Nabingi ako sa sagot nya at hindi namalayang tapos na pala!
Tumayo si Doc at inilahad ang kamay sa'kin....walang magawa, I held his hand. Inihatid niya ako sa upuan ko, tulala parin sa sinabi niya.
"Anong nafefeel mo teh? Ano....comeback na dis ba?" pagpaparinig ni Alfie
I snapped back and looked at him.
"Sira, hindi."
Naningkit ang mga mata niya sa'kin.
"Oh, bakit ganyan ka? Affected ka parin no?"
I looked away. I don't know. Maybe.
"Sige wag mo nang sagutin. Alam ko naman eh. Alam ko ding mahal nyo ang isa't isa, you two are too obvious. Kailan kaya kayo magkakabalikan no? Napaglilipasan nadin kayo ng kalendaryo ah, trenta ka na."
Mahal? Ang isa't isa? Hindi ko alam. Ayokong umasa.
Hindi ko na sinagot si Alfie at nanatili nalang ang mga mata ko sa harap. Nagplay ang isang slow dance at naunang nagsayaw sina Dawn at Nicho hanggang sa sumunod ang iba pang couples.
Ang saya naman nilang tignan.
"Sayaw kayo ni Doc!" ani Alfie
Tinignan ko siya ng masama dahil masama na naman ang balak niya.
"We're not couples. Stop it."
"Ay oh. Kunwari pa 'to."
I rolled my eyes and decided to go out of the place.
Nagkakasiyahan naman sila doon kaya hindi na nila mapapansin ang pagkawala ko, who would notice me, right?
Hindi na ako nagpaalam kay Alfie... umalis ako sa reception at naglakad-lakad sa dalampasigan. Wala akong suot na kahit ano sa paa, mas masarap kasing damhin ang buhangin nang nakayapak.
The sounds of waves crashing, somehow soothes me. Masarap sa tenga ang paghampas ng alon.
Ang hangin ay hinahaplos ako, isinasayaw ang aking buhok at maging ang aking suot. Sinalubong ko ito habang napapapikit. The smell of fresh air is perfect to unwind.
Nang makalayo-layo na ay naupo ako sa dalampasigan. Kaharap ang kalmadong dagat. The sea was illuminated by the moon.
I looked up and saw the perfectly lighted full moon.
Just by staring at the moon, nagflashback agad sa akin lahat ng nangyari sa buhay ko.
Una, ang pag-alis ni mommy.
Ang pagpilit ko sa kanyang wag umalis ay isa sa mga nauna kong heartbreak.... na nasundan agad ng paghihiwalay namin ni Adam. It was very devastating.... to see your boyfriend sleeping.... with another girl.
Ang pagkasira ng pamilya ko at ang pagkawasak ng puso ko ang nag-udyok sa'kin para umalis... para bumangon at mamuhay ng payapa.... I thought I did it not until I experienced second wave of tragedy.
My Daddy died.... and my kuya was shot... in front of me. It was really really painful. Walang katumbas ang sakit na naramdaman ko nun and the thought of dying somehow excites me but.... God.... God gave me second chance. Binigyan niya ako ng pangalawang pagkakataong mabuhay.... gamit ang puso ng kuya ko.
That time... durog na durog ako. The thought of kuya giving his heart to me was excruciating.... siguro kung wala dun yung mga kaibigan ko, I would have gone crazy....
And Adam, he was also there. I saw him, again in the most unexpected moment. Akalain niyo nga namang, siya pa ang nag-opera sakin.... at ang nagpasaya sakin.

BINABASA MO ANG
Scarred Heart
Genç KurguLuna Alcantara had a crush on Adam Consunji for years. She was just watching her longtime crush from afar until one day... fate made a way for their paths to collide. As Luna convinces herself not to admire the most intelligent student of their cam...