33

322 28 7
                                    

° ° °

Aecy's POV

•••••

Gabi na nang makarating na ako sa palasyo. May mga dinaanan pa kasi akong ibang negosyo dito nila Daddy at Mommy.

Kaagad akong umakyat sa kwarto para kaagad na akong makapagbihis at makakain na ng hapunan. Para na rin makapagpahinga ako ng maaga. Ayaw ko muna kasing manood ng mga korean dramas. Ayaw ko ng magkaroon ng eyebags 'no. Magmula ngayon, hindi na ako magpupuyat. Hihinto na rin ako sa kaka online ko sa facebook ko.

Nang makapagbihis na ako, nagpahanda na ako ng hapunan ko. Marami kasi kaming assignments ngayong araw eh. Kailangan kong ipasa lahat bukas. Kaya dapat wala akong sasayanging oras. Itutuon ko na lang ang buong atensyon ko sa pag-aaral ko para maging valedictorian ako ng buong school namin.

Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng mga asaignment namin nang may marinig akong katok sa pintuan ng kwarto ko. Sinabi kong pumasok na siya. Pero hindi niya ako pinakinggan. Kinatok pa rin ako ng kinatok. Hanggang sa nainis na talaga ako kaya pinagbuksan ko na ang bwisit na 'to.

"Ella?!" Naiinis ko siyang tinitigan. "Bakit ba katok ka ng katok? Ano bang kailangan mo?" Siya lang pala ang taong katok ng katok sa pintuan ng kwarto ko! Nakakainis! Istorbo siya! Pwede naman kasing pumasok naman na siya. Hindi yung hihintayin niya pa akong maiinis ng ganito. Punyeta!

"Pwede bang mag-usap muna tayo?" mahinahon niyang tanong, saka ako hinila pababa ng hagdan. Wala akong nagawa kun'di ang sumunod na lamang.

Huminto kami bigla kaya nagtataka akong napalingon sa kanya.

"Bakit tayo huminto?" tanong ko rito.

She smiled at me. "Saan gusto mo na mag-usap tayo? Yung sa tingin mo, tahimik."

Ano bang balak nitong Ella na 'to? Bakit ganito ang ikinikilos niya? Hayst! Sige na nga!

Dinala ko siya sa terrace namin. Buti doon malamig ang hangin at masasabi ni Ella lahat ng mga gusto niyang sabihin o itanong sa akin.

Umupo ako sa bench. Hinintay ko siyang magsalita pero ni isang salita, wala akong narinig na lumabas sa bibig niya. At doon na ko nagsimulang mainis.

"Ano bang sasabihin mo?! May gagawin pa ako, Ella kung alam mo lang. Kaya kung importante iya—" napahinto ako dhil sa itinanong niya bigla.

"Matagal mo na bang alam na nandito na sa Thailand si Allen?" putol niya sa sinasabi ko, saka humarap sa akin, humalukipkip, at lumapit sa akin.

Umiling ako saka siya tinitigan. "Hindi. Saka ko lang nalaman nang magkita kami sa apartment niya." Argh! Baka tanungin pa nito kung may nangyari ba sa amin ni Allen.

Bigla siyang tumabi sa akin. "May nangyari ba sa inyo? Ano? Masarap ba siya? Iyon ba ang dahilan kaya ka palaging wala sa sarili mo?" Sabi na nga ba eh! Sinasabi ko na nga ba eh! Argh! Loka-loka talaga itong bestfriend ko! Kung ano-anong naiisip.

Tinignan ko siya ng masama. "Alam kong lasing ako pero hindi ako bulag para hindi makita ang nasa paligid ko. Tsaka hindi rin ako manhid para hindi makaramdam kung may iba bang nangyayari sa akin o wala. So, mali ka ng inaakala," bad trip kong sagot sa mga tanong niya.

Ibinaba niya ang kanyang tingin at ako naman, ibinalik ang tingin sa kawalan. Ang sarap talagang hangin dito sa terrace. Fresh na fresh! Parang ako lang talaga.

"Alam mo, Aecy? Sa tingin ko, hindi ka naman lolokohin ni Allen eh. Nakikita ko kasi yung mga titig niya sayo noon sa dati nating school sa Pilipinas. Ang lalaglit kasi eh. Mukhang may gusto sayo yung si Mr. Popular. Hindi mo ba rin pansin o... nagbubulag-bulag ka lang?" ano ba talaga ang pinupunto nitong bestfriend kong si Ella? Anong gusto niyang palabasin? Na ako may gusto kay Allen?! Argh!

"Ewan ko sayo! D'yan ka na nga!" iniwan ko na lang siya doon sa terrace. May mga mas importante pang bagay na dapat kong pagtuunan ng pansin kaysa sa tungkol kay Allen.

Kapag nababanggit ang pangalan ni Allen, bumabalik yung time na hinalikan niya ako sa pisngi na siyang ikinagulat ko noon. Na siyang bumabagabag sa akin ngayon.

Sa tuwing naaalala ko kasi iyon, hindi ko mapigilang kiligin. Ewan ko kung bakit. First time ko kasing mahalikan ng isang guy sa pisngi.

Pumasok na lamang ako sa kwarto ko para tapusin kung ano mang mga kailangan kong tapusin. Mga assignments na na nakabunton sa sobrang dami sa study desk ko. 'Di bale, medyo maaga pa naman. Matatapos ko rin 'to. Tiwala lang, Aecy. Kakayanin mo 'yan.

Nang matapos ko na lahat ng mga assignments ko, napagdesisyunan ko ng matulog at huwag ng galawin ang laptop. Baka magbago pa isip ko at makanood pa ako ng korean drama. Mapuyat pa ako. Lagot na bukas kapag napuyat ako nang dahil lang diyan.

Pero kahit na anong gawin kong matulog, ayaw pumikit ng mga mata ko. Sa tuwing pipikit kasi ako, yung halik ni Allen sa pisngi ko yung palaging lilitaw. Hay! Nakainis na!

* * *

Allen's POV

•••••

Hindi ako makatulog. Sa tuwing pipikit ako, yung paghalik ko kay Aecy yung nakikita ko. Ewan ko ba! Ganito ba talaga kapag inlove ka? Hayy..

Ilang saglit pa ang nakalilipas, tumunog ang phone ko. May tumatawag. Teka? Nasa kalagitnaan na ng gabi ah. Bakit may tumatawag pa sa akin?

Si Oliver?!

["Hello, bro! Kamusta ang pagpunta sa Thailand? Maganda ba d'yan? Hindi ka man lang nagpapasabi. Kung hindi kami nagtanong sa Yaya niyo dito sa bahay niyo, hindi namin malalaman ni Barry kung nasaan ka ngayon."] panimula ni Oliver sa kabilang linya. Mga chismosang Yaya nga naman oh.

"I'm okay. And yes, Thailand is a nice place. Ayaw kong nandito rin kayo kaya hindi ako nagpasabi," walang emosyon kong sagot.

["So, kumusta yung plano mo sa dare na ipinapagawa namin sayo?"]

Bumintong hininga ako ng malalim bago sinagot ang tanong niya. "Ayaw ko ng lokohin ang sarili ko, bro. Mahal ko na si Aecy. Ayaw ko ng gawin yung dare na sinasabi ninyo, at inaamin ko rin. Takot ako kay Tito Chrystoff. Baka isumbong ako kay Daddy. Mamaya mawalan pa ako ng allowances."

["Mahal mo na si Aecy?!—Teka nga, bro. Video chat tayo. Miss na kita eh."]

Pinatay niya ang tawag at binuksan ko laptop ko at ang Skype ko. Saka doon kami nag-usap.

["So, alam na ba ni Aecy na mahal mo na siya? Saka paano naman malalaman ng Daddy mo na dare lang yung paiibigin mo si Ms. Mataray? Ano 'yon? Magkaibigan ang Dad mo at ang Daddy niya?"] nakakunot noo niyang tanong.

I sighed. "Hindi pa alam ni Aecy. Actually kaya nga ako pumunta rito at sinundan siya para sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Eh kaso, kapag kaharap ko na siya para akong nawawalan ng dila. O kaya naman... Nauutal ako," sagot ko mula sa kabilang linya.

"Yung sa isang tanong mo? Ang isasagot ko ay... Yes, matalik na magkaibigan si Daddy at Tito Chrystoff. Kaya konting maling galaw ko lang dito sa Thailand, malalaman agad ni Dad," dugtong ko.

Ilang saglit pa kaming nag-usap. Iniba ko na lang yung usapan. Kinumusta ko na lang sila. Saka pinatay na ang video call. Nahiga na ako pagkatapos. Buti na lang at dinapuan ako kaagad ng antok kaya ipinikit ko na agad yung mga mata ko.

Mr. Popular meets Ms. Mataray - MPMMM 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon