Chapter 3

3.5K 89 17
                                    

I spent my weekend, studying the topics that Adam gave me.

I don't want to give him headache kaya kahit mahihirap iyong mga topics na iyon ay sinubukan ko paring aralin.

"Luna, nagustuhan ba ni Archer ang cake?" tanong ni Bianca

Nasa classroom na kami ngayon, hinihintay ang aming second subject teacher.

"Oo, kinain nya naman. Actually, nagustuhan din namin iyon ni Mommy, masarap kase." sagot ko

Sa totoo lang, hindi naman talaga iyon kinain ni kuya. Wala nga siyang pakialam dun eh, kami lang talaga ni mommy ang umubos nun pero ayoko namang sabihin kay Bianca dahil ayokong saktan sya.

"Talaga? Edi gagawa ulit ako next time?" she asked, her eyes sparkling with glee

Naguilty naman ako. Maybe she thought kuya really liked it, and so she like the idea of pleasing my cold brother.

"Ah 'wag na, okay na yun. Wag kanang mag-abala." pineke ko ang ngiti ko pero hindi naman iyon halata, magaling kase akong itago ang totoo kong emosyon sa mapanlinlang kong mga mata at labi.

"Sigurado ka?"

I nodded and smiled, assuring her.

Sakto namang dumating na si Miss Emely. Ang guro namin sa English subject.

"For your first and last project for this schoolyear, I want you to make a short film." panimula nya

Agad namang nag-ingay ang mga kaklase ko.

"Iba rin tong si Miss eh, hindi pa nga natin natatapos tong first quarter, binigyan kaagad tayo ng project?" pabulong na reklamo ni Alfie at nang iba pa naming kaklase.

"I can hear you, Mister Alfredo Singson." nakataas na kilay na saway ni Miss Emely

Natawa naman kami sa pagtawag nya ng fullname kay Alfie.

"Ayan, wag ka kaseng bungangera, Alfredo." tukso ni Dawn, pinagdidiinan ang totoong pangalan ni Alfie

Ibinigay ni Miss Emely ang mga instructions at ang deadline ng project. The project is for the whole section, kaya kailangan naming magtulungan.
Pagkalabas ni Ma'am ay agad na tumayo si Hannah, ang aming classrom president.

"We will be having a meeting regarding the film this coming weekend. Dito nalang din sa classroom natin." anunsyo ni Hannah

Nagsitanguan naman kaming lahat. Pabor iyon sa akin lalo pa't may review ako every after class.

Nang mag lunch ay sabay sabay kami nina Dawn, Alfie at Bianca na bumaba para sa cafeteria na mananghalian. Ako na ang nagvolunteer na pumila para sa aming apat.

Bumalik ako sa mesa namin at natigilan nang makita si Roi.

"Oh ayan na pala si Luna." sabi ni Dawn na nagpalingon sa kanila

Roi looked.....whatever. Ngayon nalang ulit kami nagkita after almost 3 years kaya naninibago ako. He was taller now, and more manly. Suot-suot nya ang uniform ng ibang skwelahan.

Lumunok ako at pilit sinuklian ang ngiting ibinigay nya sa akin. Moreno siya, malalaki ang mga mata at matatangos rin ang ilong. Mas matangkad siya sa kin ng konti.

"Dito ka, Luna." aya ni Alfie. Lumipat siya sa kabilang side at pinaupo niya ako sa tabi ni Roi.

Walang imik kong tinabihan si Roi pagkatapos kong ilapag ang mga pagkain. Namayani ang katahimikan kaya mas lalo lang akong nailang.

"Kamusta ka?" medyo paos na tanong ni Roi habang mataman akong tinitignan

Saglit akong natigilan sa titig nya at sa kanya mismo.

Scarred HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon