2

993 79 10
                                    

° ° °

Bago kong story 'to. Huwag kayong mag-alala, marami na itong twists. Hehehe! Sana lang magustuhan ninyo. 'Yon lang. Thank you so much!

- SleepingSinger

° ° °

° ° °

Allen's POV

---

Nasa room na ako ngayon. Nakaupo lang at nagbabasa ng books. Wala kasing teacher. Habang nagbabasa, nagulat na lamang ako ng biglang hilain ng kaklase ko ang paa ko dahilan para mapakapit ako sa upuan na kasama kong nahihila na.

"C'mon, bro. Let's play!" he's Oliver Tenison. He's one of my friend here at Santerford University. Ang pinakamakulit na naging kaibigan ko.

"What the hell! Ano tayo?! Mga bata?! Tsk." i said then I continue reading my book.

"Pshh. Bakit? Bata lang ba ang naglalaro ng.. Truth or Dare?" singit naman ni Barry Montero. He's one of my adviser here at SU magmula nang lumipat na ako dito. He's also my friend.

"Okay! Fine! Sasali na ako." tss.. A game that I hate.

At nagsimula na nga kaming maglaro. Ipinaikot ni Barry ang bote at naitapat iyon sa akin. Pshh! Bwena mano huh?

"So, truth or dare?" tanong ni Barry.

"I don't have a secrets so... I'll choose... Dare." walang emosyon kong sagot.

"Cool answer! Now, I dare you to be a boyfriend of Ms. Santos for seven months. Be her suitor first. Paibigin mo siya. Then after that, break-up with her. Ano? Deal?" nice! Magiging maganda yata 'to. Pero hindi ko naman kilala 'yon.

"Eh hindi ko naman kilala 'yon. Paano ko gagawin yung dare mo?" alam na nga niyang wala pa kong gaanong kilala dito. Baliw talaga 'tong Barry na 'to.

"Bro, siya yung babaeng nakabungguan mo kanina. Yung magandang mataray na babae. Siya 'yon." ah! That girl pala! I hate her! Masyado siyang maarte! Ang taray pa! 'Di bale. Mapagtitripan ko na siya ngayon.

"Deal." simpleng sagot ko at nakipagkamay kay Barry.

"Ahmm... I will give you some information about her para mas makilala mo pa siya." singit ni Oliver saka ako kinindatan.

"So kailan ko uumpisahan?" tanong ko because I'm so excited sa gagawin ko.

"Tomorrow. Ibibigay ko yung address niya mamayang gabi." sagot ni Barry. Mukhang kilalang-kilala na nila si Ms. Santos. Pssh. Whatever.

~ ~ ~

Aecy's POV

° ° °

KRIIIINNNGGG!

Uwian na naman. Sa bahay na muna namin ni Ella ako uuwi. Ayaw ko muna sa condo. Aayain ko na rin siya. Wala kasi akong kasama doon sa condo ko. Mag-isa lang ako. Wala akong kausap doon.

Sabay kaming naglalakad ngayon palabas ng gate ng campus. Hindi na namin kailangan pang mag-commute. May kotse kaming dalawa. And yes, tig-isa kami.

"Ella, pwede bang doon muna tayo sa bahay natin? Ayaw ko muna sa condo ko. Naboboring kasi ako kapag hindi kita kasama." nginitian niya ako at tumango. Dahil sa pagtango niya, napangiti ako ng sobrang lapad. Yung abot hanggang tenga. Hahaha! Niyakap ko siya ng mahigpit at nagpasalamat saka sumakay na sa kotse ko. Gano'n din ang ginawa niya saka namin dahan-dahang pinaharurot.

* * *

Nang nasa bahay na kami, ako ang unang pumasok at sumusunod siya. Ako ang nagsindi ng mga ilaw. Takot kasi itong kasama ko sa dilim.

Nang masindihan ko na lahat, pumasok na kami. Bumili ako online ng mga pagkain namin at stocks na mga gulay at karne.

Nang mai-deliver na, nagsimula na kaming magluto. Siya ang taga hiwa ng mga kakailanganing ingredients at ako naman ang magluluto no'n.

Habang niluluto ko yung ulam namin, nagluluto naman na siya ng kanin sa rice cooker. Maliit lang naman 'yon. Kasyang-kasya sa amin kahit na konti ang laman. Hindi naman kami gaanong matakaw kumain. Lalo na't gabi.

Nang matapos na kaming magluto, naghanda na kami sa dining area para sa kakainin namin. Nang makapag-prepared na kami, sabay na kaming kumain.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa tumunog bigla ang phone ko. Tinignan ko ang screen and it's my Mom kaya sinagot ko agad.

"Mom? Bakit po?" tanong ko sa kabilang linya.

["May meeting kami ng Daddy mo sa Italy. Kunin mo na yung mga kailangan mong kunin dito. Ilo-lock namin itong bahay."] sabi ng Mommy ko sa kanilang linya.

"Sige, Mom. Bigyan niyo po ako ng 1B sa ATM ko for 3 years po na pag-aaral ko dito sa University." walang pag-aalinlangan kong sagot. Okay lang naman kila Mommy 'yon eh. May 900 Trillion sa 80 pieces na ATM card namin na nasa 20 na banko. Kaya mainggit kayo!

["Okay, baby. Eh dito sa bahay? Pagkain? Meron ka pa?"]

"Yes, Mommy. Ahmm.. Yung ice cream's freezer po. Ipasuyo niyo na lang po kay Kuya Gorio. Para idala niya dito sa bahay namin ni Daniella."

["Oh! And'yan pala kayo. Bakit? Ayaw niyo na ba sa mga condo niyo? Mas malapit ang school doon 'di ba? Eh bakit kayo lumipat d'yan?"]

"Wala lang po, Mom. Namiss ko po itong bahay namin eh. Saka.. Boring sa condo ko, Mom. Wala akong makausap. Kaya nag-decide na lang kaming umuwi na dito. Mas masaya kami kapag magkasama kaming dalawa eh."

["Ah~ okay, baby. Sige may meeting pa ang Mommy. Later again okay?"]

"Okay, Mom." sabi ko saka ulit kumain.

["Bye."]

"Bye, po." sagot ko sa kabilang linya saka pinatay ko na ang tawag at nagpatuloy sa pagkain.

* * *

Nang matapos na kaming kumain, naghugas naman na si Ella habang ako, naka-online lang sa facebook. Wala naman na akong gagawin eh. Saka matagal-tagal na rin magmula ng mag-online ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pagta-type sa search box ko nang biglang tumunog ang messenger ko. May message malamang. Tinignan ko kung kanino galing. Nag-iinit ang mga palad ko nang makita kung sino 'yon. It's from Allen! Allen Mitherford! Grrr!

Mr. Popular meets Ms. Mataray - MPMMM 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon