21

359 25 0
                                    

° ° °

Ella's POV

•••••

Hindi ko talaga maintindihan si Austin pero parang ang sakit ng mga sinabi niya kanina bago siya umalis. Nasaktan ako bigla. Siguro, dahil ayaw ko siyang umalis.

Nakadapa ako ngayon sa kama ko. Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako. Ilang saglit pa ang nakalilipas, may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Pinunasan ko ang mga umaagos na luha sa aking pisngi saka dahan-dahang binuksan ang pinto.

Si Aecy. Sabi na nga ba at susundan ako ne 'to eh. Sesermonan niya lang ako. Tapos, pagagalitan. Ganito lang naman itong bestfriend ko kapag nasa mali na talaga yung desisyon o ginawa ko.

Bumuntong hininga siya pagkatapos niyang isinara yung pinto ng kwarto ko saka humarap sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama ko. Habang ako, bumalik sa pagkakadapa saka yumakap sa unan.

"Ano bang ginawa mo, Ella?" mahinahon niyang tanong pero halata ang pagkainis sa boses niya.

"Hindi ko alam!" naiirita kong sagot. Hindi ko naman talaga alam kung anong ginawa ko eh.

"Hindi mo ba alam na nakasakit ka na ng iba nang dahil sa ginawa mo? Hindi ka ba nakokonsesya dahil iniwan ka na ng taong gusto mo? Ella naman! Wala ka bang puso?! Ano?! Magpapakat*nga ka na lang? Ganon?! Kalimutan mo na lang na mahal mo na rin pala siya. Tapos ano? Magsisisi ka sa huli. Urgh!" 'Di ba? Sabi ko na nga ba eh at sesermonan lang ako ng babaeng 'to.

Hindi na lang ako umimik. Tama naman kasi yung mga sinasabi niya. Oo, inaamin ko na nakasakit nga ako sa ginawa ko. Pero yung kalimutan ko yung pagkagusto at pagmamahal ko kay Austin? Hindi ko yata kaya 'yon. Tsaka tama naman si Aecy eh. Nasa huli nga naman ang pagsisisi.

Nasa huli nga naman ang pagsisisi. Kapag hindi ko pa inamin at kinimkim ko pa lalo yung nararamdaman ko, may malaking posibility na maagaw lang siya ng iba at masasaktan lang ako sa huli.

Tumayo ako. "Okay! Fine! Nakasakit nga ako ng tao. Pero hindi ko naman ata kayang tiisin itong nararamdaman ko. T*nga na kung tanga," sumbat ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya ng malalim. "Eh ano pang ginagawa mo ngayon? Kausapin mo na siya. Baka mamaya, tuluyang mawala na siya at totohanin niya yung sinabi niya sayo."

Lumabas ako ng kwarto ko na dala ang phone ko. Nagtungo ako sa garahe at pinaandar ang kotse ng Mommy ko. Medyo binilisan ko ang pagpapatambo rito. Tinawagan ko na din si Austin. Wala pang tatlong ring ay sinagot na niya ang tawag ko.

"Nasaan ka? Pupuntahan kita," panimula kong saad.

["Nasa airport ako, Ella. Teka? Bakit mo natanong? Ang akala ko ba—"]

"No. Ayaw naman talaga kitang paalisin eh. Please stay where you are right now. I'll pick you up. Okay? Please, don't go." Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo para maabutan ko pa siya.

Pinatay ko na ang tawag, at saka pinagpatuloy ang pagda-drive ng car ng Mommy ko.

Ilang saglit pa ang nakalilipas, nakarating rin ako sa airport. Nakita ko siyang nakatayo sa 'Departing Area'. Tumakbo ako papunta sa kinatatayuan niya. Wala ako sa sarili ko nang yakapin ko siya bigla. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakayakap sa kanya ng sobrang higpit. Nang kumawala na ako, nginitian ko siya saka hinalikan sa mga labi. I don't want to let him go. I can't live without him. Ayaw kong mawala sa akin ang playboy ng buhay ko, na nagbago para lang magustuhan ko siya.

"I don't want to let you go. Please, stay by my side," I said to him then I hugged him again.

She starred at me and smiled. "I'll promise that I'll keep you. I'll love you until my last breath, Daniella. Now, can you be my—"

Pinutol ko ang sinasabi niya nang gawaran ko siya ng aking halik sa kanyang mga labi.

Nang maghiwalay ang mga labi namin, napatitig na lamang ako sa kanyang mga mata na mapupungay, dahan-dahang tumango at ngumiti. "Yes, Austin."

Nagulat ako nang bigla siyang magtatatalon habang isinisigaw ang 'Yes! Yes! Yes!'. Kailangan ba gano'n ang reaksyon kapag sinasagot ang mga lalake ng taong gusto nila? Kailangan pa bang isigaw?

Niyakap niya ako at sa hindi ko inaasahan, binuhat niya ako tsaka itinaas saka inikot-ikot. Dahil sa takot, hindi ko mapigilang mapasigaw. Pero ibinaba niya rin naman ako. Sabi niya, hindi lang daw talaga siya makapaniwala at dahil na rin daw sa sobrang saya.

* * *

Aecy's POV

•••••

Umuwi na ako sa bahay namin nila Ella. Nagpaalam na ako kila Tita kasama yung isa pang asungot. I-tinext ko na rin si Ella na umuwi na ako.

Nasa klaagitnaan ako ng pagkain ng chocolate cake sa kwarto ko nang may marinig akong ilang yabag mula sa ibaba. Tinignan ko kung sino iyon.

Napangiti ako nang makita kong umuwing nakangiti si Ella. Oo, siya ang dumating. Sigurado akong maganda ang naging ganap sa paghabol niya kay Austin.

Lumapit ako sa kanya na ngayon ay paakyat na ng kwarto niya. Sinalubong ko siya sa hagdanan at kinamusta ang lakad.

"Success ba? Anong ganap? Kayo na ba?" sunod-sunod kong tanong. Pero hindi man lang niya ako sinagot at nakangiti pang nagpatuloy sa kwarto niya. Lintik 'to oh! Hindi man lang niya ako pinansin.

Dahil sa inis na inis na ako, kinuha ko ang lahat ng susi dito sa bahay namin at binuksan ang kwarto niya. Nadatnan ko siyang nakahilata lang sa kama niya na para bang wala lang nangyari.

Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Anong nangyari sa inyo kanina ni Austin? Bakit iniwan mo ako sa labas kanina na hindi man lang pinansin yung tanong ko? Ano ba talagang nangyari?" sunod-sunod kong tanong. Noong una, umayaw siya. Noong pangalawa, umayaw ulit siya pero noong pangatlo hindi na.

Paano?

Ganito lang naman yung sinabi ko...

"Kapag sinabi mo, ililibre kita ng fries at cola. One dozen and one family size bottled cola kapalit ng mga nangyari kanina. Ano? Game?"

Iyon lang naman yung sinabi ko. Walang lung ano-ano’y  tumango din ito. Kaya nagsimula na siyang magkwento. Minsan, hindi ko mapigilang kiligin. Hindi ko naman kasi akalain na kaagad na sila na 'no. Ang akala ko papayag lang si Ella na magpaligaw. Iyon pala, sila na.

Mr. Popular meets Ms. Mataray - MPMMM 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon