Chapter 22

3.2K 78 4
                                        


Mag-iisang buwan na akong nakaratay lang sa hospital bed ng ospital na ito.

Bumuti na ang pisikal kong kalagayan...pero hindi ang kalooban ko. What happened to my family was very painful, walang kapantay ang sakit na dinadala ko hanggang ngayon....pero sa araw-araw na bumubuti ang lagay ko, sila ang nagiging lakas ko. Sa kanila ako humuhugot ng inspirasyon.

Ngayon na ako madidischarge at andito lahat sa aking kwarto ang mga kaibigan at katrabaho ko. They were all carrying bouquet of flowers which made me more inspired....sa araw-araw na andito ako sa ospital ay   andiyan sila parati sa tabi ko para pagaanin ang loob ko.

I smiled at them. Now I feel a bit okay....atleast. Hindi naman pala ako iniwan ng lahat, andito parin naman sila.

"Thank you," sincere kong sinabi sa kanila

The girls looked at me with teary eyes while the boys smiled.

"Okay kana ba talaga?" paniniguro ni Vince

Natawa naman sina Mike sa kakulitan nitong si Sir Vince.

"Ilang beses mo na ba yang tinanong Sir?"

"Oo nga, sa tingin ko pang isang daan na."

"Concern na concern tayo ah?"

"Ehem ehem wedding bells are ringing!"

Natawa ako. Kahit kailan, hindi talaga nila ako titigilan sa panunukso. It's okay tho.  I feel a bit lighter.

"Tigilan nyo nga kami....saka na yang kasal-kasal na yan kapag magaling na si Luna," biro ni Vince

Nasapo ko ang aking noo nang umungol ang kantiyaw ng mga nandito sa loob ng kwarto. Nakakahiya.

"Yown! Recover ka pala muna Ma'am!"

"Support ka namin sis!"

"Ayan na! Hahahaha"

"Pakasal na agad kayo Luna, Vince, paglabas!"

Natigil lang sila nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at inluwa nito ang seryosong si Adam. Sa ilalim ng kanyang white coat ay ang kanyang crisp white button down dress shirt with royal blue tie paired with jeans. Meron paring stethoscope na nakasabit sa leeg nya....at kitang-kita ko ang nameplate sa kanyang coat.

He became taller, manlier and..... colder? Mas bagay na sa kanya ngayon ang mala yelo nyang mga mata. He also looked so freaking......handsome. As always.

Nahigit ko ang aking hininga at bahagyang nagulat dahil....magmula noong niyakap ko siya ay hindi na siya bumalik pa dito. I remembered other cardiologist visiting me...after that.

Nag-iwas ako ng tingin at ramdam ang pag-init ng pisngi nang maalala ang pagyakap ko. Sht. Bakit ko nga ba ginawa yun? I just....I just feel like it kase. Ewan ko kung anong sumapi  sa akin at hinigit ko siya. Nakakahiya.

Oh no. I shouldn't be thinking about that anymore. Mas pinapahirapan ko lang ang sarili ko.

"Hi Doc, gwapo mo po." dinig kong malanding tawag ni Carm

I can even hear the giggle of the girls and the sigh of the boys.

Hayyy....parati talaga siyang.....nagsa-stand out. Parating napapansin.

Nilingon ko siya at nakitang ni hindi man lang niya nginitian sina Carm. Tinanguan nya lang ang mga ito at dumiretso na sa akin pero bago yun ay kitang kita ko ang paninitig nya kay Vince.

Pinuno ko naman ng hangin ang baga ko, just in case kapusin ako ng hininga sa harap nya.

Nanahimik ang mga kasama ko nang magsimula siyang magsalita. Inexplain nya sa akin ang dapat at hindi dapat gawin after kong makalabas.

Scarred HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon