo?" tanong ni Mia habang nakatingala sa taas.
"Ako ba ang tinutukoy mo? Ako lang naman ang pinakamagandang mayordoma ng palasyong ito." sagot ng babae habang nagliliwanag ang kanyang mga paa at pababa sa kinaroroonan nila Mia at Tome.
"Nagliliwanag yang markang ibon sa iyong paa. Isa ka rin sa tagapagtanggol ng Adaro." masayang wika ni Mia sa babae.
"Gayon ba? Ikaw pala ang hirang. Mabuti at hindi ka nasaktan lalo na ang lalaking makisig at maginoo sa tabi mo." kinikilig na sabi ng babae habang nakatingin kay Tome.
"Ah oo ako si Mia at ito naman si Tome. Maraming salamat sa pagsagip mo sa ating Haring Arden." malugod na wika ni Mia.
"Responsibilidad kong tiyaking ligtas ang hari. Pero sa totoo lang ng makita ko ang ginawa ni Tome ay bumilib ako sakanya. Kaya nang gumuho ang kulandong ay agad kong sinagip ang hari dahil ayokong maparusahan si Tome. Kaya mahal na hari pwede bang huwag mo ng hatulan si Tome sapagkat alam ko naman na hindi niya sinasadya ang nangyari?" pagmamakaawa ng Mayordoma sa hari.
"Walang kaso yun sakin basta walang nasaktan sa atin. Hindi naman malaking pinsala ang pagkaguho ng kulandong subalit pagbabayarin ko si Tome sa lahat ng nasira niya." paliwanag ng Hari.
"Maraming salamat mahal na hari. Ako'y humihingi ng tawad at hindi ko tatakasan ang naging bunga ng mga ginawa ko. Magsisilbi ako sa palasyo upang mabayaran ko ang lahat ng nasira ko." malugod na sabi ni Tome sa hari.
"Kung gayon ay sige, mula ngayon ay isa kana sa mandirigma ng Adaro. Susunod ka sa lahat ng kautusan at batas dito." pagsang ayon ng Hari sa paghingi ng tawad ni Tome.
"Pasalamat ka Tome dumating ang babaeng ito. Pero teka ano bang pangalan mo?" tanong ni Mia sa babae habang nakatingin parin sa paa nito.
"Ah ako ba? Ako si Mayordomang Neri. Ako ang namamahala dito sa mga kababaihan sa palasyo. Itong markang ibon sa aking paa ay hindi ko pinakikita kanino man pero dahil nga nagliwanag na ito ay napansin niyo tuloy." paliwanag ni Neri sa mga kasama.
Si Neri ay isa rin sa mga tagapagtanggol ng Adaro na may markang ibon sa kanyang paa. May kakayahang siyang lumipad at bilis sa paggalaw. Tila isa siyang agila sa kanyang bilis at paglipad.
"Matagal kana dito Neri pero hindi ko akalain na isa ka rin pala sa mga tagapagtanggol. Maari kanabang sumama ngayon sa ating hirang upang tipunin pa ang mga ibang tagapagtanggol?" tanong ng hari kay Neri.
"Madami akong ginagawa dito sa palasyo kamahalan. At hindi ko ito pwede basta basta iwanan nalang. Patawad pero hindi ito ang kapalaran ko." paliwanag ni Neri sa hari.
"Hindi kita pipilitin sa iyong gusto. Nandiyan naman si Tome para samahan si Hira Mia at alam kong hindi siya nito pababayaan." sumbat ng hari at kita sa muka nito na siya ay nadismaya.
Nalungkot si Mia sa kanyang mga narinig. Kaya gagawin niya ang lahat upang makasundo si Neri dahil ito ay isa sakanyang mga tagapagtanggol. Kaya kinausap niya ng pribado si Neri kung anong pwede niyang gawin upang maging magkaibigan sila. Noong una ay hindi kombinsido si Neri sa nais na mangyari ni Mia subalit dahil naiibigan niya si Tome at malapit ito kay Mia ay nakipagkasundo rin siya dito.
"Gusto kong maging alipin ka ng palasyo nang sa gayon ay makita ko kung totoo ba ang intensyon mo at para makilala rin kita ng lubusan." pakikipagsundo ni Neri kay Mia.
" Yun lang ba? Kayang kaya ko yun. Ako nga palaging pinaghuhugas ni Mama ng pinagkainan namin eh." pagmamayabang ni Mia na hindi alintana kung paano siya pahihirapan ng Mayordomang si Neri.
Kinabukasan ay nagsimula na ang pagiging alipin ni Mia sa palasyo. Naging mahigipit ang Mayordomang si Neri sakanya at siya ay pinahihirapan.
Ang haring Arden at si Tome naman ay walang magawa dahil binalaan sila ni Mia na wag makikialam sa desisyon niya.
Marami ng naipakitang pagtitiyaga si Mia para makapalagayan ng loob si Neri subalit habang tumatagal ay hindi sila nagiging malapit kundi sina Tome at ang mayordoma ang nagkakamabutihan. Madalas kasing dinadalaw ni Mayordomang Neri si Tome sa kanyang silid at nagdadala ng masasarap na pagkain upang magpapansin dito. Samantala si Mia ay hindi naiibigan ang pagiging malapit ng dalawa. Kahit anong tanggi ni Mia sa kanyang nararamdam para kay Tome ay hindi niya maikakaila na siya ay nagseselos na sa mayordoma.
Lumipas ang mga araw ay desidido parin si Mia sa kanyang hangarin. Pinilit niyang lumayo kay Tome at hindi na ito pansinin dahil alam niyang gusto ito ng mayordoma. Hindi siya magtatagumpay sa kanyang misyon kung paiiralin niya ang kanyang pag ibig kay Tome.
Napansin naman na rin ni Tome ang pag iwas ni Mia sakanya kaya ito ay kanya ng kinausap.
"Hira Mia may problema kaba sakin?" takang tanong ni Tome kay Mia.
"Wala naman busy lang ako. Pursigido kasi ako sa hangarin ko kay Mayordomang Neri. Ginagawa ko ang lahat para makita niyang malinis ang intensyon ko." paglilinaw ni Mia kay Tome habang umiiwas dito.
"Hira Mia huwag mong gawin sakin to. Ikaw ang gusto ko at hindi si Neri. Gusto na kita Hira Mia una pa lamang kitang makita." makaawa ni Tome at gustong yakapin si Mia.
Nabigla si Mia sa mga narinig. Hindi na niya alam ang gagawin niya at parang sasabog na ang kanyang puso. Kaya agad na lamang siyang tumakbo palayo at doon niya nakasalubong si Neri.
"Oh Mia, tila nagmamadali ka ata?" tanong ng mayordoma kay Mia.
"Pasensya kana nagmamadali lamang ako, may iuutos kapa po ba?" sagot naman ni Mia.
"Oo kanina ko pa hinahanap ang kapares ng aking hikaw nahulog ko ata ito kanina sa lawa nung ako'y naligo. Wala ng alipin ang may gustong pumunta doon sapagkat madilim na at sila ay natatakot na." pahayag ni Neri kay Mia.
"Ganun ba? sige ako nalang ang maghahanap nun sa lawa? maaari ko bang makita ang kapares ng hikaw mo para madali kong makita? hindi naman ako takot sa multo eh!" pagmamayabang ni Mia upang makapalagayan ng loob ang mayordoma.
Tumungo na si Mia sa lawa kung saan madilim at nakakatakot na dahil na rin sa kabilugan ng buwan.
Nang makarating si Mia sa lawa ay hindi parin maalis sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Tome. Wala siya sa sarili niya kaya habang siya ay naghahanap ay hindi na niya namalayan na siya ay nasa malalim na parte na ng lawa. Biglang pinulikat ang mga paa ni Mia dahil na rin sa lamig ng tubig ng lawa. Pinilit niyang lumakad subalit unti unti na siyang nakakainom ng tubig. Naramdam niya ang lamig na bumalot sa kanyang katawan at nahirapan na siyang huminga pero ang tanging nasa isip parin niya ay si Tome.
"Tome, gusto din kita" ang huling sambit ni Mia hanggang tuluyan na siyang nawalan ng malay at siya ay lumubog na sa lawa.
BINABASA MO ANG
Hirang
FanfictionKung ikaw ba ay magiging isang tauhan sa libro maspipiliin mo bang maging bida o kontrabida? Kung ang pagganap mo naman ay kapalit ang mabigyan ka ng tatlong kahilingan? Ano ba ang maspipiliin mo ang pag ibig o ang itinalaga sayo? Ito ay kwento ng d...