° ° °
Allen's POV
---
Nasa cafeteria kami ngayon nila Oliver. Pinag-uusapan ang mga nakita nila kanina. Yung kumakalat na tsismis sa buong campus ngayon. Yung tungkol sa amin ni Claire.
Lumapit ng upo si Oliver at pabulong na nagtanong. "Totoo ba, bro? Na fiancé mo ang Claire na 'yon?" I nodded.
Napalayo siya ng kaunti saka tinitigan ako na para bang hindi makapaniwala "Woah~. So, paano na yung plano mo para kay Aecy? Yung dare namin. Yung mga--" naputol ang sinasabi niya nang bigla akong tawagin ni Claire.
"Hey, guys!" bati niya kila Barry saka tumingin sa akin. "Darling? Medyo maaga pa naman eh. Tara sa park. Balita ko kasi, maganda raw doon. Please? Pasama ako." aya niya saka sinundan ng puppy eyes at pout.
Wala akong nagawa kundi ang samahan siya. Bestfriend ko eh. Baka magtampo.
° ° °
Aecy's POV
---
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang biglang magring ang phone ko kaya nahinto ang music na pinapakinggan ko.
Tinignan ko ang screen kung sino 'yon. Its Austin. Ano na naman bang kailangan nito?
"Bakit?" panimuka kong tanong sa kabilang linya.
["Bakit agad? Hindi ba pwedeng 'Hello' muna, Ate?"]
"Tsk. Whatever, couz. So, what do you want?"
["Ahmm.. Pwedeng patulong po? I want to surprise your bestfriend this evening. Please? Help me. I need yah, Ate."] aww.. Ang sweet naman ne 'tong lalakeng 'to. Sarap itapon.
"Teka? Para saan ba?" takang tanong ko.
["Wala lang po. I just want to surprise her."] aww.. Ang sweet talaga.
"Okay. Sunduin mo na lang ako mamaya sa bahay namin ni Ella. Alam mo naman yung address 'di ba? Tinext ko dati sayo."
["Yup!"]
"Okay." hindi ko mapigilang ma-excite para sa gagawin naming surprise mamaya.
Nang maibaba ko na ang phone ko at mailigpit na ang libro ko sa bag ko, nagbalak na akong bumalik sa campus. Paalis na sana ako nang may makita na naman akong hindi ko gusto.
Nakita ko lang naman ang dalawang lovers ng campus. Alam niyo na. Its Allen and Claire. Again. Urgh! Kailan ba sila titigil na sundan ako?
O talagang.. naga-assume lang ako. Argh! Bwisit naman oh! Nagiging assuming na tuloy ako!
Nagsusubuan lang naman sila ng egg ball habg nakaupo sa isang bench limang metro ang layo mula sa kinatatayuan ko.
Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na ako sa paglakad. Napahinto ako nang may tumawag ng pangalan ko. Isang pamilyar na boses.
"Aecy!" nilingon ko iyon. Nagulat na lang ako nang maaninag kung sino 'yon. Its my cousin! It's Dave!
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "I miss you, baby girl." pabulong niyang sabi habang nakayakap sa akin.
Bumitaw ako sa pagkayakap. "A--anong ginagawa mo dito? Ang akala ko, sa friday pa ang uwi mo. Bakit parang napaaga yata?" I asked him.
"Napaaga yung flight ko kasi namiss kita." sagot niya saka kinurot ang pisngi ko.
"Ay sus.. Ako ba talaga yung namiss mo o yung mga luto ni Mom." biro kong sabi sa kanya dahilan para lumawaka ang ngiti niya at inakbayan ako.
"Alam mo naman pala yung tunay na dahilan eh." argh! Sabi na eh, nakakaselos tuloy.
Inalis ko yung pagkakaakbay niya saka padabig na nilampasan siya. "Tsk. Ewan ko sayo." kunwaring naiinis kong sabi.
° ° °
Allen's POV
---
"Tara na." aya ni Claire kaya tumayo na kaagad ako at sumunod sa kanya.
Nasa kalagitnaan kami ng paglakad nang makita ko si Aecy na may kasamabg ibang lalake. Nakaakbay ito sa kanya. Minsan tatanggalin iyon ni Aecy pero uulitin lang n'ong lalake.
Dahil sa nakikita ko, para akong nasasaktan sa tuwing lilingon ako sa side nila. Parang may tumutusok na karayom sa dibdib ko. Nasasaktan ako nang hindi ko naman alam ang dahilan. Ang weird!
Ano bang nangyayari sa akin? Dahil ba ito sa nakain namin ni Claire kaya naging marupok na ako? Argh! Nakainis naman oh!
Parang may sariling isip ang mga paa kong kusang lumapit sa kanila. Aakbayan sana ulit n'ong lalake si Aecy nang bigla ko siyang pigilan.
"Ayaw na nga niya, ipinipilit mo pa." matiim ko siyang tinitigan sa mga mata.
Napatingin siya sa pagkakahawak ko sa braso niya. "Ano bang problema mo?!" bumitaw siya sa pagkahawak ko sa braso niya. "At tsaka, sino ka ba?!" hindi ako umimik pero nanatiling nakakunot ang noo ko.
Bumaling siya kay Aecy. "Baby girl, kilala mo ba 'to?" tanong niya saka ako dinuro.
Nagtaas-baba akong tinitigan ni Aecy bago sumagot. "Oo, kaklase ko lang naman 'yan, baby boy eh. Tara na nga!" simple niyang sagot saka hinila na yung lalake.
Baby girl?! Baby boy?! 'Yon ba ang call sign nila? Tss. Ni hindi man lang niya pinaalam sa akin na may boyfriend na pala siya. Ni hindi man lang niya sinabi na kaibigan niya ako. Psh. Bumalik na naman ba ang pagkataray niya?
Naiwan akong nakatulala lang at napapaisip sa park. Itong kasama ko? Nanatili lang sa likuran ko. Tumingin ako sa kanya at inaya ng bumalik sa campus.
* * *
Nang makarating kami sa campus, pumasok na kami kaagad sa next class namin. Tutal magkaklase namn kami kaya okay lang na magsabay kaming dalawa.
"Bro!" tawag sa akin ni Oliver. Lumapit siya sa akin at kumunot ang noo niya nang makita ang mukha ko.
"Oh, bakit ganyan 'yang itsura mo? Parang mukhang galit na galit ka." takang tanong niya. Hindi ko siya pinansin at inis akong umupo sa upuan ko.
Sa bandang likuran ng girls, nakita ko siyang nagbasa ng libro kaya kinuha ko ang chance na magkausap kaming dalawa.
Umupo ako sa tabi niya. "Ahmm.. Aecy? Si--"
"Good morning, class?" naputol ang sasabihin ko nang biglang dumatung yung babaeng teacher namin. Si Ms. Balinon, our Araling Panlipunan teacher.
Bwisit naman oh! Hindi ko na naituloy! Kainis!
° ° °
Aecy's POV
---
Kaninang nilapitan ako ni Allen, feeling ko may sasabihin siyang napakaimportante na hindi niya lang nasabi dahil dumating yung teacher namin. Tsk! Pakialam ko naman 'noh. Kaya nga hindi ko siya pinansin kaninang tinawag niya yung pangalan ko. Bahala siya sa buhay niya.
Ibinaba ko na ang headphone ko pati ang binabasa kong libro at inilagay ng lahat ng iyon sa bag ko at nakinig na lang ako sa teacher.
BINABASA MO ANG
Mr. Popular meets Ms. Mataray - MPMMM 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[COMPLETED] Hindi ba pwedeng magkaroon ng love sa pagitan ng pagiging MATARAY at pagiging POPULAR? Book 1: Mr. Popular meets Ms. Mataray Book 2: Still In Love with Mr. Popular Highest rank: #3 daniella (April 27, 2021) #2 oliver (September 1, 2021) ...