° ° °
Aecy's POV
---
"Okay, class. Dismiss." sabi ng teacher namin sa English na si Ms. Yulong. Sa wakas! Natapos na naman ang klase namin. Makakapagpahinga na ako mamaya.
Sabay kaming umuwi ni Ella. Si Austin? Umuwi na sa bagong bahay nila dito sa Quezon. Mag-i-stay daw muna sila dito ng two years. 'Yon ang pagkakaalam ko.
Tahimik lang akong nagda-drive pauwi ng bahay nang biglang magring ang phone ko.
Unknown number
Its Allen. Siya lang kasi ang unknown dito sa phone contacts ko. As in wala talaga siyang name dito. Dahil sa.. ayaw ko lang.
Hindi ko iyon sinagot. Punabayaan ko lang magring ng magring. Wala namang mawawala sa akin kung hindi ko sasagutin 'yon 'di ba?
RRRIIINNNGG! RRRRIIIINNNGGGGG!
Pero ang kulit talaga ng loko! Hindi ako tinigilan! Kakainis naman oh!
Inis kong sinagot ang tawag sa phone ko. Bago pa o mabingi sa paulit-ulit na ring nito.
"Bakit ba?!" inis kong sagot sa kabilang linya.
["Wala bang 'hello, babe.' d'yan?"] loko talaga 'to.
"Wala! Saka ano bang kailangan mo?!" bulyaw kong tugon sa kabilang linya.
["Bakit ba ang taray-taray mo?!"] sigaw niya sa akin mula sa kabilang linya.
"Eh bakit ba?! Pakialam mo!" taray kong sagot saka pinatay ko na ang tawag.
Ibinalik ko na ang phone ko sa passenger seat. Ipinagpatuloy ang pagda-drive hanggang sa matapat na ako sa gate.
* * *
Nang makapasok na ako ng bahay, pumasok na ako sa kwarto ko. At balik sa dating gawi. Nagpunta na ako sa kusina para magluto.
"Aecy, tumawag sa akin si Mommy kanina. Sabi niya, gusto niya raw tayong makita this weekend. Lalo na n'ong nalaman niyang nandito na sa Pilipinas si Austin, ngayon gusto niya raw na isama natin yung ugok na 'yon." hahaha! Ang sarap asarin nitong babaeng 'to.
"Eh 'di okay. May kasama tayo." dahil sa sinabi ko, nakakunot ang noo niyang tinitigan ako. Ako? Tawang-tawa lang dito sa kinatatayuan ko habang nagluluto.
"Walanghiya ka, Aecy! Talagang pinapainit mo ulo ko, epal ka." hahahaha! Wala akong masabi dahil tawang-tawa ako sa itsura niya.
"Ang cute mo kasing magalit. Hahahahahaha! Ahahahaha!..." tuloy lang ako sa pagtawa habang siya, panay ang pagtataray sa akin.
"Tsk." rinig kong bulong sa hangin ng kasama ko saka umupo sa dining chair na nasa kanang part.
Nang maluto ko na ang hapunan namin, tinulungan niya kong maghanda. Nang makapaghanda na kami, sabay kaming kumaing dalawa sa hapagkainan.
"Kailan pala yung sinasabi ng Mommy mo na pupunta tayo doon at bibisita? Sabado ba o linggo?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain naming dalawa.
"Tanong ko pa ah. Sabi niya kasi weekend daw eh. Ewan ko ba d'on! Ang gulo kausap." loko talaga 'tong Ella na 'to. Mommy niya, ginagan'on niya kapag wala siya sa harapan ng Mom niya.
Nang matapos kaming kumain, nagligpit na siya ng pagkainan at hinugasan na ang mga iyon. Nang matapos na kami sa kusina, pumasok na kami sa kanya-kanya naming kwarto.
Nang makapasok na ako sa kwarto ko, kinuha ko ang laptop ko. Kumuha ako ng isang bowl ng ice cream sa ice cream's freezer ko na nasa kwarto ko.
Marami ring kutsara at bowls dito eh. Nilagay ko para hindi na ako pabalik-balik sa baba sa kusina makakuha lang ng bowl at kutsara doon.
Habang kumakain, naka-online ako sa facebook ngayon. Nasa kalagitnaan ako ng pag-scroll nang biglang tumunog yung messenger ko. Message ulit.
Tinignan ko iyon. Napahawak ako ng mahigpit sa bowl na hawak ko nang makita ko kung kanino galing ang message. It's from Allen again. I don't know if he doing this because he's just bored or what. Argh!
From: Allen Mitherford
-Can we talk? Nasa tapat ako ng gate ninyo ngayon. Please?"
O--oh.. Nandito na naman siya. Ano na naman bang kailangan nito?! Tsk. Whatever.
To: Allen Mitherford
-Nope. Ayoko nga. Get out!
Pssh! Baboosh! I don't want to talk to you! Sayang naman 'tong ice cream ko kung iiwan ko para lang makipag-uaap sayo 'noh. Manigas ka d'yan.
KLING!
From: Allen Mitherford
-Okay. Dito lang ako hangga't hindi ka nakikipag-usap sa akin. Hindi ako aalis.
Pssh! E 'di huwag kang umalis! Madali naman akong kausapin eh. Kung ayaw mong umalis, eh 'di huwag! Hindi naman ako namimilit ng tao.
Pinatay ko na yung laptop ko at nahiga na sa kama. Pero bakit gan'on? Hindi ako makatulog. Kahit na pilitin kong pumikit, hanapin ang pweato kung saan kompurtable akong makatulog, ayaw talaga. Pssh! Ano bang nangyayari sa akin?!
Wala ako sa sariling lumabas ng bahay. Natagpuan ko na lamang ang aking sariling pinabuksan ang gate at pumupunta sa pwesto ng taong nandito sa labas. Sino pa ba ang nandito? Isang tao lang ang sigurado ako, si Allen ito.
Aisshh! Ayaw akong patulugin ng konsensiya ko eh! Bakit ba may konsensiya pa ang mga tao?! Dapat wala na lang!
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko. Gano'n din sa paglabas ko sa pintuan ng bahay. Baka kasi tulog na si Ella. Baka magising. Ligtas naman akonv nakalabas ng gate.
Naabutan ko siyang nakaupo sa simento at nakadukdok ang mukha sa tuhod niya. Tsk. Kung wala lang akong awa, hinding-hindi ako maaawa sa kanya. Dahil wala nga akong awa. Hahaha! Para akong t*anga! Sige, balik sa reyalidad...
Kakalabitin ko sana siya nang bigla siyang nag-angat ng tingin at tumayo. Mukhang nagulat ko 'ata.
I just crossed my arms into my chest then asked him why he want to talk to me.
"For a favor?" mukhang nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya iyon o hindi sa akin.
"Then? What favor?" I asked him. Before he answer my question, he let out a deep breath.
"Ahmm... Huwag mo na akong kainisan kung okay lang? Gusto ko kasing makipagkaibigan na sayo." tignan mo 'to. Matapos akong asar-asarin, ngayon kakaibiganin ako. Lakas talaga ng tama ne 'to.
"Tsk. Ako, kakaibiganin mo?" paninigurado ko sa sinabi niya.
"Oo. Bakit? Ayaw mo ba? Ayaw ko ng makipag-away sayo, okay? Kaya nandito ako para makipag-ayos." tinitigan ko siya habang lumalapit sa akin.
"I know, you have a reason why you don't want to be my friend. But, I don't want you to be my enemy forever. So, I'm sorry for what I've done before." tuloy niya sa sinasabi niya.
"Okay. Madali naman akong kausap eh." mukhang sincere naman siya. Kaya ayis lang na magkaayos na kami.
"Ahmm... I'm sorry, too. Sa mga sinabi ko saka sa mga ginawa ko." sabi ko saka inilahad ang kamay sa kanya na tinanggap naman niya.
"Friends." sabay naming sabi saka nagngitian.
Parang nabunutan ng malaking tinik ang puso ko. Ang sarap pala sa pakiramdam ng wala kang kaaway na iniisip. Hayy..
BINABASA MO ANG
Mr. Popular meets Ms. Mataray - MPMMM 1 [COMPLETED]
Fiksi Remaja[COMPLETED] Hindi ba pwedeng magkaroon ng love sa pagitan ng pagiging MATARAY at pagiging POPULAR? Book 1: Mr. Popular meets Ms. Mataray Book 2: Still In Love with Mr. Popular Highest rank: #3 daniella (April 27, 2021) #2 oliver (September 1, 2021) ...