5

598 49 4
                                    

-SS-

---

Nasa school na ngayon sina Aecy at Daniella. Pumunta muna sila sa cafeteria kasi alam niyo na, bored.

Umupo sila sa pinaka gitna na parte ng cafeteria. Nasa kalagitnaan sila ng pagtawa nang may mapansin silang mga naka paper plate with hotdog, fried itlog, longanisa, spaghetti, burger and one cup of rice. Ang dami ah! And.. May note pa! Binasa iyon ni Aecy at ito ang mga nabasa niyang words...

- This is for you, babe. Eat well. Good morning, by the way.

- Allen

Nagtagis ang bagang ni Aecy nang mabasa ang note na nasa table katabi ng mga paper plate. Talagang inis na inis na siya. Punong-puno na siya. Pero pinigilan niya iyon dahil naisip niya na hindi para sa kanya iyon at nagfi-feeling lang siya.

* * *

Aecy's POV

---

"Ate, kanino po ito?" tanong ko sa isang tauhan sa cafeteria.

"Ahm.. Sabi no'ng lalake kanina, para daw 'yan kay Aecy Santos. Bakit? Ikaw ba 'yon?" - babaeng tauhan sa cafeteria.

"Opo."

"Hay naku, ija. Ang swerte naman ng lalakeng 'yon. Ang ganda mo at ang bait mong bata. Magalang pa." hindi ko mapigilang mapangiti. Pumalakpak na naman kasi yung tenga ko dahil napuri ako. Hahaha!

"Pssh. Mataray naman." singit ni Ella na ikinairita ko. Panira eh 'noh. Walang kwentang kaibigan! Sukat ba namang i-down ako.

"Ano, ija?" tanong ni Ate. Napansin 'ata na may sinabi si Ella. Bwisit kasi 'tong babaeng 'to! Kung ano-anong sinasabi!

"W--wala po. Hehe!" nanlaking tumitig sa kanya ang mga mata ko. Lagot sa'kin 'to mamaya. Kakainis!

"Ate pakitapon na lang po lahat ng 'to. Busog pa po ako eh---" utos ko kay Ate na kinontra ng napakagaling kong kaibigan.

"Huwag, ate. Akin na lang." putol ni Ella kaya napatitig ako ng masama sa kanya. Baliw ba 'to? Kailan pa naging mahilig sa libre 'to?

"Ella!" suway ko pero nginitian lang ako ng loko.

"Eh sayang naman saka kay baby Allen naman pala galing oh. Kaya kung ayaw mo, akin na lang." argh! Kaya naman pala! Patay na patay ang loko sa lalakeng bagong silang na 'yon. Tsk! Ang pangit kaya niya. Ano bang meron sa lalakeng 'yon at habulin siya?! Popular nga pero suplado naman. Ewan! Kakalito talaga mga ibang kabataan ngayon sa totoo lang.

"Tsk. Bahala ka na nga d'yan." dahil sa inis ko, iniwan ko na siya doon sa cafeteria. Wala na ako sa mood.

Pumunta na ako sa morning class namin. Si Ella? Andito sa likuran ko. Nakasunod sa akin. Nagpapaganda sa mga dumadaan.

She's in the middle of hallway while walking like a bitch. May palugay-lugay ng buhok ang nanay niyo. Kahit na pinagtitinginan, wala siyang pakialam.

Oh well, me too. I mean, I don't care kung ano man ang sabihin nila sa kanya. Eh sino ba naman ang hindi mababanas? Makikita mong parang baliw sa gitna ng hallway ang bestfriend mo. Pfft! That's not nice!

Nang makarating na ako, nagmadali akong pumasok at umupo sa upuan ko. Wala pa namang teacher eh kaya magbabasa muna ako ng libro.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa, nang biglang magsitilian ang mga kaklase ko. Sinubukan kong hindi sila pansinin pero, wala talaga eh. Ang iingay nila. Nakakarindi! Ang sakit sa tenga!

Kaya ibinaba ko na muna ang libro ko, at tumayo.

"Hoooooooyyyyy!!!! Tumigil nga kayo! May nananahimik dito oh! Bakit?! Kayo lang ba ang tao rito?! Kayo lang?!" sigaw ko sa classroom kaya tumahimik sila at napatingin sa akin.

Nahawi bigla ang mga babaeng nagtitilian at may lumabas doong tatlong lalake. Naghalong inis, pagkagalit at pagkabwisit ang naramdaman ko nang maaninag ko kung sino-sino ang mga iyon.

That Allen Mitherford! Again! And his.. two bodyguards I guess? Oh... I don't know. Sorry. Palagi niya kasing kasama.

Or maybe, they're his butlers? Two butlers. Hahaha! Ngayon lang ako nakakita ng mga butlers na maliliit ang katawan. Walang ka-muscles-muscles.

Oh.. Poor Allen. Hindi siya maipagtatanggol ng mga ito kung sakaling saktan ko siya.

"How are you, babe?" that's Allen who slowly walking palapit sa pwesto ko. So scarry! I'm scared!

"Stay there. Stay!" pigil ko sa kanya pero hindi man lang siya sumunod. Peste talaga 'tong lalakeng 'to! Gaano ba katigas ang ulo niya? Bato?! O talagang sadyang puno lang ng tutuli ang tenga.

Nagpatuloy siya sa paglapit. Ako naman, patuloy ang pag-atras haggang sa ma-trap ko sa isang sulok ng kwarto namin. Hindi ko mapigilang kabahan sa mga susunod na mangyayari! Argh!

"Hindi ka man lang ba magte-thank you sa inihanda kong breakfast para sayo?" nakangisi niyang bulong sa akin habang itinatapat niya ang mukha niya sa mukha ko. Siguro mga... two inches na lang ang layo?

Ang kapal rin pala nito eh 'noh?! Pssh! Hindi ko naman type yung mga pagkain. Tsk!

"Ang kapal rin pala ng mukha mo 'noh. Excuse me?! Hindi ako ang kumain ng inihanda mo. Para lang sa kaalaman mo, itinake-out iyon ni Daniella. Pasalamat ka at may awa pa siya sa kagaya mo." inis ko siyang tinalikuran nang masabi ko na iyon at lumabas lang sandali at nagpunta muna sa baba sa may hagdan. Pampalamig lang ng ulo.

Hindi ko alam na sinundan pala ako dito ni Ella. Namalayan ko na lang nang kalabitin niya ako mula sa tabi ko at niyakap na aakalain mong matagal kaming hindi nagkita.

"Tama na. Masyado mo ng pinapairal 'yang katarayan mo. Minsan, bawasan mo naman. Tuloy, natatakot na minsan sayo yung ibang mga kaklase natin. Yung ibang mga estudyante rin ganyan ang inirereklamo. Ano bang pwede kong gawin sayo para maging fair ka sa iba?" concerned na naman ang ateng niyo. Hmm... Namomroblema ng kung ano ang pwedeng maging solusyon sa pagkataray ko 'raw'. Tsk. Hindi naman ako sobra kung magtaray ah. Sakto lang. Masyado naman yatang OA ang iba. Dinidibdib ang lahat ng mga sinasabi kong masasakit na salita. Hayy..

Malalim na buntong hininga na lamang ang napakawalan ko. Wala akong maisagot eh.

"What?! Sa dinami-rami ng dinada ko, 'yon lang ang isasagot mo? My ghad!" inis niyang bulyaw sa akin ng katabi ko habang nakapamewang pa. Lakas din maka-Nanay 'noh. Parang lumalabas na ako yung anak na sumuway, at siya ang ina ko.

"Ella, alam naman nating parehas na ganito na ako since birth. Kaya intindihin mo na lang." inis akong umalis sa kinauupuan kong hagdan pagkasabi ko no'n at nagpatuloy sa pagbaba papunta sa kung saan man ay tahimik at malaya akong makakapagmuni-muni at makakapagisip-isip.

Mr. Popular meets Ms. Mataray - MPMMM 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon