Ang Malamig na Bangkay

22 2 0
                                    

" Hira Mia, lumaban ka lang nandito lang kami ni Haring Arden. Magkikita pa kayo ni Tome!" bulyaw ni Neri habang niyayakap ang naghihingalong si Mia.

Sa pagkakataon na iyun ay lumabas na si Gamor nang nakangiti sa tirahan ni Anyang. Lumapit ito sa naghihingalong si Mia at kanyang iniligay ang kanyang palad na may markang ibon sa katawan ni Mia at nabalot ng asul na liwanag ang hirang. Makalipas ang ilang minuto ay nagkamalay na si Mia.

" Anong nangyari? nasan na si Anyang?" tanong ni Mia habang pilit na bumabangon.

" Naglaho na ang kanyang katawang lupa. Mahigit isang taon na rin nung siya ay mamatay. At kasalanan kong lahat ng ito." malungkot na paliwanag ni Gamor kay Mia.

Sa pag uusap nila ay biglang nagdatingan ang mga naaagnas ng mga bangkay ngunit patuloy paring  gumagalaw at nabubuhay. Sila ang mga patay na muling nabuhay ni Anyang. Sa pagkawala ng katawang lupa ni Anyang  ay nawala na rin na ang salamangkang nagbibigay buhay sakanila kaya sila ay tuluyan naring naaagnas. Hinanap nila sila Anyang kaya ito nagsulputan sa tirahan nito.

" Tumabi muna kayo. Gagawa ako ng isang malaking ipo ipo para masugpo silang lahat." matapang na mungkahi ni Haring Arden.

" Hindi maaari yan, sila ay mga patay na at hindi na sila ulit mamamatay pa. Gagamitin ko ang kapangyarihan kong tanggalan sila ng hininga upang mawalan silang lahat ng buhay." paliwanag ni Gamor habang itinataas ang kanyang palad na may asul na liwanag.

Matapos bawian ni Gamor ng buhay ang mga naaagnas na bangkay ay unti unting naglaho ang mga katawang lupa ng mga ito. Tumulo na lamang ang kanyang luha dahil lubha siyang nalulungkot sa kaluluwa ng mga bangkay na ito.

Samantala inilabas naman ni Neri ang malamig na katawan ni Lamig.

" Tama diba Gamor ang pangalan mo? Kaya mo bang bigyan ng hininga ang katawan ng lalaking ito?" mariing tanong ni Neri kay Gamor.

" Oo Gamor nga! Sige susubukan ko." sagot naman ni Gamor habang nilalapit ni Neri ang katawan ni Lamig sakanya.

Inilagay ni Gamor ang kanyang palad sa dibdib ni Lamig at bigla na lamang umilaw din ng kulay asul ang markang ibon nito sa dibdib. Nabigyang buhay muli ni Gamor si Lamig.

" Nasan ako? sino kayo? nasan na ang mga tauhan kong tulisan? Nasan si Siga?" bulyaw ni Lamig matapos mabigyang hininga ni Gamor at matunaw ang yelong bumabalot sa katawan niya.

" Ako si Mia, ang hirang Adaro. Sila naman ang aking mga tagapagtanggol si Gamor, si Neri at Haring Arden. At gayon din ikaw, ikaw ay isa sa kanila bilang isang tagapagtanggol ng Adaro." paglilinaw ni Mia kay Lamig.

" Teka anong sinasabi mo binibini? Ako si Nyebes at ako ang pinuno ng mga tulisan. Hindi ako magiging tagapagtanggol mo." pagkakaila ni Lamig.

Tinadyakan ni Neri si Lamig upang lubos na matauhan. Dito na nagpakilala si Haring Arden sakanya at inutos sakanya na responsibilidad niya ang maging isang tagapagtanggol ng Adaro. Wala naman ng nagawa pa si Lamig dahil utos ito ng hari ngunit nagpaalam muna ito sakanila upang balikan ang mga tulisan na kanyang pinamumunuan.

" Pare ko na pala kayong lahat. Pero huwag niyo na akong tawaging Lamig ah dahil mga utusan ko lamang ang tumatawag sakin nun, nanlalamig daw kasi sila sa takot pagnakikita ako. Hahaha! Nyebes talaga ang pangalan ko at gusto ko Pareng Nyebes ang itawag niyo sakin. Bukas na bukas rin ay babalik ako. Kailangan ko lang tapusin ang alitan samin ni Siga at kailangan ko rin magtalaga ng bagong pinuno na hahalili sakin." pagpapaalam ni Nyebes sa mga kasama.

Si Nyebes ay anak ng isang tindero sa pamilihan ng Adaro. Bata pa lamang siya nang nakawan ng mga tulisan ang kanilang pamilihang ito at dito nasaksihan ng pinunong tulisan ang kanyang angking kapangyarihan tuwing lumiwanag na asul ang kanyang markang ibon sa dibdib. Nakakayang gawing yelo ni Nyebes ang kahit na ano mang bagay. Nagagawa rin niyang gumawa ng sandata o kahit anong bagay gamit ang yelo. Dahil dito ay inangkin at sapilitang inampon siya ng pinunong tulisan upang magamit siya sa kanilang pagnanakaw. Kinalaunan ay namatay ang pinunong ito at siya ang humalili dito. Ngunit si Siga ay matagal ng nag aasam na maging pinuno ng mga tulisan. Kaya ipinain niya si Teban ang matalik na kaibigan at kababata ni Nyebes upang isagawa ang kanyang planong pagpatay sakanya. Iginapos niya si Teban habang ito ay nasa taas ng apoy na tila ilelechon ngunit may tubig ito sa ilalim. Dito ginamit ni Nyebes ang kanyang kapangyarihan upang iligtas si Teban at tumalon siya sa apoy kung saan hindi niya alam na may tubig ito sa ilalim. Nagyelo ang tubig kasama ang buong katawan niya. Kinuha ni Siga ang bangkay ni Nyebes sa loob ng nagyeyelong tubig subalit lingid sa kaalaman niya ay nawalan lamang ng hininga ito pero napreserba niya ang katawang lupa niya.

Samantala nakiusap si Gamor na doon muna sila tumuloy sa kanyang tirahan hanggang hindi pa bumabalik si Nyebes. Naglinis siya ng kanyang bahay at tinulungan rin siya nila Mia at Neri. Matapos nito ay nilinis rin niya ang kanyang sarili, ginupit niya ang kanyang buhok at bigote , naligo at nagpalit rin siya ng damit.

Hapon na ng bumalik si Nyebes at galak na galak itong bumati sa mga kasama.

" Ako'y nagbabalik mga pare! at heto handa na akong sumama sainyo patungong palasyo ng Adaro! Bilang isang tagapagtanggol!!" masayang bungad ni Nyebes sa mga kasama.

" Oh kamusta naman ang pamamaalam mo? Kamusta na si Siga? Sino ang humalili sayo?" mariing tanong ng Haring Arden kay Nyebes.

" Kamahalan, syempre natakot sila ng bigla akong bumalik doon. Si Siga pa nga ang unang tumakbo habang nagsisigaw ng nabuhay ang patay eh!Pero maayos naman sila don. Si Teban ang humalili sakin ang matalik kong kaibigan at kababata." paliwanag ni Nyebes sa mga kasama.

Agad naghanda ng hapunan sila Mia at Neri. Subalit hindi nila nagustuhan ang adobong manok na niluto ni Mia.

" Hindi ba talaga masarap? konting suka lang talaga ang nilagay ko diyan." pagpapaliwanag ni Mia.

" Kahit ang pusa ko ay ayaw kainin ang luto mo Hira Mia. Hahaha!" patawang sabi Gamor habang hinahimas ang kanyang pusa.

" Buti nalang nga masarap ang sinaing ko kung hindi gutom ang hihinatnan nating lahat." pagbibiro ni Neri.

Malalim na ang gabi kaya nagdesisyon sila na sa umaga nalang maglakbay upang hanapin pa ang huling tagapagtanggol. Subalit hindi makatulog si Mia dahil maraming bagay ang pumapasok sa kanyang isip. Nangungulila na rin siya kay Tome at nag aalala siyang maunahan siya ni Julie na matipon ang mga tagapagtanggol. Habang nagmumuni muni si Mia ay nakarinig siya ng tunog ng isang plawta na nanggagaling sa likod ng tirahan ni Gamor.

" Isang tunog ng plawta sa kalagitnaan ng gabi? Kanino kaya nanggagaling yun?" takang sabi ni Mia sakanyang sarili dahil iniisip niyang ilusyon ito dahil sa dami ng kanyang iniisip at baka siya lamang ang nakakarinig nito.

Nilabas niya ito upang tignan kung saan nanggagaling ang tunog subalit wala siyang nakita kundi ang kabilugan ng buwan ng gabing iyon. Pabalik na sana siya nang biglang siyang sinalakay ng mga paniki. Wala ng ibang makita pa si Mia kundi kadiliman dala ng harang ng mga paniki sa kanyang mukha.

HirangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon