° ° °
Aecy's POV
•••••
Nilibot ko ang buong bahay. Ang ganda! Second floor siya at dalawa ang kwarto rito. Sabi kasi ni Allen, dito raw ang bakasyunan niya at ng dalawang kaibigan niya. Siya sa isang kwarto at yung dalawa naman sa kabila kaya dalawang kwarto.
"Ang laki pala ng bahay mo dito," manghang kumento ko.
Nginitian niya lang ako saka tumingin sa wrist watch niya tumingin siya sa akin sabay sabing...
"Tara na? Malapit na mag-time," aya niya sa akin. Tumango ako bilang pagtugon. Sabay kaming umalis ng bahay niya at sumakay na sa kotse.
Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan niya kaya mabilis lang kaming nakarating sa school. Puno ng tawanan ang kotse niya. Eh kwento siya ng kwento ng pagkabata niya. Kaya pati ako,napakwento na rin. Ang saya rin palang kasama si Allen. Sa likod ng pag-uugali niya sa ibg estudyante, masayahing tao pala siya. Ang sarap niyang kasama.
* * *
Ella's POV
•••••
Kinakabahan na ako! Nasaan na ba si Aecy?! Gosh! Magta-time na!
Lumabas ako ng classroom para hanapin siya. Nagulat ako sa nakikita ko ngayon. Lumabas sa iisang sasakyan si Aecy at si Allen! At nagtatawanan pa sila ah. Saan b dinalang lupalop ni Allen si Aecy?!
"Aecy!" tawag ko sa bestfriend ko na napahinto sa pagtawa. Lumingon siya sa akin at nginitian ako.
"Yes?" Nakangiting lumingon ito sa akin.
"Saan ba kayo nanggaling?! Kanina pa kita hinihintay sa room, Aecy." Para akong Nanay na pinapagalitan ang mga anak niya. Aishh! Hindi naman bagay sa akin 'yon eh!
Lumapit ako sa kanila at inaya na silang pumasok sa classroom baka ma-late pa kami kapag nagsermon pa ako sa labas.
* * * Fast forward * * *
Maagang natapos ang klase. Umuwi na kami kaagad. Wala naman kaming ibang gagawin sa campus eh.
Kotse ang dala ko ngayon. Si Aecy? Motor niya ang dala niya. Mas cool daw kasi kapag motor ang sinasakyan niya. Mukha siyang gangster princess ng isang palasyo. Oo, prinsesa siya pero hindi bilang gangster kundi anak siya ng may mga kapangyarihan sa buong Thailand. Mommy niya as Queen and her Daddy as the King of Thailand. Kaya sobrang yaman nila.
Nang makarating kami sa bahay, pumasok na ako sa kwarto ko. Bago ko nakapasok sa kwarto ko, may narinig akong taong sumisipol sa kusina kaya napahinto ako. Nagulat na lang ako nang makita ko na may bago kaming kasama dito sa bahay. Nandito ang isa sa mga Yaya ni Aecy. Si Aling Mersing.
Pumunta ako sa kusina. At totoo nga, nandito siya! Pero, paano siya nakapunta rito? Eh sa pagkakaalam ko, bukod kila Allen, sa mga kaibigan ni Allen, kila Queen Aemie at kay King Cristoff, kami lang ni Aecy ang nakakaalam ng address ng bahay. Isama na ang dalawang bodyguards namin na nakakaalam din ng address, wala na kaming pinagsabihan pa.
"Hi, Ma'am. And'yan po pala kayo. Good evening po. Siya nga pala, nakaluto na po ako. Pakisabi na lang po kay Ma—"
Naputol ang sinasabi niya saka may sinilip sa likuran ko.
"Ma'am!" Napaigtad ako dahil sa pagsigaw niya. Lumingon ako sa likod at nakita ko si Aecy na naka-cross ang mga braso sa chest niya.
"Nakaluto ka na ba, Ate Mersing?" tanong ni Aecy sa katulong, tumango naman ito.
"Bakit nandito siya?" Curious ako kaya napatanong ako kay Aecy habang tinutulungan ang katulong sa paghahanda ng hapunan.
"Namiss ako eh. Kaya pumayag ako na dito muna siya ng one week," paliwanag ni Aecy sabay upo sa pinakapaborito niyang spot.
Inaya na niyang sumalo sa amin ang Yaya niya na tinanggap naman ang alok. Masaya kaming kumain ng hapunan dahil patawa ng patawa ang Yaya ni Aecy. Kwinento ba naman yung mga nangyayari sa amin noong mga bulinggit pa kaming dalawa. Tss! Grabe! Ang laki ng ipinagbago ko kumpara noon.
Nang matapos kaming kumain, nagprisinta na si Aling Mersing na siya na ang maghugas ng mga pinagkainan kaya pumayag na ako.
Ilang saglit pa ang nakalilipas, nagpaalam na si Aling Mersing sa amin nang matapos na niya ang kanyang hinuhugasang mga huhugasin. Nagprisintang ihahatid na lang ni Aecy ang katulong niya pero tumanggi ito. Kaya hinayaan na lang niya.
Umakyat na kaming pareho sa taas papuntang kwarto namin. Pumasok na ako ng kwarto ko. Pero lumabas agad ako nang may bigla akong maalala kaya pumasok ako sa kwarto ni Aecy.
Nadatnan ko siyang nakaupo lang sa kama katabi ang phone niya. Nakalunot ang noo niyang tumitig sa akin.
"Bakit nandito ka?" nagtatakang tanong niya habang nakatitig pa rin sa akin.
Ahmm... Paano ba 'to? Hmp! Bahala na nga!
"Ahmm... May itatanong lang ako. Kung okay lang." nag-aalangan kong tanong na may halong pagka-excite.
"Okay. Go!" tugon niya kaya nagpatuloy ako.
Umupo ako sa edge ng kama niya at excited na nagtanong.
"Saan kayo nagpunta ni Allen? Ba't ang tagal niyo?" nakangiti kong sunod-sunod na tanong.
* * *
Aecy's POV
•••••
Napakachismosa talaga ng kaibigan kong ito. Saan ba siya taka nagmana? Hay...
Paulit-ulit akong tinatanong nitong kaibigan ko. Napakakulit talaga. Nagpunta ba naman rito sa kwarto ko para lang kumalap ng tsismis! Kaya wala kong nagawa kundi sabihin ang mga nangyari kanina. Para manahimik na.
"Ayieeeee! Isinama talaga siya sa bahay ni Allen. Ayieee!" Hala! Parang t*nga.
"Ano naman ngayon," inis kong sabi sa kanya saka inirapan. Tsk. Bahala siya d'yan. Para siyang t*nga.
"Ang cute-cuuuuuuute mo talagang mainis. Hahaha!" Tuwang-tuwa pa ang bruha.
Hay! Ewan ko sayo, Ella!
"Umalis ka na nga dito! Shoo! Gagawa pa ako ng assignments! Ikaw din kaya, gumawa ka na." pagtataboy ko sa kanya. Inirapan lang ako.
"Ito naman! Ang taray-taray! Hindi man lang mabiro. Hmmp!" reklamo niya sabay talikod. Tsk. Bahala na nga siya sa buhay niya.
Padabog siyang umalis ng kwarto ko. Hay... Para siyang batang hindi binilhan ng paboritong lollipop.
Kumuha na lang ako ng ice cream sa freezer ko at kumuha ng bowl at kutsara. Hindi ko naman kasi maubos yung buong laman ng ice cream's plastic box. Kaya kala-kalahati lang.
Binuksan ko na lang yung laptop ko at nanonood sa YouTube ng paborito kong Korean Drama na sikat na sikat ngayon.
BINABASA MO ANG
Mr. Popular meets Ms. Mataray - MPMMM 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[COMPLETED] Hindi ba pwedeng magkaroon ng love sa pagitan ng pagiging MATARAY at pagiging POPULAR? Book 1: Mr. Popular meets Ms. Mataray Book 2: Still In Love with Mr. Popular Highest rank: #3 daniella (April 27, 2021) #2 oliver (September 1, 2021) ...