Chapter 6

2.8K 73 10
                                        


"Mommy, where's kuya?" tanong ko kay mommy nang mapansing hindi ko pa nakikitang bumaba si kuya.

Kasalukuyan na kaming nag-aagahan. Nakasuot na ako ng uniform, habang si mommy naman ay nakabihis narin, papunta sa café.

"Nakaalis na kanina, nagmamadali nga iyon eh." sagot ni mommy

Kumunot ang noo ko. Ang buong akala ko'y nasa kwarto pa siya, yun pala nakaalis na.

"Ha? Saan ang punta my? E may pasok pa ah."

"Hindi ko din alam anak eh. Pero nakauniform naman iyong umalis kaya papasok iyon."

Why is he up so early? Mag-aalas syete palang ngayon, so baka alas sais o alas singko pa siya umalis. Ano na naman kayang kalokohan ang ginagawa nun ngayon.

Nagkibit-balikat nalang ako. Bahala na nga si kuya, malaki na naman siya.

"How's cafe mom?" tanong ko kay mommy habang kumukuha ng omelet

"Okay lang naman anak. How about your studies? Your preparation for your upcoming battle?" tanong ni mommy

Napangiti ako sa tanong nya. Everything's going smoothly so far. Ang dami ko nang natutunan kay Adam.

"Okay naman my. Magaling yung nagtuturo sakin." nakangisi kong sagot

Tumaas naman ang kilay ni mommy, ngumiti siya.

"Yeah, I know Adam would teach you well. I like that boy. Invite him here when you're competition's done, okay?"

Ngumiti ako. Nag-iisip na nga ako ng pwedeng pambawi sa kanya eh. Maybe a meal here would do? Or... maybe I'll think for other stuffs nalang.

"Mom, I think it's your phone." sabi ko nang marinig ang isang ringtone. Nasa sala iyon, marahil dahil nasa loob iyon ng bag ni mommy na nakalapag sa aming sofa.

"It might be your Dad," nakangiting sagot ni Mommy at nagmamadaling iniwan ang kanyang pagkain at pumunta na sa sala.

I smiled. Si Daddy talaga gustong laging updated sa ginagawa ni Mommy, kahit gaano pa iyan ka-aga.

My parent's relationship isn't perfect but it's my type of 'ideal'. Despite kase sa distance nila dahil sa work ni Dad, they still remain faithful with each other and everyday, they become stronger.

Wala pang tatlong minuto ay bumalik na si Mommy sa kusina. Akala ko babalik sya sa pagkain, pero magpapaalam na pala siya. She went to me to kiss my cheeks.

"I'll go ahead na Luna. Take care, okay? I love you." malabing nyang saad

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"You take care too mom. Love you,"

She nodded and hurriedly exited our house. These days, napapansin kong madalas na ang pag-alis ni mommy ng sobrang aga.

I shrugged my thoughts off together with my shoulder.

PAGKADATING ko sa MHS ay nakaheadset kong tinungo ang private library. Napangiti ako sa aking sarili nang mapagtantong malapit na naming matapos ni Adam ang mga topics. Konti nalamang iyon at tila matatapos ata kami, mas maaga sa inaasahan.

Pero, may dumaan ding lungkot sa akin nang marealize na matatapos na ang pagtuturo ni Adam sakin. Ang bilis pala ng dalawang linggo.

Nasa may hallway na ako nang biglang may humugot sa braso ko at kinaladkad ako sa hindi mataong lugar.

"Ano ba!" bulyaw ko

Nag-angat ako ng tingin at buong akala ko'y lalaki ang maygawa nun ngunit nagulat ako nang makitang babae pala.

Scarred HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon