° ° °
Aecy's POV
•••••
Bakit iba yung naramdaman ko kanina na malapit yung mga mukha namin ni Allen? Bakit parang uminit yung mukha ko habang hinihipan niya kanina yung mata ko? Hindi kaya... sign na 'to para masabi kong mahal ko na rin si Allen?
Dapat may gawin akong something para malaman ko kung mahal ko na nga siya o hindi.
Aha! Alam ko na!
"Ahm... Pwed—"
Pinutol ko ang kanyang mga sinasabi ng isang halik na magiging dahilan para malaman ko at malinawan ako sa nararamdaman ko para sa kanya.
Sigurado akong nagulat siya sa ginawa ko pero wala na akong paki doon. Gusto ko lang naman malaman kung sigurado na ba ako sa nararamdaman ko o hindi.
Nang bitawan ko ang mga labi niyang sobrang lambot, nagtaka ako. Tinalikuran ko ito nang malaman ko ang ginawa ko. Medyo nakakahiya, haha!
Bakit ganon? Wala namang nangyari?
Kinapa-kapa ko yung lips ko.
Bakit wala namang nangyari sa feelings ko?
Tiningala ko siya. Namimilog pa rin ang mga mata. Hay... Masyadong nagulat.
Nagulat na lamang ako nang hilain niya ako bigla paharap sabay sabing... "Ako naman." Saka ako...
HINALIKAN!
Wala. Hindi ako makagalaw. Parang na i-glue yung buong katawan ko.
Then, sa pangyayaring iyon ko naramdaman ang gusto kong maramdaman kanina. Yung mabilis na pintig ng puso ko. Yung parang may kung ano sa tiyan ko, at yung kuryente na naramdaman ko rin noong hinalikan ni Allen yung pisngi ko sa apartment niya.
Tinapos ko na ang halik niya sa mga labi ko at pinagdikit ang mga noo namin, saka ako tumingin sa kanya na nakapikit pa rin hanggang ngayon.
Hinawakan ko ang pisngi niyang napakalambot, at ngumiti. Ngayon ko lang kasi naramdaman ito. Feeling ko, siya na ang kukumpleto sa akin.
"Thank you, Aecy. For a chance that you gave to me para ipakita at iparamdam say, na totoo ang nararamdaman ko sayo at ang intensyon ko. Salamat, mahal ko," aniya, at saksi ako sa pagpatak ng ilang luha niya, na umagos sa pisngi niya. Ngayon ko lang kasi nakitang umiyak ito. Tahimik pala siya kapag umiiyak. Ngayon ko lang nakita at napansin.
Inihiwalay ko na ang noo ko sa pagkakadikit sa noo niya. "It's okay. Baka kasi masaktan ka kapag hindi ako pumayag," I answered, before I gave him a wide smile.
He did the same that I did. Until the bell rang. I said 'see you around' (and not 'goodbye') by waving my right hand before we left that place and go to our assigned classrooms.
I was shocked when I saw Allen inside our classroom. Why he's here? I thought, he and Liane are classmates. But, why he's here? Why Liane didn't told me about this?
I looked at my left side. Because I heard a voice that sounded familiar to me, and to my surprise, I saw Liane standing near at the girls locker room.
Well, the voice that I've heard this past few seconds is from her. Finally, maitatanong ko na yung about kay Allen. Kung bakit siya nasa section namin.
"Liane?" Kinalabit ko siya.
Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Hi, Princess Aecy! Is there something bothering you?" she asked.
This is Liane Leumpheng. My spy here in our school, my friend, and also she's my side kick everytime that I got in a trouble.
"Yes, there's something bothering me right now," I replied.
Kumunot ang noo niya. "What is it? Tell me."
I sighed. "Why Allen is there?" tanong ko, sabay turo sa classroom namin.
Naningkit ang mga mata kong tumitig sa kanya. "Is there something information that you didn't told me yet? Like... about this. Ngayon ko lang nalaman. Kung hindi pa pala ako pumasok ng classroom ngayon, hindi ko pa malalaman," saad ko. Napayuko siya nang dahil sa sinabi ko.
"I'm so sorry, your highness. Ang buong akala ko po kasi, wala kayong pakialam sa kanya dahil bago lang siya dito. I'm so sorry, please forgive me." tugon niya.
"Okay. You're forgiven," kalmado kong sagot. Nagpasalamat siya sa akin. Nagpaalam na ako na pupunta na ng classroom at binilin ko na bantayan lahat ng mga galaw ng ibang tao dito sa school.
Nang makarating ako sa loob ng room namin, nakita ng dalawang mga mata ko na pinagpipyestahan na si Allen. Ang daming mga babaeng nakapalibot sa upuan niya. Pero nang makita niya ako, tinawag niya ako sa pangalan ko. Dati naman na kaming magkaibigan kaya okay na 'yon.
"I would like you to meet my future wife!" sigaw ni Allen sa classroom kaya nagtinginan ang lahat sa kanya. Yes, sa kanya lang lahat ng attentions.
Inilahad niya ang kamay niya sa gawi ko na siyang ikinagulat ko. "My future wife! My future Mrs. Aecy Recca Santos-Mitherford!" Hala! Tapos lahat sila nagpalakpakan! Hala! Nakakahiya!
Nilapitan niya ako saka kinuha ang kanang kamay ko. Hindi ko mapigilang kiligin sa mga da moves niya. Eh kasi naman ih! Hehehe! Landi!
Ikaw Aecy ah! Kailan ka pa natutong lumandi? Hahaha!
Nagkatitigan kami ng ilang minuto bago siya nagsalita. "I want to be your husband, my princess. Kaya sana, soon or later, sagutin mo na ako."
Hala! Bakit hindi ako makapagsalita? Hindi rin ako makagalaw!
Inilagay niya ang mga kamay ko sa leeg niya at tsaka hinawakan ako sa bewang. Niyakap niya ako at hinalikan sa leeg. Oh gosh! His sexy lips again!
I smell his scent. Pambabae pa nga yung perfume na naamoy ko sa damit niya. Ang bango! Amoy mamahaling pabango. Ang class niya ah.
Nanatili kaming ganoon ng ilang minuto pero bumitiw rin kami. Saka nagngitian na dalawa habang ganoon pa rin ang posisyon namin.
May saglitang katahimikan ang lumukob sa amin na binasag ko rin kinalaunan. "I will promise that I will give you my special YES in a right time and in a right place. Not here, and I'll make sure that that day will make you very happy. And that date will be a special and memorable for you." I smiled at him after saying that promise.
Yes, sasagutin ko na siya. Wala na akong pakialam kung habulin ba siya o kung ano. Ako naman ang mahal niya, at naniniwala ako na hindi niya ako ipagpapalit sa iba.
Dali-dali kaming umupo sa mga upuan namin nang marinig namin ang mga yabang ng teacher namin ngayong umaga.
»»»»»»
»»»
»»»
»»»
I'm sorry sa mga wrong grammars ko dito. Pasensya na. Basta i-enjoy niyo na lang ang pagbabasa. Thank you kapag nag-vote rin kayo. Thank you rin kapag nag-comment kayo ng maganda. Na-aappreciate ko lahat ng 'yan.
Kung may gusto kayong ipa-mention, just comment below or message me na lang. Thank you so much, guys!
BINABASA MO ANG
Mr. Popular meets Ms. Mataray - MPMMM 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[COMPLETED] Hindi ba pwedeng magkaroon ng love sa pagitan ng pagiging MATARAY at pagiging POPULAR? Book 1: Mr. Popular meets Ms. Mataray Book 2: Still In Love with Mr. Popular Highest rank: #3 daniella (April 27, 2021) #2 oliver (September 1, 2021) ...