11

454 34 0
                                    

° ° °

Ella's POV

•••••

"Tara na, Ella," pilit akong hinihila ni Aecy palabas ng garden.

"Eh ayaw ko pa ngang umuwi. Gusto ko pang mag-stay dito." Ang ganda kasi dito sa garden ng campus. Sobrang lamig saka ang daming iba't ibang flowers at mga puno.

"Kung uuwi na kayo, sasabay na rin ako." Nagulat ako nang marinig ko kung kanino galing ang boses. It's from Allen Mitherford!

"Okay," simpleng sagot ni Aecy kaya napatingin ako sa kanya.

"Teka nga, anong ibig sabihin ne 'to?" tanong ko kay Aecy. Malalim na buntong hininga lang ang isinagot niya.

"Well, we're friends," singit ni Allen habang nakangiti saka inakbayan ang bestfriend ko.

"Friends nga lang ba, Allen?" Hahaha! Ang cute nilang dalawa kaya hindi ko mapigilang mapagkamalang may gusto si Allen sa bestfriend ko.

Napakamot ng batok siAllen dahil sa tanong ko saka tinitigan si Aecy. Ito namang isa, walang karea-reaksiyon.

"Eh... ayaw naman niyang makipag-date sa akin kaya... friends na lang kami," sagot niya habang nakatitig pa rin siya kay Aecy.

* * *

Aecy's POV

•••••

Tumingin ako sa kanya na nakatitig pa rin sa akin kaya napakunot yung noo ko.

"Bakit ganyan ka makatitig sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Ang ganda mo kasi." Hindi ko mapigilang kiligin sa isinagot niya.

Naputol ang kilig na iyon at bumalik ako sa tamang katinuan ng muli siyang magsalita.

"Ahmm... may sasakyan ba kayo?" tanong niya sa amin. Sa pagkakataong iyon, hindi na siya nakatitig sa akin kaya inayos ko ang sarili ko at ako ang sumagot ng tanong niya.

"Oo. Ikaw?"

"Wala eh. Pwedeng makisakay na lang sa sasakyan ninyo?" tanong niya sa amin na sinagot naman ni Ella.

"Kay Aecy na lang. Kotse yung sasakyan niya. Yung motor ko kasi yung dala ko," sagot niya dahilan para irapan ko siya. Tumingin ako kay Allen at ngumiti.

"Okay. Sa passenger seat ka. Sige, pasok na," aya ko sa kanya. Nang makapasok na si Allen sa loob ng kotse ko, inirapan kong muli si Ella na tatawa-tawa pa. Kakainis talaga 'tong Ella na 'to.

* * *

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kotse habang patuloy akong nagmamaneho. Ilang saglit pa ang nakalilipas, ako na ang nagbasag ng katahimikang pumapalibot sa amin.

"Ahmm... saan ka nga pala nakatira?" tanong ko.

"Dito. Ito yung address namin. Basta kung kailangan mo ng makakausap, puntahan mo lang ako ah? Ayan," sagot niya saka iniabot ang isang pirasong papel kung saan nakasulat doon ang address nila.

Alam ko kung saang street yung nakasulat dito sa papel kaya madali lang kaming nakarating sa bahay nila.

Ayon sa nakikita ko ngayon, malaki na kulay black ang main gate nila then may dalawang bodyguards. May tatlong katulong at medo malaki ang bahay nila. Mas malaki nga lang yung bahay namin tsaka mas maliwang.

"Sige, thank you. Bye," sabi ni Allen saka bumaba ng sasakyan ko. Nagpaalam na rin ako saka pnaandar na ang kotse ko paalis at pauwi na ng bahay. Siguradong kanina pa naghihintay sa akin si Ella sa bahay. Hindi pa kasi ako nakaluto.

Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko kaya mabilis akong nakarating sa bahay. At tama nga ako ng hinala. Nag-aantay nga siya sa loob sa may sala habang nakaupo at mabilis na nagtitpa sa laptop niya.

"Hoy!" Dahil sa pagkuha ko ng atensiyon niya, napaigtad siya.

"N-nand'yan ka na pala. Sorry, busy ako eh kaya hindi kita adad na napansin," nakayuko niyang paghingi ng tawad. Hayy..

"Okay lang. Ano ba kasing ginagawa mo?" Pagkasabi ko n'on, ipinakita niya yung laptop niya. Iniikot niya para makita ko.

"Ka-chat ko si Mommy. Sabi niya, may suprise daw siya sa debut mo," sagot niya.

Oo nga pala. Malapit na yung debut ko. Eh kahit na malapit na, malungkot pa rin ako. Hindi ako excited. Bakit? Eh hindi naman ako siguradong pupunta sila Mommy at Daddy sa debut ko. Psshh.. Bahala na nga.

"Ano naman daw 'yon?" tanong ko dahilan para kunutan niya ako ng noo.

"Surprise nga hindi ba? Saka hindi ano, sino," mataray niyang sagot at kikindat-kindat pa. Para siyang nang-aasar.

Sino? Sino yung surprise niya? Aish! Tita talaga. Hindi pa nga dumarating yung araw ng kaarawan ko, may surprise na. Iba talaga si Tita. Ang bait-bait. Bakit kaya hindi namana 'yon ni Ella. Napakasungit kasi lalo na sa mga lalake.

"Okay," simpleng tugon ko saka pumunta na ng kwarto ko par makapagbihis na ako at makapagluto na mamaya.

Nang makababa ako, dating gawi ulit. Alam niyo na kung ano yung mga gawain namin.

* * *

Ella's POV

•••••

Hindi ko muna pinaalam kay Aecy kung sino ang mga taong tinutukoy namin ni Mommy. Syempre surprise nga eh.

Nang matapos na ako sa paghuhugas ng plato at yung mga iba pang ginamit sa pagluluto saka yung mga kutsara at mga baso, pumasok na kami sa kanya-kanya naming kwarto.

Papasok na sana ako nang may bigla akong maalalang gusto kong itanong kay Aecy kaya pumunta ako sa kwarto niya. Naabutan ko siyang nakadapa at nagtitipa sa laptop niya. Mukhang busy na busy.

Iniangat niya ang kanyang paningin at nang makita niya ako, nginitaan niya lang ako saka inayang umupo sa kama niya.

"Anong kailangan mo?" bungad niyang tanong. Umayos ako ng upo bago siya tinanong.

"Ahmm.. ito, sagutin mo ako yung mga totoong nangyari ah? Ahmm.. Paano kayo nagkasundo ni Allen? Kailan? Saan?" sunod-sunod kong tanong. Isinara niya ang laptop at umupo ng maayos. Bumuntong hininga siya bago niya ako sinagot.

"Kagabi kami nagkaayos. Naisip kong tulog ka na kaya hindi na ako gumawa ng ingay para hindi ka na magising. Paano? Nag-sorry siya sa akin. Pati rin ako, nag-sorry na din. Tunanong niya kung okay lang kaming maging magkaibigan. Mukhang sincere naman siya kaya pumayag na ako," paliwanag niya.

Tama. Tulog na nga ako ng mga time na 'yon. Kaya pala may narinig akong ilang yabag noong nagising ako bigla ng hindi ko alam ang dahilan, pero hindi ko na lang pinansin that time. Pinagpatuloy ko na lang ang pagtulog ko.

° ° °

° ° °

° ° °

° ° °

Thank you po sa mga patuloy na sumusuporta. Maraming, maraming salamat po.

- @SleepingSinger

Mr. Popular meets Ms. Mataray - MPMMM 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon