Chapter 8

3.1K 98 4
                                        


Nagising ako dahil sa malakas na pagriring ng cellphone ko. Nakahalf-open ko iyong sinagot.

"Hello," paos kong sagot

"Luna, where are you? Papunta na ako sa venue, magkita nalang tayo dun." nagising ang diwa ko nang marinig ang boses ni Miss Fe

Fck. Oo nga pala, alas syete ay dapat handa na ako pero mag-aalas syete na pero heto parin ako sa kama!

Nagkukumahog akong nag-ayos pagkatapos ng tawag ni Miss Fe. Mabilisan akong naligo at nagbihis ng uniform.

Paano ba naman kase, mag aalas dos na ako nakatulog. And yes, I stayed up late thinking about what happened last night.

Yesterday night was one of the longest night of my life. Hindi ko alam pero parang tumigil ang mundo ko habang yakap-yakap ako ni Adam. At ang walang hiya kong puso ay labis labis ang tahip kagabi, ang kapal talaga ng mukha.

Mabuti nalang din at wala masyadong nakahalata sa amin kagabi. Or meron? I don't know and I don't care.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa mga salitang binitawan nya. Paulit-ulit iyong nagreplay sa utak ko kaya ang resulta ay ang sobrang late ko nang pagtulog.

"Anak, ang lalaki ng eyebags mo! Ohmygod I can't let you go out like that!" eksaheradang puna ni mommy

Nandito na siya ngayon sa kwarto ko, giving me warm hugs and saying tons of 'good luck'.

Tinignan ko naman ang mukha ko sa salamin at tama nga siya, may eyebags nga ako pero hindi naman iyon kalakihan para sa akin. Okay lang, wala na akong choice dahil sobrang late ko na!

"Mom, it's okay." sabi ko habang nagmamadaling naglagay ng moisturizer sa aking mukha at nagsusuklay ng buhok

Ano ba naman 'to. Ngayon pa talaga ako malilate. Ugh.

"Anong okay? No, we'll fix that!" mom insisted

Wala na akong nagawa nang hawakan nya ang mukha ko at lagyan yun ng concealer. May iba pa siyang nilagay kaya mas natagalan ako.

"Luna, andito na ako, asa'n ka na ba?"      tanong ni Miss Fe, tumawag na naman kase siya

Sinenyasan ko si Mommy na tumigil na. Ngumuso naman siya saka tumango. Pagtingin ko sa salamin, nagpasalamat ako at hindi naman siya halatang minadali. Naitago naman ni mommy yung mga bagahe ko sa ilalim  ng mata.

"Miss, I'll be there in a bit. Sorry, I'll be late for few minutes."

"Okay, but please be here as soon as you can. Marami-rami naring contenders ang naririto kaya please hurry up."

Pagkatapos ng tawag ay agad akong lumabas ng kwarto, si mommy ay nakasunod na sa akin.

"Anak, andyan nga pala si Adam sa baba." mahinahong sabi ni Mommy

Nanlaki naman ang mata ko. What?!?
Nilingon ko siya at tila ayoko nang bumaba.

"Mom, why is he here?"

Tila nagulat din si mommy sa reaksyon ko.

"Siya ang maghahatid sayo, Luna. Bakit? Hindi mo ba alam?" nakakunot noo nyang tanong

Napapikit naman ako. Silently thanking mommy for applying some concealer in my face. Nakakahiya kung haharap ako sa kanyang may eyebags, at mas nakakahiya ang rasong dahil iyon sa kaiisip ko sa kanya!

Pagkababa namin ay nakita ko nga si Adam sa sala namin, kasama si kuya. Agad siyang tumayo nang makita ako. Basa pa ang medyo magulong buhok ni Adam. He's not wearing his uniform, nakasuot siya ngayon ng isang white polo shirt at isang checkered trousers. Even in his casual attire, he still looked so good and it making my heart go crazy again and again!

Scarred HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon