Masaya at matagumpay na nakalabas ng kweba sina Mia at ang mga tagapagtanggol. Matapos nito ay agad ginamit ni Mia ang kwintas ng pagsamo upang kontrolin ang alon nang sa gayon ay mabilis silang makatungo sa kagubatan ng Sadi.
Samantala, mahigpit na inaabangan nina Julie kasama ang kanyang mga tagapagtanggol ang pagdating nina Mia sa kagubatan ng Sadi. Pinaplano nilang harangin ang mga ito at sapilitang agawin dito ang kwintas ng pagsamo.
" Balkan tama ba talaga itong plano natin?" mariing tanong ni Julie.
" Ito lang ang nararapat nating gawin, hindi natin kailangan isugal ang ating buhay para suungin ang kwebang ng mga sirena. Kung magtatagumpay silang makuha ang kwintas ay mabuti kung hindi naman ay iisip tayo ng iba pang paraan. Dito rin naman ang patutungugan nila kaya maghintay na lamang tayo." paliwanag ni Balkan sa kanyang mga plano.
" Magsipaghanda na kayo, nararamdaman ko na ang init at enerhiya ng mga tagapagtanggol." pagbabanta ni Rakil sa mga kasama.
" Sandali lamang, nararamdaman ko ang enerhiya ng mga tagapagtanggol ng Hesron." pagbabanta ni Musmus sa mga kasama na ramdam ang panganib na nagbabadya sakanila sa pagdating sa kagubatan ng Sadi.
" Anong sabi mo? marahil ay may pinaplano na naman silang masama. Hira Mia maging alisto ka maingat mong protektahan ang kwintas. Pakiramdam ko ay iyan ang kanilang pakay." matapang na sabi ni Haring Arden.
Naging plano nila na wag nang umatake at tutukan na lamang ang pagprotekta sa kwintas ng pagsamo.
" Maging alerto kayong lahat. Isasa alang alang natin ang ating buhay para sa Hirang at para sa kwintas ng pagsamo." pagpapayo ni Haring Arden sa mga kasama.
Pagdating sa kagubatan ng Sadi ay wala silang nakitang panganib. Bagkus ay usok lamang ang bumabalot sa buong kapaligiran nito at nang mawala ito ay nakita nila ang maaliwas na panahon at luntiang kagubatan.
" Hindi ako maaaring magkamali. Kitang kita ko ang enerhiya ng mga Hesron. Nasa palagid lamang sila." pagbabanta ni Musmus.
" Ano kaba Musmus, payapa at tahimik dito walang bakas na nandito ang mga Hesron." sabi ni Nyebes habang tinignan ang paligid.
" Nasan na si Hira Mia?" sigaw na sabi ni Tome ng hindi na niya makita sa tabi niya ang Hirang Adaro.
" Subalit pinaggigitnaan lamang natin siya kanina? Pano siya nawala? Magmadali hanapin siya!" utos ni Haring Arden sa mga kasama.
Nagpatuloy ang mga tagapagtanggol sa paghahanap sa nawawalang si Mia. Sinuyod nila ang malawak na kagubatan ng Sadi subalit walang bakas ni Mia ang kanilang nahanap.
At sa kabilang dako ay nagulat na lamang si Mia dahil siya ay mag isa na lamang. Pilit siyang nagsisigaw ngunit walang nakaririnig sakanya sa malawak na kagubatan. Sa kanyang mag isang paglalakbay ay narating niya ang isang malaking punong silungan kung saan nakita niya roon sila Julie at ang mga tagapagtanggol nito.
" Maligayang pagdating Hira Mia." malugod na pagbati ni Balkan kay Mia.
" Julie, kamusta kana? may nais sana akong sabihin sayo." bungad na sabi ni Mia sa mga ito.
" Wala akong pakialam sa sasabihin mo. Nasa sayo na pala ang kwintas pero hindi yan nababagay sayo!" matapang na sagot ni Julie.
Sa pagkakataon na iyon ay inatake na si Mia nina Volter at Rakil. Si Volter ay nagpakawala ng kidlat habang si Rakil ay ginamit ang laser ng kanyang mata. Subalit agad nakagawa si Mia ng pananggalang bula at siya ay lumipad gamit ang kwintas ng pagsamo ng Meno.
" San ka pupunta? akala mo ay madali mo kaming matatakasan. Isa kang hangal!" mayabang na sabi ni Volter habang patuloy ang pagtira ng kuryente kay Mia.
Nagpakawala naman si Rakil ng mga papel na lumilipad subalit hindi nito magawang tumagos sa bulang pananggala ni Mia.
Sa kaganapan na iyon ay ginamit na ni Balkan ang kanyang itim na salamangka. Marahang nabalutan ng itim na kapangyarihan ang loob ng bula at ito ay pumutok.
Nalaglag sa pumutok na bula si Mia at siya ay bumagsak sa lupa. Pilit bumabangon ni Mia at humahanap ng tubig upang magamit ang kapangyarihan ng kwintas. Tumingala siya at pilit pinauulan ang kaulapan subalit katanghalian ng araw iyon. Mabigat na pinipigil ni Rakil ang pag ulan sa paggamit ng kapangyarihan ng katirikan ng araw.
Nang mabigo si Mia ay agad siyang nag anyong tubig at naging likido upang tumakas. Subalit inatake siya ni Volter ng kuryente kung saan ito ay dumaloy sa kanyang buong katawan na anyong likido.
Napangiti si Julie sa kanyang nasaksihan dahil hindi pa lubos alam gamitin ni Mia ang potensyal na kapangyarihan ng kwintas.
Sa pagbalik ng kaanyuhan ni Mia dahil sa matinding kuryente ni Volter. Mahigpit na hinablot ni Volter ang kwintas na nakasuot sa leeg ni Mia kahit na pilit itong nanlalaban sakanya.
" Ahhh!!! Anong nangyayari sakin? Hira Julie,ang kwintas!" sigaw ni Volter ng mahablot ang kwintas kay Mia at mabilis na hinagis kay Julie.
Tuluyang naglaho si Volter at tanging mga tilamsik ng likido ang natira sa kanyang kinaroroonan.
" Balkan anong nangyari kay Volter?" sigaw ni Julie kay Balkan matapos masalo ang kwintas ng pagsamo ng Meno na inihagis ni Volter sakanya.
" Hindi niya maaaring hawakan ang kwintas tanging hirang lamang ang kakayahan mahawakan ito." paliwanag ni Balkan.
Lingid sa kaalaman ni Volter na tanging hirang lamang ang maaaring humawak sa kwintas ng pagsamo. Sino mang humawak nito ay magiging likido sa paghawak ng kwintas ng pagsamo ng Meno habang magiging abo naman sa paghawak ng kwintas ng pagsamo ng Sadi.
Sa kaganapan na iyon ay dumating na sila Haring Arden, Tome, Gamor, Nyebes at Musmus. Gamit ang kapangyarihan ni Musmus ay nagawa nitong masagap ang enerhiya ng mga Hesron upang sila ay matunton.
Agad namang gumawa ng bula si Julie upang maging pananggala nila sa mga tagapagtanggol ng Adaro. Pinilit itong butasin ng umiilaw na palaso ni Haring Arden at nang mga matutulis na yelo ni Nyebes subalit hindi ito tumatagos dito. Mabilis namang pinalipad ni Julie ang bula at sila ay tuluyang nakatakas.
Samantala, tumakbong umiiyak si Mia kay Tome.
" Patawarin ninyo ako, ginawa ko ang lahat ng aking makakaya subalit pinagtulungan nila ako. Wala akong kwentang Hirang. Hindi ko naproteksyonan ang kwintas." umiiyak na sabi ni Mia sa mga kasama.
Niyakap siya ng mahigpit ni Tome at agad siyang pinatahan.
" Hira Mia, huwag kang mag alala. Mababawi rin natin ang kwintas na iyon. Sa ngayon ay hanapin na muna natin ang kwintas ng pagsamo ng Sadi upang magamit natin ito sakanila." pagpapagaan ng loob ni Nyebes kay Mia.
Malungkot na naghanda ang lahat sa muling paglalakbay sa kagubatan ng Sadi upang hanapin ang kwintas ng pagsamo ng Sadi.
BINABASA MO ANG
Hirang
FanfictionKung ikaw ba ay magiging isang tauhan sa libro maspipiliin mo bang maging bida o kontrabida? Kung ang pagganap mo naman ay kapalit ang mabigyan ka ng tatlong kahilingan? Ano ba ang maspipiliin mo ang pag ibig o ang itinalaga sayo? Ito ay kwento ng d...