Days passed by like a blur. Days turned to months and ta-da! It's already our anniversary today. And yes, it's my birthday!!
Adam promised me na uuwi siya dito para ispend ang anniversary namin together at para icelebrate ang birthday ko.
Makukuha na ni Adam ang kanyang Bachelor's degree and soon he will be enrolling in a medical school. I am so happy for him.
Kakagraduate ko lang ng senior highschool and yes, Adam went home just to witness my graduation.
Andito ako sa isang salon, para syempre magpaganda. Kasalukuyan akong nilalagyan ng nail polish habang nag-scroll sa aking social media account.
Nirereplyan ko lahat ng bumabati sa akin ng maligayang kaarawan. I feel so light. Ang daming greetings!
I visited instagram and decided to check on my boyfriend's account. There I saw his only post, it was dated months ago. It was when we had an overnight sa kanila, Adam was topless while I wore one piece. Tatlong litrato iyon, una ay iyong nakaakbay siya sa akin, pangalawa ay yung nagwacky kaming pareho at ang pangatlo ay yung hinalikan ko ang tungki ng kanyang ilong. I was smiling while staring at his only post. How sweet of him, eh?
"Ay jowa nyo yan ma'am? Ang hot ah!" pakikusyoso ng bading sa likod ko
I smiled and proudly nodded.
"Taray! Sabagay maganda din naman kayo ma'am! Bagay!"
Nakangiti kong binuksan ang mensahe ni Alfie.
'Lunaaaaaa'
Kumunot ang noo ko sa mensahe nya.
'Ano?'
Wala pang minuto ay sineen na niya ito at ang tanggal nyang 'typing' ha!
'May nakita ako!'
Wow. Ang tagal magtype, yun lang pala ang isesend.
'Ano?'
This time nagreply na siya agad at hindi iyon mensahe kundi litrato.
Kumabog ang dibdib ko nang makitang post iyon ng isang babae, Millie ang pangalan. 'Mine' ang caption at litrato ni Adam ang naroon.
Pumikit ako at kumalma.
'Ano naman? Sis maraming babaeng nagpopost ng ganyan. Sikat ang boyfriend ko kaya sanay na ako dyan.'
Tho kinakabahan ako ng slight, keri lang. Wala eh, famous yung jowa ko eh.
'Hindi ito simpleng fan sis dahil hindi nakuha sa google ang litrato! Mukhang yung babae talaga ang kumuha nyan!'
Natigilan ako at napaisip. Oo nga. Sa picture ay nakaupo si Adam sa isang couch at hula ko ay nasa bar sila.
Wala namang sinabi sakin si Adam na pupunta siyang bar ah?
'Sis, ano na? Nagawan ko na yan ng background check and guess what? I found out na kaklase pala ni Adam yang babaeng yan kaya baka nga nagkikita sila. From Ateneo din yang babae eh!'
Matagal akong nakapagtype ng irereply kay Alfie. Hindi ako makapag-isip ng maayos.
I stalked the girl on instagram and saw that she's also famous pala. Mayroon siyang 16.4k followers and only 5 following! I clicked 'following' and I saw na isa si Adam sa finafollow niya. I checked Adam's account again and felt a bit relieved nang makitang hindi naman niya finollowback yung babae dahil sa 25k followers nya, tanging isa lang ang finafollow nya at ako yun!
Binalikan ko ang account ng babae at nagsalubong ang kilay ko sa latest post nya na isinend sa akin ni Alfie. It garnered 10k likes at kagabi palang iyon! Marami ding nagcomment, nililink sila malamang! 'Mine' ba naman ang caption, ano si Adam? Online purchased?
BINABASA MO ANG
Scarred Heart
Fiksi RemajaLuna Alcantara had a crush on Adam Consunji for years. She was just watching her longtime crush from afar until one day... fate made a way for their paths to collide. As Luna convinces herself not to admire the most intelligent student of their cam...
