Kinabukasan.... medyo late na akong nagising dahil sobrang tagal ko ding nakatulog. I slept around 2 am, hinatid pa nga ako ni Adam sa kwarto ko and up to now, hindi parin ako makapaniwala sa mga sinabi sa akin ni Adam.
I mean... it was just surreal for me.
Him saying he's staying no matter what happens and loving me despite everything feels euphoric that it hurts my heart.Hayyy.... but okay. I need to get up already dahil mag-a island hopping kami for today.
Actually yung schedule dapat ng tour ay 8 am pero dahil nga late ako.... pinareschedule ni Alfie to 10 am ang tour. At dahil alas nuwebe na, I am rushing already.
Hindi na ako naligo dahil maliligo din naman kami. I just washed my face applied some sunscreen all over my body and then wore my orange two piece. Sleeveless quare neck ang top ko habang ang pair niya naman ay pinatungan ko lang ng biker shorts na tatanggalin ko din mamaya kapag nagswim na kami. So basically, what I'm wearing is just my bikini top and my biker shorts. I didn't applied any make-up.. I just grabbed my dry bag and ta-da! I'm all set.
Nagsuot lang din ako ng cap habang nakalugay ang buhok at flats para mas komportable.
Pagkatapos mag-ayos ay sumakay na ako sa van ng hotel at nagpahatid na sa kung saan ang bangka... andun na kase sila, ang tagal ko daw kase kaya nauna na sila.
When the van stopped, naglakad na ako sa dalampasigan papunta sa kanila... and there I saw them, nakasakay na sila sa isang malaking bangka. If I'm not mistaken, the boat Alfie booked was the biggest boat here in Siargao.... the Galatea. Malaki iyon para sa amin dahil apat lang naman kami, ako si Alfie, si Dawn at si Nicho. Wala ang iba dahil nagsiuwian na, maaga kase silang napunta dito kaya nakapaglibot na sila, kami nalang ata ang wala.
Naningkit naman ang mata ko nang may makita akong lalaking naka white button down polo, nakabukas ang unang apat na butones revealing his hairy chest at black board shorts, matangkad at gwapo. O alam nyo na kung sino.
"Ayan na si mayora!" anunsyo ni Alfie na nakasakay na
"Sa wakas!" dagdag ni Dawn
Hindi ko sila pinansin. Tinitigan ko si Adam na nakalahad na ng kamay sa akin ngayon. Why is he here? Akala ko kaming apat lang eh.
"Good morning," bati niya sakin, showing his perfect teeth
Napangiti ako.. sinong hindi diba?
"Morning," bati ko pabalik at kinuha ang kamay nya
Inalalayan niya ako pagsakay ng bangka, he even held my waist to prevent me from falling, namula tuloy ako nang makita ang nakangising kaibigan.
"Woooh wala pa nga namumula na!" kantyaw ni Alfie
Bwisit.
"Cute nyooo!"
Umupo ako sa tabi ni Alfie at hindi na siya pinansin, nagulat naman ako nang tumabi sa akin si Doc... Adam.
May espasyo pa naman at hindi kami nagkakadikit pero... naiintimidate ako lalo na nang maalala ang mga sinabi niya kagabi... hindi naman siguro siya lasing nun diba?Kase kung lasing siya.... edi araw-araw ko siyang papainumin para araw-araw siyang lasing. Charot.
"Did you sleep well?" tanong ni Adam
Nilingon ko siya at nakitang seryosong nakatingin sa akin.
"Uh oo." pagsisinungaling ko kahit hindi talaga ako masyadong nakatulog sa kaiisip sa kanya
He smiled and nodded. Nag-iwas ako ng tingin. Pinasadahan ko nalang ang istura ng mga kaibigan ko. Alfie's wearing a floral printed polo and shorts, may aviators sya at may make-up si gaga. Si Dawn naman ay nakabikini na, walang cover-up o ano. Nakakapit siya kay Nicho at naghaharutan sila sa harap mismo namin, what a view, eh?

BINABASA MO ANG
Scarred Heart
JugendliteraturLuna Alcantara had a crush on Adam Consunji for years. She was just watching her longtime crush from afar until one day... fate made a way for their paths to collide. As Luna convinces herself not to admire the most intelligent student of their cam...