Chapter 17: He cried...

59 0 0
                                    

(LEE and HIS MOM)

"Bakit? Bakit? Bakit ngayon lang nya sinabi? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang huli na ang lahat" -Lee

(Pumunta bigla sa mens room si Lee at nilock ang pinto... Tinignan nya sa salamin ang muka at may tumulong mga luha)

Lee's POV:

Ang sakit, ang sakit sakit sobra na makita mo ang sobrang mahal mo na may mahal ng iba... Hindi ko alam ang gagawin ko kanina... Halos gumuho ang mundo ko sa narinig ko... Ayaw ko ng mabuhay pa ata nawalan na ako ng pag asa... Pag asang mapupunta din sa pag iibigan pero hindi na pala mangyayari...

(Patuloy ang pagiyak ni Lee sa loob ng c.r)

Tanggapin mo na Lee... Tanggapin mo ng hindi para sayo si Jessie... Maliwanag na lahat sayo, ang mga sinabi ni Jessie na mahal na mahal nya talaga yung lalaki... Eto na ang hinihintay mong sagot Lee makakahinga ka na rin... Makaka move on ka na rin... Alam kong may mas better o best pa kaysa kay Jessie... Kaya tama na... Pagod ka na rin... Pagod na pagod na... Pahinga ka muna... Pahinga ka na... Tama na

(Biglang binuksan ni Lee ang pinto at pumunta na sa parking area kinuha ang kotse hindi pa umuwi at pinili na lang mapag isa at magpakalasing sa isang lugar na tahimik kung saan doon sya nagpupunta pag may problema o may dinadamdam sya)

"Haha! Congrats Lee! Basted ka! Hahahaha! Tangina! Hahaha! -nakakalimang bote na ng beer si Lee

"Putcha Lee! Move on ka na!!! Hahaha bwiset na buhay oh!!! Haha! Wag ka ng magpakatanga! Ayaw nga sayo di ba! Kita mo naman! -lumaklak ng isa na namang bote

"Letseng pag ibig! Pag tinamaan ka nga naman ng sobra oh... Mas sobra pa pala ang sakit pag iniwasan ka neto... Haha! Ouch! Haha!"

"Hayaan mo Lee... Isang araw... Makakalimutan mo din lahat ng to... Makakalimot ka rin... Makakalimutan mo din sya tsk! Tandaan mo yan ugok!!! Haha!"

(Phone calling... Mommy)

*ringgggggg *ringgggggggg *ringggggggg!

"Hello mommy... I miss you na haha!" -lasing na sagot ni Lee

"Hello... Asan ka bang bata ka ha? At... Teka nga? Lasing ka ba?" -tanong ng mommy ni Lee

"Haha ssssshhhhhhh!!! Ammmmmm konti lang ma... Konti lang naman haha!"

"Ano???!!!!? Di ka naman umiinom at naglalasing ah... Bakit? Anong nangyari??? Asan ka? Susunduin na kita..."

"Si mommy talaga miss na nya ako agad oh haha! I miss you more... I love you more... Love na love na love kita ma tandaan mo yan... Love na love ikaw lang ang love ko nag iisang love promise ko yan :D"

"Asan ka pupuntahan kita..."

"Nasa may bangin ako ma... Haha! Sarap ng simoy ng hangin... Wooooooooohhhh!!!!! Kagaan ng pakiramdam..."

"Lee hindi ako nagbibiro! Where the hell are you!!!? Your exact location! Please anak nag aalala si mommy wag namang ganyan oh..." -tinig ng pag aalala ng isang ina

"Haha! Ma... Ang sakit pala noh... Haha! Ang sakit sakit! Ang sakit ma... Sobra :'(" -nagsimula na namang umiyak si Lee

"Lee please where are you? Pupuntahan kita... Andito lang ako anak kung may problema ka... Usap tayo anak... Andito lang si mommy ha... Now please say... Where are you? exactly?"

(Pagkatapos sabihin ni Lee kung asan sya... Nagmadaling pumunta ang mommy ni Lee kasama si Shee... Alalang alala ang mommy na baka kung anong gawin ng anak nya...)

"Mr. Simon paki bilisan lang po... Baka po kasi kung ano ng gawin ni Lee doon... Lasing na lasing pa naman sya" -mommy ni Lee

"Ma? Bakit ano bang nangyayari kay kuya ngayon? Bakit sya nagkakaganito? Hindi naman nya gawain ang uminom at magpakalasing" -Shee

"Hindi ko alam shee... Malalaman natin pag natanong na natin sya kung ano ba talaga ang nangyari"

(Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa lugar kung saan ang sinabi ni Lee... Nakita nila si Lee nakaupo sa may damuhan at lumalaklak ng bote ng beer...)

"Lee! Anak! -niyakap nya agad si Lee Diyos ko! Okay ka lang ba ha? Ano bang nangyayari sayo ha... Bakit? Sabihin mo kay mommy... Makikinig si mommy"

"Ma -niyakap nya din ang mommy nya :) namiss kita :) sobra :)... Shee!!!! Ang maganda kong kapatid :) lika nga dito yakapin mo si kuya bilis! -ginawa naman agad ni shee ang sinabi ng kuya nya Kahit na anong mangyari wag na wag mong pababayaan si mommy ha -sabay halik sa kapaid Mahal na mahal na mahal ko kayong dalawa :)" -niyakap nya ang mommy nya at si shee

"Mahal na mahal ka din namin kuya..."

"Oo anak mahal na mahal na mahal ka namin..."

"Thank you ma... Thank you shee :) thank you for loving me... Buti pa kayo minamahal nyo ako... Hindi katulad ng iba haha! Hindi ako mahal haha!" -sabay inom ng alak

"Tama na anak.. Lasing na lasing ka na oh.. Uwi na tayo please..."

"Ma look at me... Last! This is my last bottle of beer -sabay pakita sa mommy nya I'll drink it till the last drop then after.. We will go home okay? Huh?"

"Okay... Anak please... Can you tell me what happen ba? The reason why you do this nagpapakalasing ka sa ewan?"

"Haha! Because of her ma... Because of that stupid girl who made me stupid too..."

"Who's that girl? Si Jessie ba?"

"Haha! Tangina ma ang sakit dito -sabay turo sa dibdib Sobra! Kulang na lang sumabog sa sobrang sakit... Ma ginawa ko naman lahat! Lahat lahat... Bakit kulang pa rin" -umiiyak na sabi ni Lee Simula bata pa lang kami sa kanya na umikot ang mundo ko, sakanya naka focus attention ko, ni hindi ko na nga kayo makausap noon dahil sa kanya eh... I made her special na hindi ko magawa sa inyo... Ginawa ko lahat sa kanya mapasaya lang sya na hindi ko man lang nagagawa sa inyo... Ang dami kong sinakripisyo para lang sakanya na hindi ko magawang magsakripisyo sa inyo... Ang unfair ma... Ang unfair unfair... Never ko syang sinaktan, inalagaan ko sya, nirespeto ko sya, pinagkatiwala ko sakanya buong buhay ko, minahal ko sya ng higit pa sa best friend ma... Tapos malalaman ko lang na may boyfriend na sya na hindi man lang nya sinasabi sa akin?! Sh**! -todo iyak pa rin si Lee All this time ma I was hoping na magbabago ang nararamdaman din ni Jessie para sakin... Pero hindi pala... Kaya pala ganun na lang ang sagot nya sa lahat "hanggang bestfriend lang kami" dahil may mahal na syang iba... At hindi ako yun ma... Hindi ako yun... -pinunasan nya ang mga luha nya Ang torpe ko kasi ma... Haha! Ang torpe ko... Kung matagal ko na sanang sinabi sa kanya na mahal ko sya di sana may pag asa pa ako... Pero huli na ang lahat ma... Huli na ako... Tama nga ang sabi "nasa huli ang pagsisisi" kaya ganito ako ngayon... Nagpapakalagok sa alak na isang umaga mabura lahat ng sakit makalimutan ko lahat sa sobrang kalasingan ko makalimutan ko na sya... Gustong gusto ko na syang kalimutan ma -umiiyak ulit si Lee Gustong gusto pero ang hirap... Ang hirap ma kasi sobra ko syang mahal... Sya lang ang minahal ko ng ganito... Siya lang :'("

"Shhhhhhhh! Tama na, tama na... Kung pwede lang akuin ko lahat ng sakit na nararamdaman mo dyan sa puso mo anak kanina ko pa ginawa... Hindi mo pa siguro sya makalimutan ngayon pero balang araw... Balang araw makakalimutan mo din lahat lahat ng to... Andito kami ni shee.. Hinding hindi ka namin iiwan, hinding hindi ka namin sasaktan, mahal na mahal ka namin anak... Mahal na mahal ka namin" -niyakap nya ng mahigpit si Lee at ganon din ang ginawa ni shee

"Mahal na mahal ka namin kuya... Andito lang kami ni mommy para sayo ha... Lagi mong tandaan"

(Hindi natapos ang gabi na hindi umiiyak si Lee... Umuwi na ang mag iina pero nagpasya si Lee na umuwi sa condo nya at pinangako nyang hindi na maglalasing at walang gagawin na kung anong makakasama sa kanya, gusto lang nyang mapagisa, mag isip ng mabuti at magpahinga...)

........

My Boy Best Friend... (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon