Chapter 4

3.3K 92 14
                                        


Mabilis na lumipas ang araw, hindi ko na namalayang nakatapos na pala kami ni Adam ng isang linggo.

Sa isang linggo na pagtuturo nya sakin, ang dami dami kong natutunan. Sa tingin ko nga ay lampas kalahati na kami sa dapat naming pag-aralan. Inaamin ko ding ganado ako sa pagrereview, lalo pa't siya ang nagtuturo.

May future talaga siya sa pagiging teacher lalo pa't mataas ang kanyang pasensya. Minsan, kung nagkakamali ako ay hindi parin nya ako pinapagalitan, sa halip ay nagpupursige syang ituro iyon sa akin.

Paunti-unti narin akong nakaka-adjust sa kanya. Hindi padin naman ako ganoon ka komportable pero hindi na gaya ng dati. Nabibiro ko na siya ngayon, madalang nga lang siyang tumawa.

Nitong mga nakaraang araw ay si Adam na din ang naghahatid sa akin. Sabay din kaming nagdidinner, kung hindi sa restaurant ng kanyang lola ay sa aming bahay.

Sa tuwing magkasabay kami ay parati kaming pinagtitinginan ng mga studyante. Panay din ang pagrarant ng mga classmates at schoolmates ko na ang swerte ko daw kesyo ganto, kesyo ganyan at baka daw eh magkahulugan daw kami. Hindi ko nalang iyon pinapansin dahil wala naman iyong katuturan.

Kasalukuyan akong nags-skincare nang tumunog ang cellphone ko. Inabot ko ito mula sa vanity table. Kamuntikan ko nang mabitawan ang aking telepono nang mabasa iyon.

'Are you home? -AC'

Kilalang kilala ko iyong initials na iyon. Adam Consunji.

Nagulat ako sa mensahe nya, ito ang kauna-unahan nyang text sa akin. Walang pasubaling nagreply ako kaagad.

'Yes. Ikaw? Nakauwi ka na rin ba?'

Pagkatapos nya akong hinatid ay binati ko lang si Mommy at kuya at dumiretso narin sa aking kwarto. Masaya mang mag-aral kasama si Lorenzo, nakakapagod parin iyon lalo pa't numero ang pinag-aaralan ko.

Nag-antay pa ako ng ilang minuto para sa kanyang reply. Doon ko lang napagtanto na masyadong naging mabilis iyong reply ko. Ugh.

Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalagay ng night cream.

Ilang minuto ang nakalipas nang tumunog ulit ang cellphone ko. Nagkukumahog ko iyong tinignan at natuwa ang traydor kong puso nang makitang galing iyon kay Adam.

'Not yet. May pinuntahan lang ako saglit. Sorry for the late reply, I was driving.' paliwanag nya

Saan naman kaya ang pinuntahan nya? O  sino kaya iyon?

Halos mag-unahan sa pagtaas ang mga kilay ko nang maisip na baka babae iyon.

Umiling ako sa sarili. Luna, wala ka na dapat pakialam dun.

Dahil sa naisip at sa pag-iisip tungkol dito ay nawalan na ako ng ganang magreply. Hanggang sa makatulog ako ay hindi ko na siya nareplyan.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising, siguro dala narin ng pagtulog ko ng maaga.

"Luna, don't forget your check-up today, huh?" paalala ni kuya sa akin

Tumango ako. Kami lang dalawa ang kumakain ngayon, wala si mommy dahil may maagang inasikaso sa café.

"Nga pala, kamusta iyong pagtuturo ni Adam sayo?" tanong ni kuya habang tumutuhog ng hotdog

Nginuya ko muna ang pancake bago siya sinagot.

"Okay lang naman kuya, mahirap pero nakakaya naman." totohanan kong sagot

"Tinanong ko nga iyon eh,"

Kumunot ang noo ko.

"Anong tanong mo?" agad kong saad

Kita kong tumaas ang kilay nya sa agaran kong pagtatanong.

Scarred HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon