Pagkatapos ng awarding ceremony ay hindi na kami nakapag-usap pa ni Adam. Umalis na lamang ako dahil balita ko'y pupunta daw sila sa isang bar na pag-aari din ng mga Consunji para doon idaos ang kanilang victory party. Hindi ko na hinintay pa si kuya dahil alam kong nalilibang pa siya doon, I texted him nalang.Nasa kwarto ko na ako ngayon, katatapos ko lang magskincare. Nanonood lang ako ng k-drama sa netflix nang biglang tumunog nang sunod-sunod ang cellphone ko.
Kinuha ko iyon at nakitang buhay na naman ang groupchat namin ng mga kaibigan ko.
'I already said yes to Anton. Baka lang gusto nyong malaman.' that was Bianca's message
I creased my forehead? Is it because she was so hurt earlier, that she wants someone to soothe her?
I somehow feel guilty for Anton. Ayokong magmukha siyang panakip butas pero.....alam kong aware naman siya dun eh. Wala lang talaga siguro siyang pakialam dahil ang tanging gusto nya lang ay ang mabigyan ulit ng tsansya ni Bianca.
Meron pala talagang ganun no? Yung tipong kahit alam mong gagamitin ka lang, okay lang sayo. Is it even love, or martyrdom? But either ways, I just hope this works for the both of them.
Nakita ko namang may ginawa agad na gc si Alfie na may pangalang 'Operation: Make Bianca Fall'
Nasa group na iyon kaming tatlo nina Dawn at Alfie at si Anton.
'Oh ano na Ants? Pumayag na si Bianca na makipagkita sayo, anong sunod mong step?' mensahe iyon ni Alfie
'Gusto kong humingi ulit ng chance. Isusurprise ko siya, tulungan nyo ko.' It was Anton who replied this time
'Sige ba, game ako dyan!' Dawn immediately answered
'Just chat us all you want us to do.' sagot ko naman
'Gorabells! Game na game din ako dyan!'
Wala pa kaming sampung minuto na nag-uusap nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Kamuntikan ko na iyong mabitawan nang makitang si Adam ang tumatawag.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago iyon sinagot. His background is not as loud as I expected it to be, alam ko kaseng nasa bar pa sila ngayon.
"Hello," sagot ko, trying so hard not to stutter
I heard him sighed when he heard my voice.
"Adam, do you have a problem?" hindi ko na naitago sa boses ko ang pag-aaalala nang marinig ang mabibigat nyang paghinga
Kanina pa kase siya eh. Sa laro palang nga kanina at sa pag-iinarte nya, alam kong may problema siya. He played like a very mad beast earlier and that's basically one of the reasons why they won. Mas delikado, mas seryoso at mas magaling pala siya kapag galit. Well, galit nga ba?
"Bakit umuwi ka kaagad?" tanong nya, binabalewala ang nauna kong tanong
"Adam, may victory party kayo kaya nauna nalang ako." paliwanag ko
"But you said, we'll talk after the game, right?" kalmado ngunit seryoso nyang tanong
"Oo pero kase ayoko namang mang-istorbo." nakakagat labi kong sabi
"Kailan ka pa naging istorbo sakin, Luna?" marahan ang pagkakasabi nya pero sapat na iyon para pagwalain na naman ang sistema ko
Why is he always like this to me? Why does his voice needs to be that gentle? Why does his words needs to be so dangerous for my heart?
Bakit.....ang paasa nya?
"Babawi nalang ako sayo. Magkita nalang tayo ngayong sabado tapos pag-uusapan natin ang gusto mong pag-usapan, Adam." I weakly offered

BINABASA MO ANG
Scarred Heart
Ficção AdolescenteLuna Alcantara had a crush on Adam Consunji for years. She was just watching her longtime crush from afar until one day... fate made a way for their paths to collide. As Luna convinces herself not to admire the most intelligent student of their cam...