6

538 50 5
                                    

° ° °

Allen's POV

---

"Paano ba iyan, bro? Mukhang hindi mo mapapaibig si Ms. Santos," pang-iinis sa akin ni Oliver.

"Eh, bakit kasi ito pa ang i-dinare niyo sa 'kin? Alam niyo namang imposibleng mangyari 'yon." Naiinis akong iniwan sila pagkasabi ko no'n.

Hahanapin ko na nga lang si Aecy. Magta-time na hanggang ngayon wala pa siya.

Pumunta ako sa garden at doon ko siya nakitang nakatayo. Lalapitan ko sana siya nang bigla siyang magsalita.

"Ba't nandito ka?" tanong niya. Wala na akong choice kun'di sabihin ang balak ko.

"Ahmm... gusto lang kitang sunduin. Magta-time na kasi-"

"Kaya kong pumunta doon ng mag-isa at hindi ko kailangan ng alalay dahil wala naman akong nararamdamang kakaiba."putol niya sa sinasabi ko.

Humarap siya sa akin ng naka-cross ang arms niya sa dibdib niya at nakatitig lang sa akin ng masama.

"So tell me, ano pang ginagawa mo dito? Hindi ba't sinabi ko ng kaya ko?" nakataas ang kilay niyang tanong.

"Oo. Eh sa kung ayaw ko pa ngang pumasok ng hindi kita nakakasabay." simpleng sagot ko saka siya nginitian.

"Tsk. Ewan ko sayo!" inirapan niya lang ako saka iniwan doon. Sinundan ko ulit siya at tinawag na dahilan ng paghinto niya.

"Bakit na naman ba?!" inis niyang tanong sabay harap sa akin.

"Ito. Ibibigay ko lang 'tong binili kong lugaw para sayo. Sabi kasi ni Daniella, ito raw ang comfort food mo sa tuwing may iniisip kang nagpapalungkot sayo." tinalikuran niya lang ako sabay sabing..

"Kaya kong bumili niyan kung gugustuhin ko man. Eh kasi wala ako sa mood na kumain ngayon kaya itapon mo na lang 'yan." sabi niya saka ako tuluyang iniwan.

Kailan ka ba magiging malambot para sa akin? Ang tigas kasi ng puso mo. Ang hirap palambutin.

° ° °

Aecy's POV

---

Bwisit ka Ella! Bakit mo sinabi sa kanya yung comfort food ko?! Grrr! Humanda ka sa 'kin!

Sisigaw na sana ako nang makita ko ang teacher namin na si Ms. Rachelle Ramos. Our Math teacher.

"You're late, Ms. Santos. Bakit ka late-- you too, Mr. Mitherford." nagulat ako nang makita ko kung sino ang hingal na hingal na dumating. It's Allen!

Teka? Late si Mitherford dito sa klase namin?! Kaklase ba namin siya?!

"Ma'am, kaklase po ba namin si Allen?" kuha ko ng atensyon ng teacher namin.

"Para sa iyong kaalaman, kaklase niyo na siya magmula ngayon. Kasama na si Mr. Oliver at Mr. Barry. Nagpalipat sila."

Inis ko siyang tinitigan at tinanong.

"Nagpalipat ba kayo para lang guluhin ako?!" halos ibulong ko na ang itinanong ko para lang hindi marinig ng teacher namin.

"Hindi. Bakit? Bawal bang magpalipat sa ibang section?" puno ng sarkasmo niyang sagot.

"Hindi." sagot ko. Tsk! Pero bakit dito pa?! Hindi ako naniniwalang walang dahilan ang pagpapalipat nila ng section.

"So, bakit kayo na-late? Teka? Huwag niyong sabihing nag-date kayo kaya kayo na-late." nakatingin kaming dalawa sa teacher.

"No!/Hindi po!" sabay naming pa-bulyaw na sagot. Eh hindi naman talaga kami nag-date! Never na mangyayari 'yon!

"So ano nga? Bakit kayo late?" tanong ulit ng teacher namin. Bago pa makapagsalita ang katabi ko, inunahan ko na siya. Siyempre, hindi totoo yung binigay kong reason.

"Actually, hindi naman po talaga ako late. Nagbanyo lang po ako saglit. Tapos nakita ko po itong si Allen na pakalat-kalat then tinawag ko po siya para pumasok sa first class niya. Eh hindi ko naman po alam na dito rin siya. So hindi po ako late. Siya lang po." naiinis na tinitigan ako sa mga mata ni Allen. Oh well, I don't care if he's angry nor annoyed. Who cares?! Tsk.

"Okay. Ikaw, Ms. Santos pwede ka ng umupo. Pero mag-stay ka lang d'yan sa labas, Mr. Mitherford. Alam kong sa inyo ang eskwelahang ito pero mali ang ginagawa mo. Huwag mo ng hintaying makarating pa ito sa Daddy mo. Maliwanag?" ayan. Bakit ka kasi siya sunod ng sunod? Nakaiinis ka rin eh saka nakakarindi ka. Kaya mas bagay na sayo 'yan.

"Hey! You lied!" sigaw niya sa akin na hindi ko lang pinakinggan. Nginisian ko na lang siya. Buti na lang at nakalusot ako. Hahaha! Kawawang Allen.

"But--"

"No buts, Mr. Mitherford. Stay outside. You're late. Para magtanda ka." putol ni teacher. Pfft. Whatever, Allen. Late ka. D'yan ka sa labas. Karma mo 'yan. HAHAHAHAHA!

"Ok! Fine!" inis siyang umalis sa harapan ng room at pumunta sa kung saan man.

° ° °

Allen's POV

---

Bwisit! Siya na nga lang ang pinuntahan ko para sunduin, siya pa ang nanlaglag sa akin! Bwisit talaga! Argh!!!

"Hi, Allen~" bati sa akin ng mga nakakasalubong kong girls. Mga malalandi ang putek! Tsk!

"What?" walang emosyon kong tanong sa kanila saka inirapan. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam kung pagkaguluhan ako. Mga garapal lang sila sa mga gwapo't mayaman na gaya ko.

Nagpatuloy lng ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa Garden doon. Tahimik. Maraming estudyante pero hindi maingay. May nagbabantay rin kasi rito. Since tabi ito ng mga rooms, kailangang walang mag-iingay. Ang istrikto nila.

Ayaw ko naman talagang dito mag-aral kung hindi ako pinilit nila Mommy at Daddy. Itong school daw kasi na 'to yung pinagpaguran nilang ipagawa. Aish! I don't care! Pero wala akong magagawa! Hi-nold nila ang passport ko papuntang Paris. Argh! Nakakainis! Sa Paris sana ako mag-aaral eh!

And that girl! Aish! Bwisit siya! Siya na nga lang ang pinagpapasensyahan, siya pa ang mang-aabuso! Peste talaga! Dapat hindi na lang ako sumali sa laro nila Oliver dati na truth or dare. Nakakainis!

* * *

KRING! KRING! KRING!

Buti naman at recess na. Nasa cafeteria ako. Nakatambay. Hindi na ako pumasok sa second, third at forth period ko. Siya rin naman na late na ako. I-dirediretso ko na lang.

Ilang sandali pa ang nakalilipas, natanaw ko na sila Oliver na palapit dito sa pwesto ko. Andito na naman ang mga loko. Tss.

° ° °

° ° °

---

Paalala ko lang po. Bagong story po ito.

Happy Reading!

Sana magustuhan niyo itong story ko. Wala naman masama kung babasahin niyo 'di ba? 'Yon lang. Thank you!

-@SleepingSinger

Mr. Popular meets Ms. Mataray - MPMMM 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon