Kasalukuyan akong nasa private library, maagang-maaga ang pagpasok ko ngayon dahil gusto kong makabawi kay Adam sa palaging pagiging late noong nakaraang linggo. Nakakahiya na masyado sa kanya. Ako na nga tong nagpapaturo, ako pa tong late. Kaya kanina, napakaaga kong gumising at ang nagpagulat pa kina mommy, ako ang nagluto ng agahan at dala ng pagiging ganado, pati baon ko para sa tanghalian ay nailuto ko rin.At sa totoo lang din, naipagluto ko din si Adam. Naitanong ko kase sa kanya kung anong paborito nyang ulam at sinagot naman niya ako ng beef steak. Medyo kabado nga ako sa lasa eh, pinatikman ko kanina kay mommy at sabi nya ay okay naman daw kaya bahala na. Kung hindi nya magustuhan, okay lang. Hindi naman ako proffesional cook kaya meron akong consideration dapat.
Binuklat ko ang aking libro habang pasulyap-sulyap sa aking dala-dalang macbook. Nagreresearch din kase ako tungkol sa mga mahihirap na terms at problems na ibinigay sa akin ni Adam.
Panaka-naka ko ding isinisingit ang pagfe-facebook habang nagreresearch sa google. Nags-scroll ako sa aking newsfeed nang makita ko ang status ni Celeste kahapon. Hindi kami friend sa facebook pero shinare iyon ng mga kaibigan ko sa fb kaya ko nakita. It says...
'Hindi lahat ng basketball player ay babaero. Meron pang natitirang matino and I'm lucky I've found one.'
Tumaas ang kilay ko. Si Adam agad ang unang pumasok sa isip ko. Aaminin kong ilang beses ko nang nahuhuling nakatitig at nagpapapansin si Celeste kay Adam kaya hindi na ito kataka-taka kahit na madalang lang itong pansinin ng binata.
Ang iilang caption naman sa shared post ay si Adam din ang hinala.
Ano? Sila na ba?
Umirap ako sa sarili. Ano naman ngayon, Luna? Pakialam mo ba?
"Ang aga-aga, nagtataray ka."
Halos mapaigtad ako sa biglaang pagsasalita ni Adam. Nasa harapan ko na siya ngayon, looking gorgeous as usual. Basa ulit ang bahagyang magulong buhok, mamula-mula ang labing maninipis, at malamig parin ang asul na mga mata. Umupo siya sa harap ko at agad akong pinagtaasan ng kilay pagkalapag niya ng kanyang bag at laptop.
Hindi ko siya sinagot. Baka kase kung ano pang masabi ko. Yumuko nalang ako at bumalik sa pagreresearch kunwari. Busy-busyhan, pero totoong busy talaga ako.
Busy ang utak ko kakaisip tungkol sa maaari nilang relasyon ni Celeste.
Nakakainis lang isiping kahit na panay ang asar at pambubwisit sakin ni kuya kanina, hindi ako nabadtrip. Tapos eto? Sa isang post lang, wala na. Nagiba na agad ang araw ko.
Ramdam kong nawewirduhan si Adam sa inaasta kong pagpipipi-pipihan pero ayun, nagpatuloy parin naman kami sa pagrereview.
Halos lahat ng pinapasagutan nya sa akin ay naitatama ko. Dala siguro ng mood ko. Siguro tama iyong puna sa akin ng ilan kong kaklase, na kapag daw galit ako ay dun ako mas nakakapagfocus sa pag-aaral.
Nang magbell ay hindi ako lumabas ng library. Lumabas siya, para bumili siguro ng makakakain.
Siya nga pala, whole day kami ni Adam ngayon at sa natitirang weekdays ng linggong ito. Next sunday na kase ang competition kaya mas matinding concentration ang dapat kong gawin. Automatic excuse kaming dalawa ni Adam sa lahat ng subjects namin. Miss Fe assured us na wala kaming dapat ipag-alala dahil naiintindihan naman daw ng aming subject teacher lalo pa't ang pangalan ng eskwelahan ang pinaglalaban dito.
Ilang minuto pagkatapos tumunog yung bell, hudyat na tapos na ang recess ay hindi pa nakakabalik si Adam. Dinaanan pa siguro nun si Celeste na nasa kabilang building kaya natagalan. Wow, sweet.

BINABASA MO ANG
Scarred Heart
Novela JuvenilLuna Alcantara had a crush on Adam Consunji for years. She was just watching her longtime crush from afar until one day... fate made a way for their paths to collide. As Luna convinces herself not to admire the most intelligent student of their cam...