19

352 27 0
                                    

° ° °

Allen's POV

---

Titignan ko sana siya ulit kaso, nahuli ko siyang nakatitig sa akin pero binawi niya rin. Dahil doon, naging tahimik lang kaming dalawa. Nakikinig sa mga batang naglalaro at nag-iingay.

Ano ba naman 'yan?! Nakakabibhing ingay ang lumukob sa amin at wala 'atang balak na magsalita. Buti na lang, nagring yung phone ko dahilan para lumayo ako para may privacy.

---

Nasa cafeteria ako ngayon at nagmumuni-muni. Pagkatapos ng nangyari kagabi, hindi na ako mapakali. Palaging sumasagi sa isip ko ang mga narinig ko. Yung call sign nila na mas lalo pang nagpapainis sa akin.

Kahit na gusto kong malaman kung kaano-ano niya 'yong lalake, nawawalan ako ng lakas ng loob kapag paparating na siya.

Hindi ko na talaga maintindihan yung sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Feeling ko, nasisiraan na ako ng ulo kasi pati sa panaginip siya ang nandoon. Palaging si Aecy lang ang nakikita ko.

Kahit na hindi ako tumitingin, nararamdaman kong papalapit ang mga kaibigan ko. Pero buti na lang at wala si Claire.

Umupo si Oliver sa tabi ko sa mahabang plant box malapit sa hallway. "Oh, bakit ganyan itsura mo? Para kang may kaaway. Anyare sayo?" takang tanong ni Oliver saka iniharap ang mukha ko sa mukha niya.

Pinalo ko yung kamay niya. "Wala! May iniisip lang ako. Doon nga kayo!" pagtataboy ko sa kanila.

Kumunot ang noo ni Barry dahilan ng pagkainis ko pa lalo. "Sungit naman ne 'to. Tara na nga! Hindi na natin 'yan bati." aish! Isip-bata nga naman talaga.

Iniwan nila akong nag-iisip pa rin. Gulong -gulo na talaga ako. Yes, i know that is a dare only. Yung paiibigin ko siya tapos hihiwalayan din sa huli. Pero... Iba na kasi yung pakiramdam na mayroon siyang kasamang ibang lalake eh. Parang... Parang ako yung nasasaktan. Dapat siya kinalaunan dahil, laro lang ang lahat.

Argh! Wala na akong ibang naiiisip kundi ikaw. Ano bang meron sayo at bakit ako nagkakaganito?! Kainis naman!

Pumunta na lang ako sa bago kong natuklasang lugar kung saan masarap ang simoy ng hangin. Magpapahangin lang ako. Buti doon, tahimik. Maaga pa naman. Mamaya pa naman yung third class namin.

Sa likod lang naman iyon ng kindergarten sa may malaking puno. Mahangin kasi dito. Masarap magpahinga. Masarap matulog. Kahit naman mgtagal ako dito, okay lang. Kasi, malapit lang naman ito sa school. Pwede ko namang lakarin kung gugustuhin ko.

Nang makarating na ako doon, kaagad akong umupo sa sa ilalim ng puno. Tahimik ang paligid dahil nasa canteen pa ang ibang mga estudyante.

Ipinikit ko muna ang aking mga mata at inilagay ang dalawang braso sa aking ulo bilang pinaka unan ko.

Ilang saglit pa ang nakalipas nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko pero hindi ko na lang pinansin at pinagpatuloy lang ang pagrerelax hanggang sa makatulog ako ng hindi ko na namamalayan.

° ° °

Aecy's POV

---

Pumunta ako sa dating tambayan namin ni Ella noong mga bata pa kami. Malapit kasi dito sa kindergarten yung dating bahay namin kaya dito ang tagpuan namin kapag maglalaro kami.

Hindi ko kasama si Ella ngayon dahil busy siya sa ibang subjects. Medyo mababa kasi ang ilang grades niya. Lalo na sa Math at English. Kailangan niyang gain yung ilang mga quizzes at asaignments nbagsak siya. Tinuruan ko na siya kaya kaya na niya 'yon.

Pagdating ko doon, may nadatnan akong hindi ko inaasahan. Hindi ano. Sino. Aish! Pati ba naman dito nandito siya. Kainis!

Paano niya kaya nalaman ang lugar na 'to? Sino nagsabi sa kanya? Si Ella ba? O talagang nagkataon lang?

Kilala niyo ba kung sino ang nandito ngayon? Si Allen. Yes, siya nga. Ewan ko kung paano niya nalaman ang lugar na 'to.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Wala naman sigutong malisya kung uupo ako sa tabi niya hindi ba? Saka pakealam ko kung magalit sa akin yung 'fiancé' niya. Psh. Barilin ko pa 'yon eh. Eh alam naman na ayaw na ayaw kong kinakalaban ako.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya. Ang gwapo niya pala sa malapitan! Ang kissable ng lips niya. Ang kapal ng kilay niya tapos nakaayos pa at hindi sabog. Yung hair niya parang korean leading man's hair style. Tapos ang cute-cute niya palang matulog.

"Anong ginagawa mo?" nagulantang ako nang makita ang mga mata niyang nakatitig sa akin na parang nagtatanong.

Oh my god! Nagising ko ba siya? Hindi ko rin namalayan kanina na sobrang lapit na pala ng mukha ko sa mukha niya! Ano nang gagawin ko niyan?!

Kaagad akong dumistansya sa kanya at medyo lumayo ng pagkakaupo. Nakakahiya yung nagawa ko! Grabe! Kinakabahan ako!

"W--wala! Wala. M--may dumi kasi--doon sa--mukha mo k---kanina. Kaya.. lumapit ako at inalis 'yon." utal-utal kong sagot. Actually, nagsinungaling ako. Siyempre, alangan namang sabihin ko na hindi ko mapigilang titigan yung mukha niya kaya lumapit pa ako. Ano ako? T*nga?

Tinignan ko ang screen at nagulat ako nang magflash sa screen ng phone ko kung sino ang tumatawag. It's my Mom!

"Hi, Mom! Why did you call me?"

["Can we talk about your debut, anak?"]

"Yes, Mom. Babalik na po ba kayo dito? Kailan po? Saan po namin--"

["Nope, anak. Hindi namin alam kung kailan kami babalik eh. Basta sabihin mo lang sa secretary ko lahat ng kailangan sa debut mo, okay? Hindi mo na kailangan problemahin 'yon. Nakahanda na yung iba."] putol ng Mommy ko sa sinasabi ko dahilan para malungkot ako.

"Okay, Mommy." malungkot kong tugon sa kabilang linya.

Nang patayin na ng Mom ko yung tawag, malungkot akong bumalik sa pagkakaupo sa ilalim ng puno pero malayo na ako ngayon kay Allen.

"Ako pa rin ba ang escort sa debut mo?" nagulat ako dahil sa biglang pagtatanong nitong kasama ko dito.

Kanina aakalain mong pipi siya dahil walang balak na magsalita. Ngayon naman, magtatanong ng mga weird na bagay.

Nang patayin na ng Mom ko yung tawag, malungkot akong bumalik sa pagkakaupo sa ilalim ng puno pero malayo na ako ngayon kay Allen.

"Ako pa rin ba ang escort sa debut mo?" biglang tanong ng kasama ko dito na si Allen.

Oo nga pala yung debut ko na sa Wednesday. Hayy.. Ang bilis talaga ng mga araw.

"Hindi. Nagbago na isip ko eh. And'yan naman na si Dave. Siya na lang ang escort ko. Saka ayaw mo n'on, masusolo mo na si Claire. Sa kanya mo na lang ibuhos lahat ng atensiyon mo. Huwag mo ng alalahanin yung debut ko." kahit na masakit para sa akin, ito naman ang ikakabuti ng lahat. Walang magseselos na Claire at walang manggugulo sa debut ko.

Mr. Popular meets Ms. Mataray - MPMMM 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon