Chapter 20

2.8K 76 5
                                    


Sobrang bilis ng pagmamaneho ko. Sa sobrang tulin, I managed to reach our house 20 minutes earlier than usual.

Nanginginig ang kamay ko habang nagtatanggal ng seatbelt. Ang daming tao sa bakuran namin, also, there are a lot of police.

I even saw an ambulance, ringing for life.

I silently prayed na sana...sana hindi napuruhan si Dad.

"Excuse me, excuse me."

Pinadaan ako ng mga taong humaharang.

"Siya yung anak diba?"

"Hala kawawa naman si Ma'am."

"Ke-bata pa nun eh."

"Hindi na naisalba ng anak diba?"

"Ay naku ang sakit nun ah, naisasalba mo yung iba pero ang sarili mong ama, hindi."

Mas domoble ang kaba ko sa mga naririnig na bulong-bulungan ng mga kapitabahay ng ilang di 'ko kilala na paniguradong nakikichismis lang.

Ang daming pulis na nakapaligid at hinang-hina ako para magtanong.

I am afraid to ask because I am not prepared for the answer.

Si kuya...si kuya ang gusto kong tanungin!

Tila tumigil ang mundo ko nang may makita akong inilabas mula sa pinto ng bahay namin.

Nakastretcher at balot ng puting tela ang mukha habang nasa gilid ang mga naka-unipormeng rescuer.

Iniwas ko ang aking tingin at pilit na nagpakapositibo.

"Hala kawawa naman!"

"Ate...si Dad po?" natutulala kong tanong sa isang nakikiusyuso

Napalunok siya habang itinuturo ang naka stretcher.

Umiling ako at pumikit. No way!!!

Kahit nanginginig ang tuhod ay nagawa ko paring lumapit pero hinarangan ako ng pulis.

"Ma'am hindi-"

"Kuya anak ako!" hysterical na sigaw ko

Nagkatinginan naman sila.

"Hayaan mo na Sir, kapatid yan ni Lt. Marco Meneses." pagpapaliwanag nung isang pulis

Hindi ko na hinintay pa ang pahintulot nila. Sumugod ako sa stretcher at sinenyasan ko ang mga rescuer na huminto muna saglit.

I know....this is not Daddy. I know. I hope.

"Kawawa si Ma'am."

"Ang agang naulila."

"Nakakaiyak."

Pumikit ako at pilit na winaglit ang masamang posibilidad. No. This is not Daddy.

"Kuya, hindi....hindi ito si Daddy diba?" parang nababaliw na tanong ko sa isang rescuer

He just looked at me with guilty eyes and then looked down.

Tinitigan ko ng mabuti ang tela, nagbabakasakaling may gumalaw...Nagbabakasakaling, buhay pa.

"Kayo po ang magkompira ma'am."

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang luhang dulot ng kaba at takot.

Takot na takot ako na baka....si Daddy nga to.

Humugot ako ng malalim na hininga bago unti-unting binuksan ang tela.

My hands were trembling as I open the damn white fabric. Hindi...hindi ko kaya.

To my horror, it was him.

Scarred HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon