Chapter 9

2.9K 88 20
                                        


"Kuya, goodluck mamaya ha!" sabi ko kay kuya habang nasa sasakyan kami at si manong na ulit ang nagmamaneho

Last game nila mamaya laban sa Saint Peter's School.  Patapos na kasw ang District meet at sa MHS nakaschedule yung last game ng basketball.

Mayabang namang ngumisi sakin si kuya at dalawang beses na pinagpag ang kanyang balikat. Yabang.

"Baka mabangko ka lang mamaya ha, wag kang mayabang!" tukso ko

Nagmake-face naman siya.

"Ako? Mababangko? Excuse me, daig ko pa nga yung crush mo kung maglaro eh." nakangisi nyang sagot

Umasim naman ang mukha ko.

"Sinong crush?"

"Sus, nagmamaang-maangan pa! Para namang hindi ko halata ang mga tingin mo kay Adam!" he winked and laughed

"Hindi kaya." pagdideny ko

Speaking of Adam, magmula nung manalo ako ay panay na ang pagti-text niya sakin. May mga pagkakataon ring magkasama kaming lumalabas kapag inaaya niya ako o di naman kaya'y inaaya ko siya. We go out privately but everytime we go out, he asks permission from my parents naman.

Netong mga nakaraang araw nga lang ay hindi na kami masyadong nakakapagcommunicate dahil busy nga siya sa training nya at sa iba pang bagay.

Sa totoo lang, medyo naguguluhan nadin ako sa setup naming pareho, I mean, I don't want to assume things but he's just so sweet sometimes to the point na gustong-gusto ko na siyang tanungin kung anong meron sa min.

But.... then, I realized, imposible ang iniisip ko, I know he only treat me as his little sister at bumabawi lang siya sakin dahil naguiguilty parin sya sa nangyaring pananakit sa akin ng mga babaeng mahal na mahal siya.

"Kuya....is there something going between you and Celeste?" I asked out of the blue

Bigla ko lang kaseng naisip yung mga panahong nakikita ko silang dalawa, hindi sila ganun ka sweet pero napapadalas na ata ang pagkakasama nila.

Seryosong tingin ang ibinigay sa akin ni kuya.

"I'm courting her," sagot nya

Hindi ko siya makapaniwalang tinignan.

"Kailan ka pa natutong manligaw?" nakakunot noo kong tanong

Unti-unti naman siyang ngumisi.

"Ngayon lang. Kay Celeste lang." kaswal nyang sagot

Naisip ko naman agad si Bianca at sumisikip ang puso ko para sa kanya. Matagal ko na siyang sinasabihan sa mga ganitong posibilidad pero hindi parin siya nagpapatinag. Malaki na ang pagkakagusto nya kay kuya at paniguradong masasaktan yun kung sasabihin kong nililigawan na ni kuya si Celeste.

"Talaga kuya? Seryoso ka ba sa kanya?" paninigurado ko habang pinapaliit ang aking mata

I can't just imagine him being serious towards a girl, at mas lalong hindi ko maimagine kung dahil iyon kay Celeste!

"I've never been this serious, Luna."

Halos manlambot ako sa lamig at sa seryoso ng boses nya. At natatakot ako dahil tunog inlove siya!

"Bakit ganyan ang reaksyon mo? Hindi ka ba makapaniwala o hindi mo trip si Celeste?" nakakunot noo nyang tanong

Umayos naman agad ako at pinilit na pumormal.

"Nagulat lang ako kuya. Hindi kase ikaw yung tipong magseseryoso. Tsaka bakit ko naman hindi magugustuhan si Celeste eh bagay naman kayo." bawi ko agad

Scarred HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon