8

501 37 0
                                    

° ° °

Aecy's POV

---

Bakit parang wala si Allen? Nakakapanibago lang.

"Hoooy! Sino sinisilip mo d'yan? Si... Allen ba? Ayyyiiee! In love na siya kay Mr. Popular~." ang aga-aga nambubwisit itong babaeng katabi kong gurang. Eh sino pa nga ba? Bestfriend ko lang naman ang gan'un.

"Hindi 'noh! Alam mo, mag-review ka na lang d'yan para may matutunan ka. Hindi yung nambubwisit ka. Ang aga-aga." kakainis kasi eh. Hmp!

"Balita ko, wala raw si Allen dito sa Pilipinas. Nasa ibang bansa. Kaya 'wag mo ng silipin sa pintuan nitong cafeteria kung nand'yan ba siya o wala." chismosa nga naman oh! Nakasagap na naman ng bagong balita 'tong kaibigan ko.

"Tsk. Pake ko naman sa kanya." sabi ko sabay irap.

"Ay sus! Huwag mo nga akong pinaglololoko, Aecy. Alam ko 'yang mga galawan mong 'yan. Namimiss mo lang siya. Huwag mo ng i-deny. Halatang-halata eh." loko talaga itong kaibigan ko. Chismosa na nga, epal pa. Kung ano-anong mga napapansin.

"Hindi ah! Ikaw, may kasalanan ka pa sa akin." dahil sa sinabi ko, kunot ang noo niya akong tinitigan.

"Ano namang kasalanan ko sayo?" takang tanong niya sa akin.

"Hindi ba't ikaw yung nagsabi kay Allen na paborito ko ang lugaw?" nakataas ang kaliwang kilay ko na tumitig sa kanya. Napayuko siya at bagsak ang balikat niyang tumingin sa akin.

"Sorry. Pinilit ako eh. Ginamitan ako ng charms niya at yung pagpapa-cute niya kaya...pumayag ako na sabihin kung anong paborito mong pagkain sa tuwing nalulungkot ka o kaya naman kapag may iniisip kang malalim." ibang klase talaga ang lalakeng 'yon. Ginamit pa ang bestfriend ko para lang makuha ang gusto niya.

Napahilot ako sa sintido ko. Ano bang kailang kong gawin para tuluyan na niya akong tigilan? Buti na lang at wala siya rito. Kung hindi, hindi na naman ako matatahimik.

Pinakalma ko ang sarili ko bago bumaling sa kaibigan ko.

"Okay lang. Basta huwag mo ng uulitin 'yon, Ella. Alam mo namang bwisit na bwisit ako doon hindi ba?" mahinahon kong sabi saka nginitian siya at hinagod ang likuran. Hindi ko rin naman matitiis itong bestfriend ko eh.

KRRRIIIINNNNGGG!!!

Pumasok na kami sa susunod naming klase. Baka ma-late pa kami. Mapagalitan pa kami ng teacher namin.

* * *

Nang matapos ang morning class namin, dumiretso na kami sa bahay. Vacant naman na namin eh. Diretso na 'yon. Magmula one o'clock hanggang four o'clock.

Pero sabi ng kasama ko, ayaw niya pang umuwi. Mabo-bored lang daw siya sa bahay.

Kaya inaya niya ako sa bagong bukas na restaurant. Ito na naman kami. Kakain ng kakain tapos mamamasyal ng mamamasyal then uuwi ng pagod na pagod na parang nalantang halaman.

Nang matapos na kaming makapaglibot-libot, inaya ko na siyang umuwi na tinanguan naman niya.

*****Fast forward*****

Nandito na kami sa bahay namin. Kakapagod! Nakaka-haggard pa.

Pumasok ako sa kwarto ko saka nagbihis ng pambahay. Nang makapagbihis na ako, dumiretso na ako sa kusina para magluto ng hapunan. Si Ella naman, may something na ginagawa sa laptop niya sa sala.

Nang matapos na akong makapag luto, tinulungan na ako ni Ella na mag-prepare ng mga pagkaing niluto ko nang biglang tumunog yung doorbell.

"Ella, may inimbita ka ba dito sa bahay?" tanong ko sa kasama ko. Umiling siya, ibig sabihin 'wala'.

So, sino itong taong 'to? Sa pagkaalam ko, wala naman akong inimbitang pumunta ng ganitong oras dito sa bahay.

Binuksan ko na lang yung pintuan para makita kung sino 'yon. Dumiretso ako puntang gate at binuksan iyon at nagulat ako sa nakita kong taong nakatayo ngayon sa harapan ko.

"Hi, Ate Aecy! And'yan po ba si Ella?" oh no! He's here! My cousin, na nagkakagusto kay Daniella. It's Austin! Austin Richard Santos!

"Austin?!" nanlaki ang mga mata kong tumitig sa kanya.

"Yes! I'm here, Ate. So, where's Ella? I want to surprise her." ohh~ so sweet talaga ng pinsan ko. May roses na red na tatlo then isang chocolate ang dala niya. Sana lahat ganu'n noh?

"Andoon siya sa loob. Halika, pasok ka na. Ipasok mo na rin yung kotse mo sa loob . Then sumunod ka na lang. Okay?" sabi ko sa kanya.

"Okay, Ate. Thank you." nakangiting tugon niya.

Nakangisi akong pumasok sa loob ng bahay. Hahaha! Magiging maingay na naman 'tong loob ng bahay dahil sa kakulitang dala ni Austin.

"Oh, bakit ganyan mukha mo?--"

"Hey!" putol ni Austin sa tinanong ni Ella sa akin.

Nakakunot ang noong napatitig si Ella sa taong nasa likuran ko sabay tulak sa akin ng mahina.

"Ikaw?!?" gulat na sabi ni Ella saka tumingin sa akin.

"Alam mo ba ang tungkol dito, Aecy?" umiling ako bilang tugon sa tanong niya.

"Hi, baby! I miss you!" excited na yumakap si Austin sa kanya. Si Ella naman, nakayukom ang mga kamao niya habang nakayakap sa kanya si Austin.

"Bitawan mo nga ako!" inis na kumakalas si Ella sa pagkakayakap ni Austin. Pero itong pinsan ko, todo yakap pa rin. Hayyy.. nagmamahal nga naman.

"Bakit naman? Namiss nga kita eh." hindi pa din bumitaw ng pagkakayakap si Austin kay Ella hanggang sa itulak na siya ng malakas ng bestfriend ko sabay punta na ng kwarto niya dala ang laptop niya.

"Ate, hindi pa rin pala nagbabago si Ella. Ganyan na ganyan pa rin siya. Simula ng umalis ako ng Pilipinas at..hanggang ngayon, inis na inis pa rin siya sa akin. Ano po ba'ng mali sa pagkatao ko, Ate? Bakit hanggang ngayon, ayaw niya pa rin sa akin?" malungkot na tumingin siya sa akin at niyakap ako. At ang nakakagulat pa, umiiyak siya! First time kong makitang umiyak 'to simula ng maging binatilyo. Pagdating talaga kay Ella-Chismosa, napakahina niya.

Inakbayan ko siya at pinaupo sa sofa sa sala. Saka kinausap.

"Alam mo, Austin. Wala namang mali sayo. Siguro, talagang ayaw ka lang niya dahil sa pagiging babaero mo noon. Or.." sabi ko with emphasizing the word 'or'.

"Idine-deny niya lang na hindi ka niya gusto pero gusto ka rin niya at namiss ka rin niya. Hayaan mo, kakausapin ko siya mamaya."

"Thank you talaga, Ate. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka." ang sweet mo talaga, Austin. Babaero ka nga lang kaya siguro ayaw sayo ni Ella.

"Wala 'yon, Austin. Basta kapag may problema ka, punta ka lang dito. Tutulungan kita." tugon ko then I sent him a wide smile.

° ° °

° ° °

Sorry sa mga typos. Sorry sa mga wrong grammars ko. Hehe! Hindi naman kasi lahat ng tao, may angking galing sa kahit na anong bagay. Huwag mo ng tawanan o i-judge na hindi ako o siya marunong mag-english, ituwid mo na lang yung mali.

@SleepingSinger

Mr. Popular meets Ms. Mataray - MPMMM 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon