Chapter 15

3.1K 79 16
                                        

"Kuya, pinayagan naman ako ni Doktora Mary eh. Sige na payagan mo na ako, promise, hindi ko pipilitin ang sarili ko kung hindi ko na kaya." pamimilit ko sa nakabusangot kong kapatid

Magbibihis na sana ako nang puntahan pa talaga ako ni kuya sa aking kwarto para pigilan ako.

Plano kase naming maghike nina Aflie, Bianca at Dawn ngayon, kasama si Adam.

Kadarating lang ni Adam kahapon dahil may break daw sila ng isang linggo kaya sinamantala ko na iyon para makapaghike naman kami.

Matagal ko nang gusto talagang umakyat ng bundok, kaso parati akong kinokontra ni kuya.

"Luna naman, todo yung pag-iingat namin sayo, ingatan mo rin naman yang sarili mo!" giit nya

Bumuntong hininga ako at nakaramdam ng konting konsensya.

"Kuya, nagpacheck-up naman muna ako eh. Sabi naman ni Doktora pwede naman daw akong umakyat basta hindi lalampas sa 2500 m eh. Eh 2200 meters lang naman yung aakyatin namin," pangungumbinse ko

He looked away and frustratedly messed his hair. I don't want to frustrate him but I really really want to climb that mountain!

"Naiintindihan kong nag-aalala ka kuya at naappeciate ko yun, but please...just this one."

Inirapan nya ako.

"If you want, you can join us naman eh."

"Ewan ko sayo. Ang tigas ng ulo mo. Bahala ka nga, malaki ka naman na."

Nagwalk out siya kaya nagdalawang isip na ako kung tutuloy pa ba. Pinayagan na ako nina mommy pero ayokong umalis nang hindi rin pumapayag si kuya.

All my doubts vanished when Alfie and Dawn texted me na okay na daw, pinayagan na daw sila at tuloy na tuloy na daw kami bukas. Si Bianca nga lang, hindi makakasama dahil may lakad daw siya kasama si Anton.

KINABUKASAN, I woke up 1 am to get myself ready since 2 o'clock ako susunduin ni Adam dito.
Nakaligo na ako kaya nagbihis na ako ng fitted black pants and fitted gray longsleeves. I wore my pink detailed nike rubber shoes and tied my hair in a high ponytail. Nagmoisturizer at sunscreen lang ako sa aking mukha at nagliptint and voila, I'm all good.

I grabbed my backpack and went to kuya and mommy's room para magpaalam. Daddy's not here again, as usual. Nag out of the country sila Dad para sa isang mission sa Saudi.

Gigisingin ko pa sana si mommy nang makita ko siyang nakangiti sa kanyang cellphone, tila teenager na kinikilig.

"Mom," tawag ko

Her eyes widened when she saw me and immediately hide her phone. She fixed her hair, umayos ng upo at nagseryoso.

"Why are you still up? And you're smiling pa, huh? 'To talagang si Dad" nakangisi kong sabi

Umawang ang bibig nya at namula na nagpatawa sa akin. My parents are so cute.

"Aalis ka na ba?" tanong ni mommy matapos pasadahan ng tingin ang kabuoan ko

I nodded. Nagpaalam ako sa kanya at dumiretso na sa kwarto ni kuya. Mahimbing ang tulog ni kuya at kahit sa pagtulog ay nagsusuplado siya. Nakakunot ang kanyang noo at nagsasalubong ang kanyang mga makakapal na kilay. His face is angelic but definitely not his expression.

Niyugyog ko ng marahan ang kanyang balikat para magising siya.

"Kuya,"

Kumunot ang noo nya nang makita ako.

"Why?" tanong nya, nakapikit na ulit ngayon

"Aalis na ako, nasa baba na si Adam." marahan kong sabi

Scarred HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon