Warning: SPG (slight)
Please read at your own risk. :)
"Angkas ako love," ani Dawn kay Nicho
We're currently here at the motorcycle rental shop here in Siargao. This day, pupunta kami sa Sugba Lagoon, malayo-layo ang byahe and sabi nila... the best way to experience the island life is to ride a motorcycle while enjoying the scenery here... kaya kahit pwede naman kaming magvan ay magmomotor kami.
Nga lang... hindi ako marunong magmotor kaya makikiangkas lang din ako, kay Alfie, maybe?
"Luna," dinig kong tawag ni Adam sa kin
Nakakunot noo ko siyang nilingon. He's now wearing a black round neck shirt and a black shorts. Mas pumuti siya sa suot nya.
"Bakit?"
Imbes na sagutin ako ay naglahad siya ng isang helmet sakin. Nang marealize ang gusto nyang mangyari ay nanlaki ang mata ko.
He wants me to share the ride with him?
Tinanggap ko iyon at hindi na nakareact nang umangkas na siya sa motorsiklo at nagsuot na din ng helmet.
"Come on,"
Nilingon ko si Alfie at nakitang matalim na naman ang titig nya sakin...kase nangako akong sa kanya ako sasakay, kaso I doubt magpapatalo tong isa.
"Oo na! Ako na naman ang mag-isa! Ayoko na talaga, huhuhu."
Nagpeace sign nalang ako sa kanya at umangkas na kay Adam. I'm wearing a maong shorts and black bikini top... my hair's tied into a bun so I feel very comfortable riding this motorycle.... lalo pa at ehem.. ang gwapo ng driver!
"Hug me," utos ni Adam bago paandarin ang motor
Nagpipigil ng ngisi akong yumakap sa kanya... dinadam ang matigas niyang dibdib....hihi.
"Harot!!" sigaw ni Alfie
We didn't mind him. Pinaandar na ni Adam ang motor and yeah, the engine rolled to life.
"Let's go!" masayang sigaw din ni Dawn nang paandarin na din ni Nicho ang motor nila
Ang nagtataasang coconut trees ang nadadaanan namin. The wind was kissing my face and blowing my hair.
Para akong lumulutang sa saya. Ang sarap ng hangin..ang sarap ng tanawin.... at ang sarap yakapin ni Doc! Charot.
Napakapit ako kay Adam nang binilisan nya ang pagpapaandar...but why do I feel like sinasadya nya? Hmm? Or assuming lang talaga ako? Yeah right.
Huminto kami sa ilang sikat na spots.
"Smile, babe."
Dahil sa tawag niya sa akin ay napangiti talaga ako. Hayy, Doc you're making me crazy.
Nasa gitna kami ng kalsada ngayon na napapagitnaan ng nagtataasang puno ng niyog. While I was busy posing, si Adam naman ay nakaluhod sa kalsada, para lang makunan ako ng magandang angle. Well, hindi ko siya pinilit ah, siya ang nagvolunteer.
Nang matapos kaming magpicture-picture ay bumiyahe na ulit kami.... at oo nakailang hinto kami bago nakarating sa Del Carmen kung saan doon kami sasakay ng bangka patungo na sa mismong Sugba Lagoon.
"Look babe, this is the largest salt water crocodile daw sa buong mundo." namamangha kong sabi kay Adam habang tinuturo ang patay nang crocodile
Adam held my hand and smiled whil he was watching me.
"I know,"
Ngumuso ako sa sagot nya. Yeah right, ano nga bang hindi niya alam?
Siguro.... ang hindi nya lang alam ay ang.... mahal na mahal ko siya?
BINABASA MO ANG
Scarred Heart
Teen FictionLuna Alcantara had a crush on Adam Consunji for years. She was just watching her longtime crush from afar until one day... fate made a way for their paths to collide. As Luna convinces herself not to admire the most intelligent student of their cam...
