Chapter 26

3.1K 80 5
                                        


"Besh, ang amo-amo naman talaga netong aso mo...oo! Wag mo na 'tong kunin ha!" nanggigil na ani Carm

"Sira..kung pwede ko nga lang yang dalhin eh, kaso hindi pwede. Ingatan mo yan, ah? Mas mahal ko pa yan kesa sayo." biro ko

"Tse. Mas mahal ko din 'to kesa sayo no!"

We laughed at each other.

"O sige na chupi ka na at baka malate ka sa flight mo!" pananaboy nya sa akin

"Wait lang naman... magpapaalam pa ako sa baby ko."

Nilapitan ko siya at kinuha mula sa braso nya si Sol.

"Baby... aalis muna si Mommy, I'll be back sooner. Be good to your tita Carm, okay?"

I said to my dog as if she can understand.

Niyakap ko siya at paulit-ulit na hinalikan.

"I'll miss you!"

Nalulungkot tuloy ako kase maiiwan ko siya.

Pupunta kase akong Siargao, dahil doon gaganapin ang kasal ni Dawn.

Yes... Dawn's not yet married dahil nagseparate sila ng Dad ni Mishka, pero in the end sila parin naman ang nagkatuluyan...medyo nadelay lang pero okay na.

Hinalikan ko pa ang anak ko bago ko siya binigay kay Carm.

"Ingatan mo yan, ah? Yung mga binilin ko sayo!"

I pointed about Sol's foods... and stuffs.

Tumango siya at itinaboy na ako. Sighing, I left Carm's house with a heavy heart...buti nalang at makakampante ako dahil kay Carm ko siya iniwan.

Pagdating ko sa bahay ay agad na akong naligo. Nag-impake na ako kagabi kaya no worries na ako sa pag-iimpake churvalu.

After taking a bath, I did my skin essentials. Skin care tsaka light make-up.

I wore a checkered longsleeves and maong shorts. Nagdala din ako ng aviator dahil mainit daw doon. Inilugay ko lang ang aking buhok dahil basa pa, sinuklay ko nalang.

I was about to wear my white sneakers when my phone rang.

"O?" sagot ko habang isinusuot ang sapatos

"Papunta na ako dyan.... nakabihis ka na ba?" tanong ni Alfie

"Oo."

"Okay, siguraduhin mo lang ah! Baka paghintayin mo pa akong bruha ka! Babosh na!"

"Bye."

I ended the call. Magkasabay kaming pupunta doon ni Alfie. Ang ibang mga dadalo ay nandoon na kahapon pa, kaso may check-up ako kahapon kaya ngayon kami lilipad papunta doon at dahil mahal ako ng kaibigan ko, sasabay siya sa akin.

Binilisan ko pa lalo ang pag-aayos at saktong-sakto, natapos ako pagdating ni Alfie.

Isang maleta ang dala ko at isang malaking backpack. Isang linggo ata kami doon eh.... kase pagkatapos ng kasal ay lilibutin pa daw namin ang isla. The day after tomorrow ang kasal ni Dawn.

Alfie drove to the airport.

Nang makasakay kami ng eroplano ay kaagad kong isinalpak ang aking headset sa tenga... and then took a nap.

We arrived at the hotel around 7:30 in the evening. Hindi gaanong nakakapagod ang byahe lalo na nang madaanan namin ang magandang tanawin dito sa isla...kaso hindi ko nga lang talaga nakita kase mag-gagabi na nga nang makalapag kami.

Magkaiba kami ng room ni Alfie...malamang. Pagkapasok ko ng kwarto ay napatango-tango ako sa interior. Maganda at mukhang swak naman sa presyo.... swak kase si Dawn ang magbabayad hahaha.

Scarred HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon