° ° °
Oliver's POV
---
"Hey, bro! Musta? Mukhang badtrip na badtrip—"
"Yes. I am. Sino ba naman ang magiging okay sa sitwasyon ko? Humanda talaga sa akin 'yang babaeng 'yan. Masyado niyang pinepeste ang kagwapuhan ko." putol ni Allen sa sinasabi ko. Mukhang may binabalak na hindi maganda kay Aecy.
"Eh bro, paano mo pa magagawa yung dare namin kung babalakan mo siya ng masama?" singit ni Barry sabay upo sa lap ko. Argh! Bwisit talaga ang isang 'to. Cafeteria ito at hindi motel para maging malandi siya. Tss.
"Maisasabay ko naman 'yon eh. May plano ako na pagsisisihan niya kung bakit niya pa ginawa ang laht ng ito."
*devil smirk* - Allen.
"Tara na nga lang. Bumili na tayo. Recess naman na eh." pang-iiba ng usapan ni Barry.
Nauna na siyang pumila. Iniwan talaga kami eh. Gutom na gutom ang putek. Parang hindi pinapakain ng mga magulang niya sa bahay nila.
"Ano, bro? Tara na?" aya ko. Tumango siya at sumunod na kaming pumila habang si Barry, may dala na agad na pagkain niya. Patay-gutom ang g*go.
° ° °
Allen's POV
---
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang mag-ring ang phone ko. Dinukot ko ito sa bulsa ko at tinignan ko ang screen kung sino ang tumatawag saka ko iyon sinagot.
It's my Mom.
"Hello, Mom." sagot ko sa kabilang linya.
["Kailangan ka namin dito sa kompanya natin. Ang Daddy mo, pinagbantaan ng mga kabilang kompanya, anak. Kailangan naming magtago pansamantala. Kaya lumipad ka na patungong Nevada dito sa U.S.A. ngayon. Ikaw na muna ang bahala sa company natin. Bye, anak. Ingat ka."] paliwanag ng Mommy ko sa kabilang linya at tuluyan ng namatay ang tawag.
Ibinaba ko na ang phone ko. Tinitigan ako ng dalawa na mukhang nagtataka kung bakit parang nabigla ako sa sinabi ng Mommy ko.
"Bakit, Allen? Anyare?" tanong ni Oliver kaya napatingin ako sa kanya.
"Anong sabi ng Mommy mo?" sunod na tanong naman ni Barry.
"Pinagbantaan si Daddy ng kabilang kompanyang kalaban namin kaya kailangan kong pumunta ng Nevada ngayon. Kailangan kong magpa-book ng flight para mamaya, lilipad na ako." paliwanag ko saka inilapag ang phone sa lamesa.
"Ano?! Si Tito?! Eh paano na yung dare? Si Aecy? Yung plano mo? Itutuloy mo pa ba?" sunod-sunod na tanong ni Oliver.
"Well, pagbalik ko. Itutuloy ko kung ano ang plano ko." sabi ko saka sila nginisian.
"Okay. Ikaw bahala." sabi ni Barry sabay subo ng isang kutsarang sopas.
KRRRIIIINNNGGG!!!!
Papasok na sila sa susunod na klase namin pero ako, magpapaiwan lang sa cafeteria. Uuwi na muna kasi ako para makapaghanda para sa flight ko mamaya.
"Sige, una na kami. Ingat sa flight, bro." pagpapaalam ni Oliver saka ako nginitian na tinanguan ko lang.
Pagkaalis nila, umalis na rin ako para maaga akong makapag-impake ng mga damit ko. Kapag nag-stay pa ako dito sa cafeteria, baka ma-late ako sa pagbo-book ng flight ko mamaya.
Tinawagan ko na ang Mom ko nang makalabas na ako ng cafeteria. Habang tinatawagan ko siya, naglalakad na ako papunta sa parking lot ng school.
"Hello, Mommy?... Magco-condo po ba ako?... Ahh... Okay po... Opo.. Sige, Mommy... Bye po." sagot ko sa kabilang linya nang sagutin ni Mommy ang tawag.
Ayon kay Mommy, magco-condo raw ako. Ayaw niyang gumamit ako ng apartment. Nakahanda na raw lahat kaya wala na akong dapat pang alalahanin. Hindi ko na kailangan ng Visa at magpa-book ng flight. Pinadala ni Mommy si Tito Jerico Hyung para sa pagsusundo sa akin gamit ang private helicopter. Pinaalalahanan lang din naman ako na mag-ingat at huwag pabayaan ang sarili ko pati na ang kompanya.
Nang makauwi na ako, dali-dali akong pumasok sa kwarto ko. Tinanong ako ni Yaya Medring kaya sinabi ko na kailangan ako nila Mommy sa Nevada. Salamat naman at hindi na siya nagtanong pa ng nagtanong.
Nag-impake agad ako. Nilabas ko ang isang itim na maleta at isang traveler bag kong malalaki at pinuno iyon ng mga damit ko. Pati na ng mga chocolates na pinakapaborito ko, dinala ko.
Nang makapag-impake na ako, lumabas na ako ng bahay. Nagpatulong ako sa ilang drivers namin. Nagtaxi na lang ako papuntang airport. Pinagpaalam ko ang bahay kina Yaya Medring bago makaalis.
Tinext ko ang Tito ko kung saan siya banda nakapwesto. Sinabi niyang nasa rooftop daw siya malapit sa airport.
Tumingala ako at nakita ko nga siyang pakaway-kaway pa sa itaas sa rooftop kung saan nandoon ang helicopter namin na siya ang nagda-drive.
Nang makasakay na ako sa helicopter na nasa rooftop ng isang building malapit sa airport, tinawagan ko si Mommy. Sinabi kong nakasakay na ako at papunta na ng Nevada.
Sa lalapagan namin, may mga bodyguards daw na naghihintay doon para sa kasiguraduhan na hindi ako mapapahamak pagdating na pagdating ko.
* * *
Nang makalapag na kami sa lapagan, dali-dali kong tinawagan ang tatlo sa limang alalay ko dito sa Nevada. Si James Cormano, Jaime Jose at Lilybeth Ventura.
"Hello, James. Ipa-served mo ako ng condo ko. Bilisan mo!" utos ko saka pinatay ang tawag. Sunod kong tinawagan si Jaime.
"Jaime, pakibilhan mo nga ako ng mga pagkain. Dalian mo! Tapos pakilagay na lang sa condo ko. Itext mo si James kung anong number nung room. Okay?" utos ko sa kanya.
["Okay, Sir."] sagot niya mula sa kabilang linya.
Sunod kong tinawagan si Lilybeth na malapit kong assistant.
"Lilybeth, paki-ayos lahat ng nga kailangan ko sa condo. Thank you." utos ko saka pinatay na ang tawag.
Ilang saglit pa ang nakalilipas nang biglang mag-ring ang phone ko.
"Hello, James. Bakit?" primerong tanong ko sa kabilang linya.
["Tapos na po, Sir. Nasabi ko na rin po kay Kuya Jaime. Patapos na rin po si Lilybeth. Pwede na po kayong pumunta rito."] it's James.
"Okay. Pakisabi kay Jaime dalian niya. On the way na ako. Yung kama ko ayusin na ninyo." utos ko.
["Opo, Sir."] sagot niya mula sa kabilang linya.
"Sige." sabi ko at pinatay na ang tawag.
Nagmadali akong pumara ng taxi. Sumakay na ako at sinabi na ang destinasyon ko kung saan ako bababa.
BINABASA MO ANG
Mr. Popular meets Ms. Mataray - MPMMM 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[COMPLETED] Hindi ba pwedeng magkaroon ng love sa pagitan ng pagiging MATARAY at pagiging POPULAR? Book 1: Mr. Popular meets Ms. Mataray Book 2: Still In Love with Mr. Popular Highest rank: #3 daniella (April 27, 2021) #2 oliver (September 1, 2021) ...