° ° °
Aecy's POV
•••••
"Cutie cake, I can't promise na makakapunta ako for our date tonight. I'm super busy kasi ngayon sa office natin. Kung gusto mo, if you're free, ahm... Then, help me na lang. IF, you're free. Pero kung hindi, it's okay," sabi niya habang inaayos ang necktie niya sa harap ng salamin. Papunta siya kasi sa office ngayong umaga. Pinuntahan ko siya dito sa bahay nila. Ibinigay na niya kasi yung address nila noong first date namin. So, pwede ko na siyang puntahan anytime.
"Ahm... Cutie pie, wala naman akong gagawin sa office ko mamaya so, pwede kitang tulungan," I replied then I gave him a warm smile.
Pinaka vaccant ko kasi this morning. Walang reports na dumating. Meron, pero kahapon yung mga naiwan sa office ko sa AC Company. Mga tatlo lang ata 'yon eh. Pwede ko namang basahin mamaya or bukas. O kaya ipapabasa ko na lang sa secretary ko.
"Okay," sagot niya saka humarap sa akin. "Thank you, my cutie cake," nakangiting aniya saka piningot ang ilong ko. Ouch! Ang sakit kaya!
Kaya dahil sa ginawa niya, tinarayan ko siya. Ang sakit kasi ng ginawa niyang pamimingot sa ilong ko eh.
Nasa kalagitnaan kami ng harutan nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Allen. Oo, nandito kami at tinutulungan ko siyang mag-ayos ng mga gamit niya. Ang tanda-tanda na niya, hindi pa rin marunong mag-ayos ng sariling gamit. Hayy...
Iniluwal ng pintuan ng kwarto ang dalawang kutong lupa—ah, este... mga kaibigan ng boyfriend ko. Haha!
"Hi, Aecy!" bati ni Oliver saka ako kinindatan.
"Hey! Huwag mo ngang kindatan itong asawa ko!" Naku! Saktong kinindatan pala ako ni Oliver ay iyon naman ang paglingon ni cutie pie. Hahaha! Lagot kang kutong lupa ka!
"OA lang, bro?" sabat naman ni Barry.
Ahm... Oo nga, kilala ko na sila. Sa tuwing nagv-video call silang magkakaibigan, nakikisali ako. Kaya doon ko sila nakilala. Pinakilala sila ni Allen sa akin eh.
"What?" walang emosyong tanong naman ni Allen.
"Okay. Fine, I'm sorry, Allen. Masaya lang ako na nakabalik na kayo from Thailand. So, how's your flight, Aecy? And... you, Allen?" pang-iiba ng usapan ni Oliver.
"We're okay, Oliver," sagot ni Allen saka ako inakbayan. Soooooooo possessive! Ewan ko ba! Pagdating sa akin talaga, ang pose-possessive niya. Tsk!
"Sige na. Tama na nga 'yang diskusyon na 'yan." Hinila ko na si Allen dahil baka malate siya. "Tara na, cutie pie. Baka ma-late ka pa nang dahil sa mga kutong lupa mong mga kaibigan." Hindi ko na hinintay ang mga naging reaksyon ng mga kaibigan ng boyfriend ko dahil hinila ko na kaagad si Allen papuntang garage. Pinasakay ko na siya agad at pinag drive na.
Hahaha! Takot kaya sa akin 'yan. Akalain niyo 'yon. Ang dating Mr. Popular ay naging sunod-sunuran na lang sa girlfriend niya? Eh i-prinomise niya kasi sa akin na gagawin niya ang lahat at ibibigay sa akin lahat pati ang faith niya. Dahil ganun niya daw ako kamahal.
Ibibigay niya lahat dahil alam niyang alam ko na lahat ng magiging gusto ko ay siyang magpapasaya sa akin at makakabuti para sa aming dalawa.
Nasa kalagitnaan ako ng pagdadrive nang biglang magring ang phone ko. And it's my Dad. So, automatically I answered it.
"Hello, Dad?"
["Hi, anak. How's your flight? Is there something wrong? Kumusta?"]
Hahaha! Daddy talaga. Sobrang maalalahanin pagdating sa akin.
"Dad, you don't have to worry about me and Allen. We're fine. We're okay. Tsaka I can handle myself. Dad, nakakalimutan mo bang nagmana ako sayo? My gosh! Dad, matanda na po ako," saad ko.
["Anak, iba pa rin kapag nakakamusta ko kayo. Para makasiguro lang ako na ligtas nga kayong nakauwi at hindi kayo nasundan ng mga kalaban na'tin na taga ibang kumpanya."]
Oh. My. Daddy.
Argh!
Alam naman niyang kaya ko namang makipaglaban eh. Tsaka may tagapagligtas na ako kung sakali mang nasa panganib ako, and that's the person who I love the most. Guess who?
Allen Mitherford.
["Oh, siya, sige na nga. Bye, anak. Take care always,"] dugtong ng Daddy ko saka pinatay ang tawag.
Ibinaba ko na ang phone ko at nagpatuloy na sa pagdadrive. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo baka kasi kanina pa ako hinihintay ni Allen sa office niya.
Nang makarating na ako sa Mitherford Group of Companies, i-pinark ko kaagad sa parking lot ang kotse ko at dumiretso na sa elevator at pumunta na nga ako sa 16th floor ng building.
Nakita kong nakaupo ang cutie pie ko ng mga reports. Tambak sa lamesa niya ang mga papel na naglalaman ng iba't ibang klase ng reports. Hay... Ilang linggo ba'ng hindi nagbasa ng nga reports 'to? Sobrang dami kasi.
As in SOBRA!
"Cutie pie?" Lumapit ako sa boyfriend ko. "Ito ba lahat ng mga reports na binabasa mo? Parang sobrang dami naman yata nito."
He turned his gazed on me. "Yep! These are all reports for today, cutie cake. Ibinigay ko na nga yung iba sa secretary ko eh. Pero kahit na marami itong mga babasahin kong reports, sisikapin ko itong tapusin para sa date natin later, okay?"
Bigla akong napaisip sa naging sagot niya.
Marami siyang gagawin. I'm sure na haggard siya kapag natuloy yung date namin mamaya. Eh kung...
"Cutie pie, eh kung huwag na lang na'tin ituloy yung date natin ngayon. Next week na lang. Kasi ang dami mong reports na kailangang tapusing basahin eh." Nginitian niya lang ako nang marinig niya ang tugon ko.
"Okay. Ikaw nagsabi eh. Thank you, cutie cake! I appriciate it, sooooo much," he replied and kissed my forehead.
Tinulungan ko na lang siya sa pagbabasa at sa pagtawag sa mga taong kailangan sabihan para sa mga kailangang baguhin sa ibang plano pati ang mga ibang papeles na kailangan asikasuhin para madaling maiproseso ang projects sa iba't ibang panig ng mundo.
Ginamit ko na lang ang isang phone ko na luma para pantawag sa mga tao na sakop ng MGC projects.
***
Gabi na ng matapos kami doon sa ginagawa namin. Hoooh! Nakakapagod! Sobrang nakakapagod talaga. Buti sa office, konti lang ang reports na babasahin ko.
Inaya ko ng umuwi si Allen. Pinauwi ko na siya. Ako naman, gumamit na ako ng condo pero sa ibang building na. Hindi na ako bumalik sa dating condo ko 'noh. Ipapasabi ko na lang sa secretary ng may-ari ng building na ipagamit na nila ang condo na 'yon. Dahil hindi na ako magi-stay doon.
BINABASA MO ANG
Mr. Popular meets Ms. Mataray - MPMMM 1 [COMPLETED]
Teen Fiction[COMPLETED] Hindi ba pwedeng magkaroon ng love sa pagitan ng pagiging MATARAY at pagiging POPULAR? Book 1: Mr. Popular meets Ms. Mataray Book 2: Still In Love with Mr. Popular Highest rank: #3 daniella (April 27, 2021) #2 oliver (September 1, 2021) ...