° ° °
Makalipas ang isang linggo...
* * *
Allen's POV
•••••
Hanggang ngayon hindi pa rin pumapasok si Aecy. Nakakapagtaka na dahil halos lahat sila, halos lahat dito sa campus ay hindi alam kung nasaan ngayon si Aecy kaya nagtanong na ako sa Guidance Office. Baka alam nila kung nasaan si Aecy.
Nang makarating na ako sa G.O., katok ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok. Dumiretso ako sa loob at umupo sa harapan ng table ng Guidance Councilor.
"Ms. Recuza, alam niyo po ba kung bakit wala si Aecy Recca Santos?" tanong ko.
She sighed. "Hindi pa ba sinasabi ng adviser ninyo na wala na siya dito? Sa pagkakaalam ko kasi, Mr. Mitherford ay umalis sila ng bansa pero hindi ko alam kung saang bansa sila lilipat. Hindi sinabi eh," paliwanag ni Ms. Recuza.
Parang sinaksak ng maraming beses ang puso ko nang dahil sa nalaman ko. Talagang iniwan na nga niya ako. Itong nararamdaman ko, sigurado na talaga ako na gusto ko na siya. Yung pagseselos ko, yung saya ko kapag nakikita siya, at yung mga sandali na masaya akong kausap siya. Lahat iyon ay dahilan ng pagkagusto ko sa kanya na ngayon ko lang na-realized ang lahat.
Nagpaalam na ako kaagad at nagpasalamat sa Guidance Councilor namin saka umalis na.
Kailangan kong malaman kung saan nagpunta sila Aecy. Kailangan ko siyang makausap. Chance ko na ito para sabihin sa kanya ang totoo.
Tinawagan ko ang mga tauhan namin sa Telecommunication Department at ipinahanap ang location nila Aecy.
Ilang saglit pa ay nakatanggap na ako ng text mula sa isang tauhan namin sa T.D.
Sa ngayon, papunta sila Aecy sa Thailand.
Nagmadali akong umuwi para makapaghanda para sa flight nitong hapon patungong Thailand. Ipinakuha ko ang private plane ko. Ayaw ko sa maraming tao eh.
Nang maayos ko na lahat ng mga gamit ko, nagpatulong ako sa butler at ilang mga drivers ko para maisakay sa kotse ang lahat mga bagaheng dinala ko.
* * *
Ella's POV
•••••
Nandito kami ngayon sa kwarto ni Aecy. May mahabang sofa dito. May isang lamesa at isang swivel chair na parang studying area nitong si Aecy.
Nakaupo ako dito sa mahabang sofa. Si Aecy, nasa studying area niya na lumipat sa tabi ko. Si Austin naman, nasa kama ng pinsan niya. Tahimik lang kami doon na parang may sari-sariling mundo.
Nasa kalagitnaan ng katahimikan sa amin nang biglang magsalita si Austin kaya napatingin ako sa kanya. Si Aecy naman, patuloy lang sa pagbabasa habang nakasuot sa kanya ang kabibili niyang transparent na salamin ng mata. Mukhang lumalabo na daw kasi yung paningin niya.
"Ate, nakita ko noong isang linggo si Allen Mitherford. Yung palaging kinukwento sa akin ni babe. Nasa loob siya ng mall no'n. Mukhang kadarating niya." Nagulat ako sa isinaad nito. Kaya nakakunot ang noo kong tumingin sa kanya. Siya naman, nginitian lang ako.
"Nakita ko rin naman siya no'n. Pansin ko ngang nakatitig siya sa akin noong may nakausap ako sa phone ko. Pero hayaan niyo na siya. Ikakasal na siya 'di ba? Kaya, huwag niyo na siyang pakialamanan. Bahala siya sa buhay niya," tugon naman nitong si Aecy na hindi pa rin tumitingin sa amin at nagpapatuloy sa pagbabasa.
Halatang naiinis na si Aecy kapag napag-uusapan si Allen at ang fiancé niya. Mukhang nagseselos na ang bestfriend ko ah. Marunong na siyang magselos. Ayieeeeee! Sana hindi matuloy yung kasal para may pag-asa pa sina Aecy at Allen.
KLING!
Speaking of ikakasal. May notification ako na natanggap mula sa group page sa mga fangirls ni Allen sa facebook. Binuksan ko iyon at nagulat ako sa nakita ko.
Tumingin ako sa mga kasama ko. "And speaking of Allen, hindi raw tuloy ang kasal nila ni Claire," basag ko sa sandaling katahimikang bumalot sa amin.
"Talaga?!" Gulat na lumapit sa akin si Aecy at tinignan ang phone ko.
"Okay." Iyan lang ang sinabi niya saka bumalik sa pagkakaupo niya at nagbasa na ulit.
Kahit na hindi niya ipakita, halatang-halata ko na masaya siya dahil umaasa siyang magiging sila ni Allen. Not now, but soon.
"Sige, punta lang akong comfort room. D'yan muna kayong dalawa. Babalik ako," paalam ni Austin sa amin sabay alis patungong kwarto niya. Sa tingin ko, iihi siya sa comfort room ng kwarto niya. Malapit lang naman 'yon eh. Katapat ng kwarto ni Aecy. Pinsan nga 'di ba? Prinsipe din siya at prinsesa ang pinsan niya.
Ako kasi, ang kwarto ko, yung isang guest room sa tabi ng kwarto ng bestfriend ko at ang tapat no'n ay ang recording room ng bestfriend ko kapag gumigitara siya habang kumakanta. Oo, magaling siyang kumanta. Hindi lang niya ipinapakita sa iba.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at dumiretso na sa kwarto ko. Kahit na pansin kong may sinasabi si Aecy, hindi ko na lang pinansin iyon at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nagtungo na ako sa kwarto ko at natulog na. Wala naman na akong gagawin eh. Saka naaantok na rin naman ako. Humihikab na rin ako at bumibigay na yung talukap ng mga mata ko.
* * *
Aecy's POV
•••••
Pinaalis ko na si Austin dito sa room ko hindi dahil naaantok na ako. Kun'di, gusto kong mapag-isa. Gusto kong makapagisip-isip. Kailangan ko ng privacy kaya ginawa ko iyon.
Masaya ako ngayon dahil hindi tuloy ang kasal ni Allen kay Claire pero hindi ko alam kung bakit. Eh sa totoo lang, wala naman talaga akong pakialam kung anong nangyari sa kanila ngayon. Aish! Ewan ko ba dito sa sarili ko!
* * *
Kanina pa ako nakahiga dito sa kama ko. Gusto ko ng matulog pero hindi ako makatulog ng maayos. Dahil sa tuwing pipikit ako, mukha ni Allen ang nakikita ko. Nakakatakot na! Ang creepy! Waaaaaaah!
Kanina pa ako hindi mapakali dahil ng hindi ako makatulog ng maayos. Nakakainis na!
Bumangon na lang ako at kumuha ng naiinom sa loob ng refrigerator na tubig sa loob ng kwarto ko. Kumuha ako ng cookies sa at kumain muna. Sana pagkatapos nito, makatulog na ako ng maayos. Hay...
------
---
Sorry sa mga typos ko, guys. Pero salamat sa inyong patuloy na suporta. Thank you!
BINABASA MO ANG
Mr. Popular meets Ms. Mataray - MPMMM 1 [COMPLETED]
Fiksi Remaja[COMPLETED] Hindi ba pwedeng magkaroon ng love sa pagitan ng pagiging MATARAY at pagiging POPULAR? Book 1: Mr. Popular meets Ms. Mataray Book 2: Still In Love with Mr. Popular Highest rank: #3 daniella (April 27, 2021) #2 oliver (September 1, 2021) ...