Chapter 24

3.2K 64 4
                                        

'I already wired you the money.'

Yun ang mensahe na ipinadala ko kay Doc sa instagram. Well, para lang alam nya...baka kase sa dami ng pumapasok na pera sa bank account nya araw-araw ay hindi na niya napansin.

Nakabihis ako ngayon. I'm wearing a plain white cropped top and a high waisted white shorts na hindi gaanong maiiksi. Naka all-white ako today....kase wala lang. I'm going to the jail today....to finally visit the  damn murderer.

Napagdesisyunan ko nang gawin 'to dahil kagabi ay napanaginipan ko na naman ang nangyari. It was so fresh that it hunts me every night....at gusto ko ng kasagutan. I want answers.....I'm not sure if it will set me free....but atleast alam ko din ang side nya diba? At para din mailabas ko na lahat lahat ng sama ng loob ko sa taong yun.

Hindi na ako nagmake-up, tanging cheek tint lang ang nilagay ko sa aking mukha, nothing more. Inilugay ko nalang din ang aking buhok at isinuot ang aking white sneakers. I grabbed my black cap since I decided to wear it...mainit kase tsaka para naman may maiba sa suot ko.

Sinilip ko ang phone ko at napagdesisyunang magmessage ulit kay Adam.

'Also, I just wanted you to know na hindi ako pumapayag na kalahati lang ang ipapabayad mo sa'kin. I'll pay you the half, just tell me how.'

Hindi ako papayag na ganun-ganun na lang yun no. Kahit pa effort ang hingin nya at hindi pera, gagawin ko para lang talaga makabayad sa kanya. Isa ang pride ko sa nanatili sa akin sa kabila ng lahat ng nangyari.

Wala akong kasama ngayon. Walang lawyer. Walang kaibigan....wala talaga. I just....I just wanted to do this, myself. But I admit, it would be better if I have atleast one companion, pero....wala eh kaya gora na.

'You really won't drop it, huh?'

Napairap ako sa reply nya. Malamang.

'Yup. So tell me how you want me to pay you since ayaw mo namang tumanggap ng pera.'

Wala pang isang minuto ay nagreply ulit siya. Aba, maraming oras. Wala na sigurong duty.....sa ospital o sa girlfriend.

'Meet me at Lorenzo's cafe. I'll tell you how there.'

Tumaas ang kilay ko.

'You can't tell me now?'

'I want to say it to you personally.'

I sighed. Paano? Eh bibisitahin ko pa muna sina Daddy at Kuya tapos didiretso na ako sa presinto?

'I'm not available today. May lakad ako.'

'Where?'

Bakit...ang dami nyang sinasabi?

'Basta. Wala ka bang duty?' tanong ko, ang bilis nya kaseng magreply.

'Nope. That's why I wanted to see you now. Ngayon lang ako hindi busy kase.' paliwanag nya

Sabagay. Wala nga namang kasiguraduhan sa trabaho nya.

'Okay fine. I'll meet you there.'

Dadaanan ko nalang siguro siya pagkatapos kong dumaan kina Daddy.

Iooff ko na sana ang data ko nang biglang magchat sa akin si Vince.

'Can I visit you today?'

Agad akong nagtype ng reply.

'Sorry...may lakad kase ako eh.'

'Oh? Saan? Pwede akong sumama?'

It's sunday today kaya hindi din to busy tong taong to. Walang pasok eh.

Scarred HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon