Chapter 6: Arriving day...

74 1 0
                                    

Flight E507 New York to Philippines...
(8:15am arrived)

"Welcome to the Philippines ma'am Leslie and ma'am Jessie!!! ^___^)//"

"Manong Roger? Its nice to see you... Kamusta na po?"

"Ayos lang po ma'am... Okay na okay po... Kayo po kamusta? Kamusta po sa abroad?"

"Sa awa ng Diyos manong Roger kahit na sobrang busy sa trabaho eto pa rin maganda :))"

"Ay ma'am walang duda talagang maganda na po kayo noon pa walang pinagbago bumabata nga kayo eh :))"

"Yan ang namiss ko sa inyo eh... Kaya gustong gusto ko dito sa Pilipinas :))"

"Ay ma'am sya nga po pala asan si ma'am Jessie? Di ba kasama nyo po sya? O nagpaiwan sa new york?"

"Kasama ko po sya manong naiwan pa po sya sa loob at-------------"

"Ma'am andyan na sya!"

"O yan na pala sya..."

"Mananggggggg!!!!!!" -agad na tumakbo si Jessie papunta kay manang at niyakap dahil miss na miss na nya to

"Ma'am Jessie kamusta ka na? Naku ang laki laki mo ng bata ka parang kailan lang nung huli tayong nagkita maliit ka pa nun... Ganda ganda talaga ng alaga ko"

"Manang namiss kita sobra!!!"

"Ako din po ma'am Jessie..." -magkayakap pa rin ang dalawa na halos hindi mapaghiwalay

"Manang marami po akong pasalubong sa inyo pati sa family nyo ^___^) sana magustuhan po ninyo"

"Naku ma'am maraming salamat po nag abala pa po kayo... Okay na sa akin ang makita ulit kayo, pagsilbihan, alagaan katulad ng dati..."

"Manang... Big girl na si little Jessie mo oh... Di na sya masyadong aalagain pa ^___^)"

"Ah basta ikaw pa rin ang cute na cute at maganda na alaga kong si Jessie liit"

"Salamat manang \(^___^)/ ganito ang namiss ko dito sa Pilipinas... Sa abroad po kasi malungkot walang makausap puro kano... Nakakadugo pa ng utak puro english hehe"

"Ay naku ma'am kayang kaya mo naman silang sabayan sa pag iingles eh... Ikaw pa ;))"

"Hehe manang talaga... I miss you :* uyyyyyy manong Roger kamusta po? Gwapong gwapo pa rin ha... Walang pinagbago..."

"Syempre naman po ma'am Jessie katulad nyo din po magandang maganda wala ding pinagbago katulad ni ma'am Leslie na pabata ng pabata"

"Syempre po manong Roger like mother like daughter... Kung ano ang puno sya rin ang bunga... Maganda ang mommy mas maganda ang anak... Ganun po yun haha! Right mom? ;)"

"Yeah whatever! Lets go na! Gusto ko ng makita ang bahay at nagugutom na rin ako... I want to rest na din..."

"Asus... Manang talbog ang beauty ni mother dear sakin noh hihi ^__^)\/" -pabulong na sabi ni Jessie kay manang at sabay silang napatawa ng mahina

"Lets go! Uuwi na tayo yehey!!!" -excited na sabi ni Jessie

(After 123456789hrs nakarating din sila sa bahay nila Jessie...)

"Oemgeeeeee!!! We are finally here!! I miss you home!!! I miss you grass!!! I miss you flowers!!! I miss you pool!!! I miss you all!!!! Ahhhhh!!!! *arf *arf *arf Brandonnnn!!! *arf *arf *arf I miss you Brandonnn!!! *arf *arf *arf... Your a big guy now huh... I miss my baby boy :*... I miss you baby boy :*..." -ang labrador na alaga ni Jessie na binigay ni Lee sakanya bago sya umalis papuntang new york

"Lets go inside... Come Brandon... I have a pasalubong for you ^___^)"

"(@_________@)!"

"WELCOME HOME MA'AM LESLIE AND MA'AM JESSIE!!!" -with matching sabog of confetti

"Ayyyyyyyyyyyy @,@) thank you po sa inyo... Namiss ko kayong lahat dito sa bahay ayyyyyyyy group hug!!!! \(^___^)/"

"O sya tara na kainan na!!!!"

"Kainan na!!!!!"

"Ammm Mommy?... I'll go up muna to change my clothes"

"Okay... Make it fast"

"Yah"

(Dali daling pumunta si Jessie sa kanyang kwarto at agad nilabas ang ipad at binuksan eto... Agad bumungad ang...)

"Shocks! 200 messages!!!... Ang OA talaga neto grabe ah..."

OPENING INBOX!.............

"Best bakit di kita makontak?"

"Best where are you?"

"Lobat ka ba?"

"Bakit laging voicemail mo ang naririnig ko?"

"Sobrang busy ka ba?"

"Answer me please!"

"Can you please switch on or reply or answer your phone!..."

"-_____-)!"

"I'm waiting......."

"Pag hindi mo sinagot ang tawag ko o message ko kahit voicemail man lang hindi na kita kakausapin... SWEAR I MEAN IT!!!"

"Pag hindi mo sinagot ang tawag ko o message ko kahit voicemail man lang hindi na kita kakausapin... SWEAR I MEAN IT!!!"

"Pag hindi mo sinagot ang tawag ko o message ko kahit voicemail man lang hindi na kita kakausapin... SWEAR I MEAN IT!!!"

Blah.... blah... blah... blah....

"Hindi makapaghintay ganon? Parang nawala naman ako ng ilang taon sa OA ng mga messages mo... Hay nako Lee... Magkikita rin tayo :)"

REPLY TO LEE:

"Hoy Lee!!! Gusto mo bang sumabog ang inbox ko sa kamemessage mo? Ang OA neto parang nawala ako ng isang taon na kung tutuusin isang araw lang naman sa kadahilanang nawala ung phone ko nahulog sa cab na sinakyan ko papuntang work... Okay na? Ayos na?"

Sent→

New Message (LEE):

"ALAM MO BA KUNG GAANO AKO NAG ALALA?! NA BAKA KUNG NAPANO KA NA?! HINDI KA MAN LANG MAG MESSAGE DITO NA NAWALA MO PALA UNG PHONE MO!"

REPLY TO LEE:

"KAILANGAN CAPSLOCK LAHAT?!!!!" eto na nga oh nag message na nga... Di ako nakapag message dahil sa sobrang dami kong ginawa sa office at sobrang pagod ako..."

Sent →

New Message (LEE):

"So nakalimutan mo? Ganun? Di ka naman ganyan eh walang mintis kaya pag memessage or tawag mo sakin kahit sobrang pagod ka... You know what eshhhhh!! Never mind! Got to go..."

REPLY TO LEE:

"Sorry best :("

Sent →

"Esssshhhhh!!!! Ang tanga tanga mo talaga Jess!!! Bwiset!!!" -nangingilid ang kanyang luha

"Bakit di mo na lang kasing sabihin na andito ka na sa Pilipinas? Pinapahirapan mo pa kasi... Ayan tuloy..."

"Kanina ka pa andyan?"

"Oo... Ang tagal mo kasi kala ko ba magpapalit ka lang yun pala makikipag away ka lang kay Lee halos masira mo na yang ipad mo kapipindot"

"Mommy talaga! Bababa na rin ako sige na... Susunod na ako..."

"Tama na yan... Bumaba ka na ha wala pang laman yang tyan mo di ka kumain sa plane at puro tubig o juice lang iniinom mo dun..."

"Yah... Just go..."

(Hindi mapakali si Jessie sa kakaiisip kung pano ang gagawin nyang pagkikita nila ng kanyang bestfriend... Bukas..."

....

My Boy Best Friend... (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon