Chapter 12

2.8K 99 14
                                        


After my stupid confession to Adam, iniwasan ko siya. Oo nga't nasa iisang paaralan lang kami pero hindi naman naging mahirap sakin na iwasan siya dahil sa laki ng Merriam.

Grabeng pagsisisi ang naramdaman ko pagkatapos ng pag-amin ko kay Adam. I felt really shy and my ego was damn hurt.

I've never confessed first before, kahit naman noong gustong gusto ko pa si Roi, hindi naman ako umabot sa point na umamin ako sa kanya.

Hindi ko talaga inakalang magagawa ko yun. Sobrang kahihiyan yun para sa akin at parang tinapakan ko lamang ang aking sarili sa ginawa. Fck. Wala na akong mukhang maihaharap kay Adam kaya iniiwasan ko talaga siya hangga't maaari.

Ang nakakainis pa, imbes na makalimutan ko na siya't lahat lahat dahil nga umamin na ako, mas inisip ko pa siya araw-araw dahil sa ginawa. Ang daming tumatakbong tanong sa isipan ko. Kung ano kayang naging reaksyon nya. Kung galit ba siya dahil nagkagusto ako o.....ugh.

Paulit-ulit kong inaalo ang sarili ko sa   katotohanang hindi ko naman sinabing mahal ko siya, sinabi ko lang namang gusto ko siya at hindi na siya dapat magtaka dun kase walang babaeng hindi magkakagusto sa kanya.

Ngayon lang ata bumaba ang confidence ko ng ganito. Nakikita ko siya pero sa tuwing nangyayari iyon ay lumilihis ako ng daan o di kaya'y nagtatago and trust me everytime I see him or hear his name, grabe ang kabang nararamdaman ko. Halos maiyak na nga ako eh dahil sa inaasta, parang meron akong grabeng kasalanang nagawa. I just feel so damn shy.

I also changed my sim card para hindi na nya ako matext pa. Takot kase ako sa sasabihin nya. Inaamin kong ako palagi ang nanririject kaya hindi ko pa nararanasang mareject and damn it, takot na takot ako na baka kay Adam ko maranasan iyon.

I swear hindi ko na uulitin ang ginawa ko. I would never confess first anymore. Never ko nang gagawin yun! Jusko, ayoko na!

Nung pasko at bagong taon,  laking pasasalamat ko nang magdesisyon sina mommy ay daddy na magbakasyon kami sa Japan. Nung nasa Japan kami for almost 3 weeks ay nakapag unwind naman ako. It was a breath of fresh air for me kaya nalungkot talaga ako ng sobra nang umuwi kami.

Madami nang nagbago makalipas ang ilang buwan, Dawn had a boyfriend already at nagkakamabutihan na sina Bianca at Anton. Si Alfie naman ay nakamit na ang isa sa mga pangarap nyang makitang magperform ng live ang bandang LANY, his family flew to States kase nung bakasyon. 

Ako naman, eto. Ipinagpipilitang isubsob ang sarili sa pag-aaral, I'm keeping myself busy para hindi ko na mabigyan pa ng puwang ang aking sariling isipin pa siya.

Kasalukuyan akong nagbibihis, 2nd week of shooting na kase namin ngayon ng short film at sa isang resort ang location namin. I wore a sleeveless white flowy dress na hanggang baba ng tuhod ang baba pagkatapos kong magmoisturizer sa mukha at magliptint. I paired it with my white strappy flats. Isang maliit na sling bag lang din ang dala ko dahil kahit naman may oras kami para maligo, meron ako ngayon kaya hindi talaga ko makakaligo. Tsaka, hindi naman kami pupunta dun para magsaya, we'll be there to shoot. Pagkatapos kong suklayan ang nakalugay kong buhok at magpabango ay bumaba na ako.

"Manang, where's mom and kuya?" tanong ko kay manang nang hindi ko sila nadatnan sa baba. Si Daddy ay wala na naman dito dahil nakaassign na naman siya ngayon sa Sulu.

Tinignan ako ni Manang Lourdes mula ulo hanggang paa bago ngumiti.

"Ah yung mommy nyo ma'am, maagang umalis. May aasikasuhin daw. Yung kuya nyo naman po ay kakalabas lang ng bahay. Ang ganda nyo po ngayon ma'am ah? Dalagang dalaga na po kayo!" nakangiting puri ni manang

I smiled at her and expressed my gratitude. Maybe I'll text mommy nalang na umalis na ako sa bahay, alam naman na niya na may lakad ako ngayon.

Pumasok na ako sa kotse at  nagulat ako nang si kuya ang nasa driver's seat. Magmumukha tuloy siyang driver ko dahil sa backseat ako umupo, akala ko kase si manong eh.

Scarred HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon